top of page
Search

ni Maestra Estrellia de Luna @Panaginip Gabay ng Buhay | August 27, 2024


Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Jerome ng Roxas City.


Dear Maestra,


Napanaginipan ko na nakarinig ako ng malakas na pagsabog. Sinilip ko kung saan iyon nanggaling, at napag-alaman ko na malapit lang pala iyon sa bahay ko. Kaya naman napilitan akong umalis sa lugar na iyon para iligtas ang aking sarili. 

Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?

Naghihintay,

Jerome



Sa iyo, Jerome,


Ang ibig sabihin ng panaginip mo na nakarinig ka ng malakas na pagsabog ay pagbabago sa buhay mo. Ang naturang pagbabagong ay napakahalaga kaya dapat mong lawakan ang iyong isipan at manatiling positibo sa buhay. 


Ang sinilip mo kung saan nanggaling ang narinig mong pagsabog ay babala na mawawalan ka ng mga mahahalagang ari-arian. May posibilidad kang manakawan. 

Samantala, ang napilitan kang tumakas para iligtas ang sarili mo ay senyales na madadamay ka sa malaking kaguluhan, pero sa dakong huli, maliligtas ka pa rin sa matinding kapahamakan.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna




 
 

ni Maestra Estrellia de Luna @Panaginip Gabay ng Buhay | August 26, 2024


Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Roy ng Bataan.


Dear Maestra,


Madalas kong mapanaginipan na nasa loob ako ng elevator. 


Napanaginipan ko rin na inggit na inggit ako sa kapitbahay namin. 


Noong nakaraang gabi naman, napanaginipan ko na naiinggit umano sa akin ang best friend ko.


Ano ang ibig sabihin ng mga panaginip ko?


Naghihintay,

Roy



Sa iyo, Roy,


Ang ibig sabihin ng panaginip mo na nasa loob ka ng elevator ay depende kung paakyat o pababa ito.


Kung paakyat ang elevator, ito ay nangangahulugan na pararangalan ka sa lugar n’yo, at makakatanggap ka ng award. Subalit kung pababa naman ang elevator, ito ay babala na may kapahamakang darating sa buhay mo. May posibilidad na masangkot ka sa gulo.


Samantala, ang inggit na inggit ka sa kapitbahay mo ay senyales na matatalo mo ang karibal mo sa puso ng iyong  minamahal, dahil ikaw ang pipiliin niyang maging karelasyon.


Pero ang kinainggitan ka ng best friend mo ay pahiwatig na maraming hahanga sa iyo. Bibilib silang lahat sa kakayahan at katalinuhan mo.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna



 
 

ni Maestra Estrellia de Luna @Panaginip Gabay ng Buhay | August 24, 2024


Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Lorenzo ng Lucban, Quezon.


Dear Maestra,


Napanaginipan ko na sobrang init, kaya naman naisipan kong tumalon sa swimming pool para maligo. Noong una, malinaw pa ang tubig sa pool, subalit habang tumatagal ay lumalabo na ang tubig hanggang sa tuluyan na itong naging marumi, at makati sa balat. 


Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?


Naghihintay,

Lorenzo




Sa iyo, Lorenzo,


Ang ibig sabihin ng panaginip mo na naisipan mong tumalon sa swimming pool para maligo ay may mga hahadlang sa mga plano mo na dapat mong malampasan para makamit mo ang iyong tagumpay. 


Kung may karelasyon ka na, makakaranas ka ng ‘di pagsang-ayon ng mga mahal mo sa iyong nobya. Tututol sila na siya ang iyong mapangasawa. 


Ang malinaw na tubig ay nangangahulugan ng kasaganahan at kaligayahan, habang ang malabong tubig naman ay nagpapahiwatig ng karamdaman at kalungkutan sa buhay.


Kung lumangoy ka, at nakaangat ang ulo mo, ito ay nangangahulugan na malalampasan mo ang lahat ng pagsubok mo sa buhay. 


Pero kung nakalubog ang ulo mo, ito ay paalala na mag-ingat ka. Dahil may posibilidad na madamay ka sa gulo.


Samantala, ang kumati ang balat mo dahil sa maruming tubig sa swimming pool ay simbolo ng kalungkutan at pabagu-bagong kalagayan sa iyong buhay. 


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna



 
 
RECOMMENDED
bottom of page