top of page
Search
  • BULGAR
  • Aug 31, 2024

ni Maestra Estrellia de Luna @Panaginip Gabay ng Buhay | August 31, 2024



Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Jennifer ng Candaba, Pampanga.


Dear Maestra,


Madalas kong mapanaginipan ang barko. Ano ang ibig sabihin nito?


Naghihintay,

Jennifer



Sa iyo, Jennifer,


Kung sa panaginip mo ay may nakita kang barko ito ay nangangahulugan ng paglalakbay. May posibilidad na makapangibang-bansa ka. 


Kung ang barko ay luma at hindi na magandang tingnan,  ito ay nagpapahiwatig na hindi magiging maganda ang paglalakbay mo. Maraming nakakainis na bagay ang mararanasan mo. Kung may asawa ka na, ito ay senyales na madaragdagan pa ang iyong anak, at muli kang magkakaanak ng lalaki.


Samantala, kung malinaw ang tubig habang sakay ka ng barko, ito ay simbolo ng kasaganahan at magandang pamumuhay. Kung malabo naman ang tubig, ito ay nagbabadya ng masamang kapalaran.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


 
 

ni Maestra Estrellia de Luna @Panaginip Gabay ng Buhay | August 29, 2024



Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Roberto ng Masbate.


Dear Maestra,


Napanaginipan ko na may anino akong nakita sa loob ng kuwarto ko. Natakot ako dahil kamukha iyon ni Satanas. 


Muntik na akong bangungutin, mabuti na lang ay nagising ako. 

Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?

Naghihintay,

Roberto



Sa iyo, Roberto,


Ang ibig sabihin ng panaginip mo na may nakita kang anino sa loob ng kuwarto mo ay magkakaroon kayo ng ‘di pagkakaunawaan ng bestfriend mo, hanggang sa mauwi ito sa away. Ito rin ay nangangahulugan na mapipilitan kang  mangutang ka sa lending app dahil sa kagipitan mo sa pera.


Samantala, ang natakot ka dahil kamukha iyon ni Satanas ay babala na masasangkot ka sa kaguluhan, dahil sa iyong bisyo at hindi magandang pag-uugali. Matuto kang magtimpi at ilagay sa tama ang iyong mga kilos upang ‘di ka mapahamak.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


 
 

ni Maestra Estrellia de Luna @Panaginip Gabay ng Buhay | August 28, 2024



Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Leony ng Ilocos Sur.


Dear Maestra,


Napanaginipan ko na nagtatrabaho ako sa isang factory. Pumunta ako sa ladies room para magsalamin. Nu’ng una, mukha ko lang ang nakikita ko, pero makalipas ang ilang saglit, ang dami ko ng mukhang nakikita na hindi ko kilala. 


Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?

Naghihintay,

Leony



Sa iyo, Leony,


Ang ibig sabihin ng panaginip mo na nagtatrabaho ka sa isang factory ay matatapos na ang pag-aalala mo tungkol sa pera. Pero, pansamantala lamang ito, dahil ‘di rin magtatagal, muli ka na namang kakapusin sa panggastos.


Samantala, ang pumunta ka sa ladies room para magsalamin ay nangangahulugan na ang sikretong matagal mo nang itinatago ay mabibisto na ng iba. 


Ang may nakita kang iba't ibang mukha sa salamin na hindi mo naman kilala ay nagpapahiwatig na papalitan mo na ang dati mong trabaho. Hahanap ka na ng bagong  mapapasukan, bagong kapaligiran at bagong mga kaibigan.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna





 
 
RECOMMENDED
bottom of page