top of page
Search

ni Maestra Estrellia de Luna @Panaginip Gabay ng Buhay | September 13, 2024



Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Loreto ng Cabanatuan, Nueva Ecija.


Dear Maestra,


Madalas kong mapanaginipan ang father ko na inuutusan niya akong pumunta sa bukid namin.


Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?

Naghihintay,

Loreto



Sa iyo, Loreto,


Hindi mo binanggit kung buhay pa o patay na ang father mo. Kung buhay pa ang father mo, ang ibig sabihin ng panaginip mo ay magiging maganda at maayos ang binabalak mo. Pero kung patay na ang father mo, ito ay babala na madadamay ka sa kaguluhan. Gayunman, isa sa malapit mong kamag-anak ang tutulong sa iyo. 


Ang pinapunta ka sa bukid ng father mo ay may iba’t ibang kahulugan. Kung naglalakad ka lang papunta sa bukid, at nakakita ka ng magagandang tanim na kulay berde, ito ay nangangahulugan na matutupad mo na lahat ng iyong pangarap. Yayaman at maaabot mo na rin ang tugatog ng tagumpay.


Kung sa panaginip mo ay wala pang tanim ang bukid at inaararo pa lang, ito ay senyales na kailangan mo munang magpunyagi at magsikap bago mo makamit ang iyong mga pangarap.


Samantala, kung namamahinga ka lang, nakahiga sa damuhan, at relax na relax sa bukid, ito ay senyales na magkakaroon ka ng bagong kaibigan.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna




 
 

ni Maestra Estrellia de Luna @Panaginip Gabay ng Buhay | September 12, 2024



Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Jonathan ng Zambales.


Dear Maestra,


Napanaginipan ko na nakatanggap ako ng dalawang gift box. Nang buksan ko ito, walang laman ‘yung isa, habang ‘yung isa naman ay laman na damit.


Nu’ng nakaraang gabi naman, napanaginipan ko na may hawak akong lampara.

Ano ang ibig sabihin ng mga panaginip ko?

Naghihintay,

Jonathan



Sa iyo, Jonathan,


Ang ibig sabihin ng panaginip mo na nakatanggap ka ng dalawang gift box, at walang laman ‘yung isa ay hindi ka magiging masuwerte sa susunod na mga araw. 


Pero dahil ang sabi mo, may laman naman ‘yung isang gift box, ito ay magandang balita tungkol sa iyong future, at may nakalaang gantimpala sa mga pagsusumikap mo.


Ang mga damit ay depende sa kulay nito ang ibig sabihin, kung ito ay puti, ito ay nangangahulugan na makakatanggap ka ng magandang balita. Magugulat ka dahil hindi mo ito inaasahan.


Kung ito naman ay colored, ito ay senyales na may mamanahin kang ari-arian mula sa namayapa mong kamag-anak.


Pero kung ito ay gusut-gusot, pangit at mukhang marumi, ito ay babala ng kabiguan at matinding kalungkutan.


Samantala, ang may hawak kang lampara ay nagpapahiwatig na magiging matagumpay ka sa pinili mong profession. 


Subalit, kung ang liwanag ng lampara ay aandap-andap, ito ay paalala ng kalungkutan.

Pero kung ang ilaw naman ng lampara ay tuluyang nawala, ito ay tanda na matatagalan ka bago mo makamit ang iyong minimithi. 


Kung sa panaginip mo naman ay nakakita ka ng maraming lampara bukod sa hawak mo, ito ay sign na may dadaluhan kang kasiyahan, ito ay maaaring birthday party o bonggang wedding party.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna



 
 

ni Maestra Estrellia de Luna @Panaginip Gabay ng Buhay | September 11, 2024



Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Dexter ng Pampanga.


Dear Maestra,


Madalas kong mapanaginipan ang tungkol sa pag-ibig. Nu’ng nakaraang gabi naman, napanaginipan ko na inulan umano ako ng suwerte, at natupad ko na raw ang mga pinakamimithi ko.


Ano ang ibig sabihin ng aking mga panaginip?

Naghihintay,

Dexter



Sa iyo, Dexter,


Iba’t iba ang kahulugan kapag tungkol sa pag-ibig. Kung napanaginipan mo na maraming nagmamahal sa iyo at mahal na mahal ka rin ng karelasyon mo, ibig sabihin nito ay nariyan lang sa tabi mo ang iyong mga kaibigan na handang dumamay sa iyo. Huwag kang mag-alala, dahil hindi ka nila pababayaan, at handa silang tumulong lalo na kapag naipit ka sa isang sitwasyon. 


Pero, kung sa panaginip mo ay nabigo ka sa pag-ibig, at hindi tinanggap ng nililigawan mo ang pagmamahal na alay mo sa kanya ay kabaligtaran ang kahulugan, dahil ito ay senyales na magtatagumpay ka sa puso ng iyong minamahal. Sasagutin ka na niya at susuklian niya rin ang nararamdaman mo sa kanya. Samantala, kung napanaginipan mo na lahat ng mga kaibigan mo ay nagmamahal sa iyo at handa nilang ibigay anuman ang hilingin mo, ito ay tanda na magtatagumpay ka sa iyong negosyo at magkakaroon ka pa ng masayang pamilya. 


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna





 
 
RECOMMENDED
bottom of page