top of page
Search

ni Maestra Estrellia de Luna @Panaginip Gabay ng Buhay | Sep. 23, 2024



Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Kevin ng Tarlac.


Dear Maestra,


Napanaginipan ko na pumunta ako sa poultry namin para bisitahin ang mga alaga naming manok. Nang makita ko ‘yun, nagulat ako dahil ang laki na pala ng mga sisiw na inalagaan namin. Makalipas ang ilang saglit, naisipan kong umuwi, habang naglalakad ako patungo sa amin, may nakasalubong akong iba't ibang uri ng hayop tulad ng kalabaw, baka, kambing at iba pa. Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?

Naghihintay,

Kevin

Sa iyo, Kevin,


Ang ibig sabihin ng panaginip mo na pumunta ka sa poultry at nakita mo na ang lalaki na pala ng inalagaan n’yong sisiw ay palatandaan na may mga pagbabagong magaganap sa buhay mo, pero naka-pending pa ito. Hindi muna ito mapapasaiyo, at kailangan mo pang maghintay ng kaunting panahon.


Samantala, ang may nakasalubong kang iba't ibang uri ng hayop ay babala ng mabibigat na gawain. Kakailanganin mong magtrabaho nang husto, makakaranas ka rin ng matinding pagsubok at kapighatian, subalit huwag kang mag-alala, dahil may gantimpalang nakalaang para sa iyo. 


Sa dakong huli, tiyak na ika’y magtatagumpay at pagpapalain habambuhay.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna





 
 

ni Maestra Estrellia de Luna @Panaginip Gabay ng Buhay | Sep. 21, 2024



Dear Maestra,


Ano ang ibig sabihin kapag madalas mong napapanaginipan ang mga damit at bata? 


Naghihintay,

Jesusa



Sa iyo, Jesusa,


Ang ibig sabihin kapag napapanaginipan ang damit ay depende kung ano’ng klaseng damit. 


Kung sa panaginip mo nakasuot ka ng bagong damit, ito ay babala ng kahirapan at kakulangan sa mga bagay na kinakailangan mo sa pang-araw-araw na pamumuhay.


Kung ang damit naman na suot mo ay luma na at para ng basahan kung titingnan, ito naman ay nagpapahiwatig na susuwertehin ka, at magiging isa ka sa pinakamayaman sa lugar n’yo.


Kung napanaginipan mo naman na nananahi ka ng damit, ito ay senyales na magkaka-baby ka na, at ito ay isang lalaki.


Samantala, ang mga bata ay nagpapahiwatig na magiging matagumpay ang negosyo mo at liligaya ka rin kasama ang iyong pamilya

.

Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna





 
 

ni Maestra Estrellia de Luna @Panaginip Gabay ng Buhay | Sep. 20, 2024



Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Eva ng Pila, Laguna.


Dear Maestra,


Napanaginipan ko na nagluluto ako. Ang ginamit ko sa pagluluto ay hindi gas stove kundi uling.


Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?


Naghihintay,

Eva

Sa iyo, Eva,


Ang ibig sabihin ng panaginip mo na nagluluto ka ay may dadaluhan kang masayang pagtitipon na kung saan makikita mo ang dati mong mga kaibigan. Magiging masaya ka sa nasabing pagtitipon, at hahanapan n’yo ng ka-match ang mga kaibigan n’yo na wala pang dyowa.  Ang maganda pang balita, magkakatuluyan sila.  


Samantala, ang nagluto ka gamit ang uling ay nagpapahiwatig na magiging abala ka sa maraming bagay. Ito rin ang maghahatid sa iyo sa tagumpay. Tiyak na yayaman ka rin dahil sa iyong pagsisikap at pagtitiyaga. 


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna




 
 
RECOMMENDED
bottom of page