top of page
Search

ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | June 06, 2023



Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Loida ng Davao.


Dear Maestra,

Shout out sa inyo r’yan sa Bulgar.

Napanaginipan ko na nakasakay ako sa airplane papuntang abroad. Nagtaka ako dahil may mga langaw sa paligid, samantalang naka-aircon naman ang airplane at malinis ito.

Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?


Naghihintay,

Loida


Sa iyo, Loida,

Ang ibig sabihin ng panaginip mo na nakasakay ka sa airplane papuntang abroad ay magtatagumpay ka kasalukuyan mong negosyo, at kikita ka ng malaki.


Samantala, ang nagtaka ka dahil may mga langaw sa paligid mo, ay babala na may paparating na hindi magandang pangyayari sa buhay mo na ikababahala at makakaramdam ka ng pagkainis.


Maging handa ka, at huwag maging kampante. Gamitin ang iyong talas ng isipan at pakiramdam sa mga nakakasalamuha mo sa araw-araw.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna

 
 

ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | October 10, 2021



Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Jessica ng Nueva Ecija.


Dear Maestra,

Madalas kong mapanaginipan na nakadungaw ako sa bintana namin, tapos ang dami-daming stars sa langit. Gustong-gusto kong pagmasdan ang mga ito at ang sarap ng pakiramdam ko habang nakatingin sa langit. Ano ang ibig sabihin nito?


Naghihintay,

Jessica


Sa iyo, Jessica,

Maganda ang ipinahihiwatig ng panaginip mo tungkol sa mga bituin sa langit na masayang pinagmamasdan mo habang nakadungaw ka sa bintana. Ang bituin ay nangangahulugan ng kaligayahan. Mas maningning ang mga bituin, mas ibayong kaligayahan ang mararanasan mo sa darating na mga araw.


Ang bintana naman ay nangangahulugan na masyado kang nag-aalala at nagdududa sa mga kaibigan mo, kumbaga, wala kang tiwala sa kanila. Sa totoo lang, tapat naman sila sa iyo, mapagkakatiwalaan at mananatili ang pagkikipagkaibigan nila sa iyo hanggang wakas. They will forever be your friends at dahil dito, iwasan mo ang masyadong pag-aalala, pagdududa at kawalan ng tiwala sa kapwa. Huwag ka ring maging judgmental.


Maging positibo ka sa iyong pananaw sa buhay dahil walang mabuting idudulot kung masyado kang mapag-isip ng hindi maganda sa iyong kapwa. Think positive and no to negative.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna

 
 

ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | October 05, 2021



Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Cory ng Romblon.


Dear Maestra,

Ako ay tagahanga ng column ninyo at kagaya ng marami ninyong tagasubaybay, gusto ko ring magpaanalisa ng panaginip ko.

Napanaginipan ko na kasama ko ang mga kaibigan ko, tapos nakaupo kami sa mesang kainan. Ang daming pagkain sa table na pawang masasarap. Ang saya-saya namin ng mga kaibigan ko at ganadong-ganado kami sa pagkain. Ano ang ipinahihiwatig ng panaginip ko?


Naghihintay,

Cory


Sa iyo, Cory,

Ang ibig sabihin ng panaginip mo na maraming masasarap na pagkain sa table at ganadong-ganado ka sa pagkain kasama ng mga kaibigan mo na ganado ring kumain, ito ay nagpapahiwatig ng kasaganaan, tagumpay at pagpapala sa buhay.


Ito rin ang nangangahulugan na magiging maligaya ka sa larangan ng pag-ibig o happy love life. Susuwertehin ka sa karelasyon mo sa kasalukuyan dahil magiging maligaya kayo at walang anumang problemang kakaharapin. Magiging masaya ang relasyon ninyo na maaaring mauwi sa kasalan at panghabambuhay na pagsasama.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna

 
 
RECOMMENDED
bottom of page