top of page
Search

ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | August 27, 2021



Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Joseph ng Pasay City.


Dear Maestra,

Isa akong sundalo na na-a-assign sa iba’t ibang lugar. Tagasubaybay ako ng column ninyo at gusto kong ipaanalisa sa inyo ang panaginip ko. Bilang sundalo, napalaban kami sa giyera ng mga kasamahan ko, tapos kinailangan naming tumawid sa ilog para lumikas sa dati naming kampo at sumakay kami sa isang malaking bangkang de motor. Ano ang ibig sabihin ng panaginip kong ito?


Naghihintay,

Joseph


Sa iyo, Joseph,

Ang ibig sabihin ng panaginip mo ay makararanas ka ng sunud-sunod na pagbabago sa buhay. Ayon sa panaginip mo, tumawid kayo ng mga kasama mo sa kabilang ilog sakay ng malaking bangkang de motor. Kung malinaw ang tubig sa ilog, nagpapahiwatig ito ng kasaganaan, subalit kung malabo, marumi at parang kulay putik ang tubig, masamang kapalaran ang ibig sabihin nito.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna

 
 
  • BULGAR
  • Aug 26, 2021

ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | August 26, 2021



Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Leo ng Palawan.


Dear Maestra,

Napanaginipan ko na umulan ng snow dito sa lugar namin. Dali-dali akong kumuha ng sabon at naligo sa snow, pero dumami nang dumami ang mga patak ng snow hanggang naging snow storm na ito. Ano ang ipinahihiwatig ng panaginip ko?


Naghihintay,

Leo


Sa iyo, Leo,

Ang ibig sabihin ng naligo ka sa snow ay kasaganaan at kaunlaran sa buhay. Subalit ang sabi mo ay naging snow storm ito, ang ibig sabihin naman nito ay may sagabal sa mga plano mo, pero malalagpasan mo ito.


Samantala, ang sabon sa panaginip mo ay nangangahulugan na madadamay ka sa isang gulo na madali mo namang malulusutan kung gagamitin mo ang iyong isip mo at talino.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna

 
 

ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | August 25, 2021



Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Divina ng Masbate.


Dear Maestra,

Mayroon akong maliit na negosyo rito sa aming lugar.

Napanaginipan ko na nag-shoping ako, tapos andami kong binili kasi karamihan sa mga items na gusto kong bilhin ay naka-sale. Sa rami ng nabili ko, sobrang napagod ako at bigla akong nagkasakit at kinailangan kong mapahinga ng isa hanggang dalawang linggo, ayon sa doktor na pinuntahan namin. Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?


Naghihintay,

Divina


Sa iyo, Divina,

Maganda ang ipinahihiwatig ng panaginip mo na nag-shopping ka at marami kang pinamili. Ito ay nangangahulugan ng maginhawang pamumuhay, maligayang pagsasamahan, pagsusunuran sa loob ng tahanan at dagdag na kita sa iyong negosyo na pinagkakaabalahan sa kasalukuyan.


‘Yun namang nagkasakit ka, hindi maganda ang ipinahihiwatig nito dahil ibig sabihin, may tuksong darating sa buhay mo, hindi lamang sa love life kundi pati sa negosyong pinagkakakitaan mo ngayon. May posibilidad na umibig ka pa sa iba kahit may mahal ka na. Tungkol naman sa negosyo mo, matutukso kang tanggapin ang inaalok na bagong negosyo ng best friend mo. Pag-aralan mo munang mabuti ang kaliwa at kanan, at iba pang pasikot-sikot sa negosyong iaalok sa iyo. Huwag kang sunggab nang sunggab dahil maaari kang malinlang. Kayadapat ay dobleng pag-iingat ang dapat mong gawin.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna

 
 
RECOMMENDED
bottom of page