top of page
Search

ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | January 10, 2024


Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Norma ng Baguio.


Dear Maestra,


Napanaginipan ko na ginaw na ginaw ako. Nagkasipon na rin ako sa sobrang lamig sa bahay na tinitirhan ko sa Baguio. Maski ang mga paa ko ay pinupulikat na rin. 


Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?


Naghihintay,

Norma


Sa iyo, Norma,


Ang ibig sabihin ng panaginip mo na ginaw na ginaw ka dahil sobrang lamig d’yan sa bahay na tinitirhan mo sa Baguio ay madami kang mga kaibigan na handa kang damayan. Tapat at maaasahan sila sa lahat ng oras. Ang nagkaroon ka ng sipon ay nagpapahiwatig na makakatanggap ka ng magandang balita, at magiging masaya ka dahil sa nasabing balita.


Samantala, ang pinulikat din ang mga paa mo dahil sa sobrang lamig, ito ay senyales na susuwertehin ka. Magbabago na ang buhay mo hanggang sa tuluyan kang umunlad.


Matapat na sumasaiyo,Maestra Estrellia de Luna


 
 

ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | January 9, 2024


Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Joshua ng Oriental Mindoro. 


Dear Maestra,


Napanaginipan ko na kabilugan ng buwan, kung kaya’t naisipan namin ng mga kaibigan ko na manghuli ng alimasag sa dagat. Ang dami naming nahuli, buhay na buhay at naninipit pa. 


Ngunit sa kasamaang palad, nasipit ako ng alimasag na nahuli ko. Pagdating sa bahay, agad ko itong niluto. Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko.


Naghihintay,

Joshua

Sa iyo, Joshua,


Ang ibig sabihin ng panaginip mo na kabilugan ng buwan ay kaligayahan at tagumpay sa piling ng iyong mapapangasawa. Ang nanghuli kayo ng mga kaibigan mo ng alimasag, at nasipit ka ay babala na iwasan mong mag-travel sa dagat dahil may posibilidad na maaksidente ka sa karagatan.


Samantala, ‘yung niluto mo ang alimasag na nahuli mo ay nagpapahiwatig na may dadaluhan kang masayang pagtitipon na kung saan masisiyahan kayo ng mga kaibigan mo. Bawat isa na wala pang asawa ay ima-match sa mga dumalo na naghahanap ng kapareha sa buhay. 


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


 
 

ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | January 8, 2024


Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Dorothy ng Mandaluyong.


Dear Maestra,


Napanaginipan ko na bumili ako ng tinapay at butter para gawing palaman.


Pagdating ko sa bahay, agad akong nagtimpla ng kape. Kinuha ko ‘yung tinapay at nilagyan ko ng butter. Kinain ko ito habang may kapeng mainit. Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?


Naghihintay,Dorothy


Sa iyo, Dorothy,


Ang ibig sabihin ng panaginip mo na bumili ka ng tinapay ay malalampasan mo rin ang mga ‘di kanais-nais na mga pangyayari sa iyong kapaligiran. Ang butter naman na siyang naging palaman ng tinapay ay nagpapahiwatig ng kaligayahan sa pag-ibig.


Magiging maligaya ka sa karelasyon mo. Kung may mga anak na kayo, magdudulot sila ng saya at karangalan sa inyong pamilya. Kung wala pa kayong anak, isa sa family member n’yo ang maghahatid ng kaligayahan sa inyong buhay.Samantala, ang mainit na kape na ininom mo kasabay ng tinapay na kinain mo ay senyales na  ang inaasam-asam mong kaligayahan, kaginhawaan at kapayapaan sa loob ng iyong tahanan, at matatapos na rin ang mga problema mo. 


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


 
 
RECOMMENDED
bottom of page