top of page
Search

ni Estrellia de Luna @Panaginip Gabay ng Buhay | June 13, 2024



Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Robert ng Cebu.


Dear Maestra,


Napanaginipan ko na minalas ako. Nagkasakit na ako, tinubuan pa ako ng tigdas.

Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?


Naghihintay,

Robert



Sa iyo, Robert,


Kabaligtaran ang kahulugan ng panaginip mo na minalas ka, ito ay nangangahulugan na susuwertehin at yayaman ka. Lahat ng luho sa buhay ay matitikman mo na rin. Isa pa, mabibili mo na rin ngayon ang pinapangarap mong kotse. Lahat ng gusto mong bilhin ay mapapasaiyo na.


Samantala, ang nagkasakit ka ng tigdas ay senyales na magiging maganda na ang kalusugan mo. Magtatagumpay ka na rin sa negosyong bubuksan mo, at may darating pang pera na ‘di mo inaasahan. 

Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


 
 

ni Estrellia de Luna @Panaginip Gabay ng Buhay | June 7, 2024



Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Mely ng Candon, Ilocos Sur.


Dear Maestra,


Napanaginipan ko na gutom na gutom ako. Pumunta ako sa kusina para maghanap ng makakain, ngunit wala akong nakitang pagkain maliban na lang sa honey. Tatlong patak na honey ang nilagay ko sa kutsarita, at ‘yun  ang kinain ko.

Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?


Naghihintay,

Mely



Sa iyo, Mely,


Ang panaginip mo na gutom na gutom ka, pumunta ka sa kusina, pero wala kang nakitang pagkain maliban sa honey ay senyales na mapupuspos ng tamis at kaligayahan ang buhay mo. Ngayon mo na matatagpuanl ang lalaking tunay na magmamahal sa iyo. Pakakasalan ka niya, at magiging maligaya ang honeymoon n’yo.


Uunlad na rin ang negosyong bubuksan n’yo hanggang sa tuluyan kayong yumaman.

Samantala, ang tatlong patak ng honey ay nangangahulugan na magiging donya ka. Makakapagpatayo ka ng mga apartment for rent, at mararating mo na ang pinakamataas na antas ng buhay.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna






 
 

ni Estrellia de Luna @Panaginip Gabay ng Buhay | June 4, 2024



Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Jenica ng Capiz.


Dear Maestra,


Napanaginipan ko na naisipan kong mag-bake ng pizza sa oven. Nang maluto na ito, kinain ko agad. 


Binigyan ko rin ang mga kasambahay ko, maski sila ay nasarapan din at nasobrahan ang kain.


Kaya naman, nag-bake muli ako ng pizza. Pero, nag-overheat ang oven, kaya naman nasunog ang bine-bake kong pizza.  

Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?


Naghihintay,

Jenica



Sa iyo, Jenica,


Ang ibig sabihin ng panaginip mo na naisipan mong magluto sa oven ng pizza ay magtatagumpay ka sa mga hangarin mo sa buhay.


Ang nasobrahan ang kain n’yo ay nangangahulugan na may ugali ka na sobrang yabang at mapagmataas. 


Ang binigyan mo ang mga kasambahay mo, nasarapan din nila ay kaligayahan ang ipinahihiwatig.


Samantala, ang nag-bake ka ng pizza dahil naubos na ito, pero, nag-overheat kaya naman nasunog ang pizza na niluluto mo ay babala na masasangkot ka sa sigalot, ‘di kayo magkakasundu-sundo dahil sa kaibigan mong pasaway.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna




 
 
RECOMMENDED
bottom of page