top of page
Search
  • BULGAR
  • Aug 14, 2024

ni Maestra Estrellia de Luna @Panaginip Gabay ng Buhay | August 14, 2024



Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Leonardo ng Camarines Sur.


Dear Maestra,


Napanaginipan ko na ang dami kong biniling mani. Pero hindi ko naman ito makain, dahil ang tigas-tigas. Dinidikdik ko pa ito para lamang matikman at makain.


Samantala, napanaginipan ko rin na naglalakad ako sa bukid na maraming tanim na oats na oks nang anihin.


Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?

Naghihintay,

Leonardo



Sa iyo, Leonardo,


Ang ibig sabihin ng mani sa panaginip mo ay kaligayahan at pag-unlad sa buhay.

Ang dinikdik mo ito dahil matigas ay nagpapahiwatig ng pansamantalang kabiguan. Mabibigo ka sa mga binabalak mo, pero pansamantala lang ito, dahil malalampasan mo rin ito. Samantala, ang naglalakad ka sa taniman ng oats, at oks na itong anihin ay nagpapahiwatig na malapit ka nang ikasal sa babaeng napupusuan mo. May mabuti siyang kalooban at maaasahan sa mga gawaing bahay. Ito rin ay nangangahulugang susuwertehin ka sa paglalakbay. Madaragdagan pa ang kita mo, at hindi ka na mamomroblema sa pera.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna






 
 

ni Maestra Estrellia de Luna @Panaginip Gabay ng Buhay | August 13, 2024



Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Rowena ng Cavite.


Dear Maestra,

Madalas kong mapanaginipan ang buwan at karagatan. Ano ang ibig sabihin ng mga panaginip ko?

Naghihintay,

Rowena



Sa iyo, Rowena,

Ang buwan na nakita mo sa iyong panaginip ay nangangahulugan ng tagumpay at kaligayahan sa pag-aasawa. Pero kung nagbabalak pa lang kayong magpakasal, tiyak na liligaya at magiging maayos na ang pagsasama n’yo ng lalaking napupusuan mo. 

Samantala, ang karagatan naman ay sumisimbolo ng pag-unlad sa negosyo, magtatagumpay ka sa kalakalan, at magiging masagana ang ani n’yo lalo na pagdating sa larangan ng agrikultura.

Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna









 
 

ni Maestra Estrellia de Luna @Panaginip Gabay ng Buhay | August 12, 2024



Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Jerico ng Pasig City.


Dear Maestra,


Napanaginipan ko na minalas ako sa buhay, at sobrang kamalasan ang sinapit ko. 


Nakaraang gabi naman, napanaginipan ko na nakapulot ako ng bag, at may laman itong P50,000.


Ano ang ibig sabihin ng mga panaginip ko?

Naghihintay,

Jerico



Sa iyo, Jerico,


Kabaligtaran ang ibig sabihin ng panaginip mo na minalas ka, ito ay nangangahulugan na susuwertehin ka sa buhay.


Samantala, ang nakapulot ka ng pera ay nagpapahiwatig na lalago ang iyong negosyo. Uunlad ito, at kikita ka na rin ng malaki. Ito rin ay senyales na magiging maayos at masaya na ang iyong pamilya.


Ang bag ay tanda na magkakaanak kayo ng marami. Sila ang magbibigay ng karangalan sa pamilya n’yo.


Ang P50,000 naman ay sumisimbolo na makakapag-abroad ka, hindi lang sa isang bansa, kundi sa iba’t ibang bansa. 


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna.








 
 
RECOMMENDED
bottom of page