top of page
Search

ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran ayon sa Palad | July 11, 2023





KATANUNGAN

  1. Ang problema ko, Maestro, ay tungkol sa lovelife ko at ito ang concern ko kaya naisipan kong sumangguni sa inyo. Nagka-boyfriend na ako rati noong nag-aaral pa ako sa college, kaya lang ay hindi nagtagal ang aming relasyon at mula noon ay hindi na muli ako nagka-dyowa.

  2. Ask ko sana kung kailan kaya ako magkaka-boyfriend at kung sakaling magkaroon ako ng relasyon sa taong ito o sa taong 2024 siya na kaya ang mapapangasawa ko?

  3. Sa edad ko kasing 32, gusto ko nang mag-asawa, kaya lang paano naman ako makakapag-asawa kung wala naman akong boyfriend, kaya labis akong nababahala na baka hindi na ako magka-boyfriend kahit kailan.


KASAGUTAN

  1. Hindi ka dapat mabahala, o mag-alala, Mia, na baka ikaw ay tumandang dalaga o hindi na magka-boyfriend kahit kailan, ganyan talaga ang buhay, kung minsan sadya talagang medyo “late” o medyo “huli na” kung dumating ang love life o ang makulay na buhay pag-ibig sa isang indibidwal na tulad mo, pero kapansin-pansin pa rin naman ang malinaw, makapal at mahabang Marriage Line (Drawing A. at B. 1-M arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad.

  2. Ibig sabihin, ang nagsasabing tanda ay nagbabalita, na magalak at magsaya ka, hindi lamang dahil malapit na ang birthday mo, sapagkat kahit abutin pa ka ng edad na 33, o kahit na 34 pa, 'wag kang mag-alala, dahil walang duda, sa takdang panahon na inilaan ng kapalaran, magkaka-boyfriend kang muli sa ikalawang pagkakataon hanggang sa tuluyan ka nang makapag-asawa at magkaroon ng isang maligaya at panghabambuhay na pagpapamilya.

  3. Ang pagkakaroon ng boyfriend ay tinatayang mangyayari at magaganap, humigit kumulang sa taong kasalukuyan 2023 sa edad mong 32 pataas. Ang pag-aanalisang magiging significant year mo ang taong 2023 ay madali namang kinumpirma ng destiny number mong 7 kung saan, ang numero 7 ay mapalad ngayong taong ito ng 2023. Dahil ang sumatotal ng taong 2023 ay 7 (20+23=43/ 4+3=7) na sadyang suwerte para sa mga taong may destiny number na 7, na tulad mo. Kaya 'yun nga ang tiyak na magaganap, sa panahong ito ng iyong buhay sa edad mong 32, magkaka-boyfriend ka na at maaari ring sa edad mo namang 33 sa susunod na taong 2024 ay tuluyan ka na ring makapag-asawa.


DAPAT GAWIN

Mia, ayon sa iyong datos, tiyak ang magaganap, sa taong kasalukuyan sa edad mong 32 pataas, sa buwan ng Setyembre o kaya’y Oktubre, matutupad na ang matagal mo ng hiling at ang pinapangarap sa buhay – magkaka-boyfriend ka ng isang lalaking isinilang sa zodiac sign na Virgo, hanggang sa sumapit ang taong 2024 sa edad mong 33, ang lalaking magiging boyfriend mo sa taong ito ng 2023, ang siya mo na ring mapapangasawa at makakasama sa pagbuo ng isang simple pero maligaya at panghabambuhay na pagpapamilya.



 
 

ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran ayon sa Palad | July 9, 2023





KATANUNGAN

  1. Paano ba malalaman sa pamamagitan ng guhit ng aking palad kung kailan ako magkakaroon ng boyfriend?

  2. Sa edad ko kasing 31-anyos, hanggang ngayon ay ‘di pa rin ako nagkaka-boyfriend. Hindi naman sa naiinip ako, naisip ko lang na parang hindi na yata ito normal. Samantala, ang ibang mga kasabayan ko ay may kani-kanya ng boyfriend at ang iba ay may mga asawa’t anak na.

  3. Maestro, sa palagay mo ba kailan ako magkaka-boyfriend at kailan din kaya ako makakapag-asawa?

KASAGUTAN

  1. Dalawang klase ang tinitingnan sa guhit ng iyong palad. Una ay ang Marriage Line (Drawing A. at B. 1-M arrow a.) kung saan, sa kaso mo may namataang kaisa-isang Marriage Line (Drawing A. at B. 1-M arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad.

  2. Tanda na isang beses ka lang iibig ng tapat na sa bandang huli ang boyfriend mong iniibig ay siya na ring iyong mapapangasawa at makakatuluyan.

  3. Habang bukod sa Marriage Line (arrow a.) may tinatawag pang guhit ng fling na relasyon (Drawing A. at B. f-f arrow b.) na matatagpuan sa ilalim ng daliring hinlalaki sa gilid ng iyong palad.

  4. Sa kaso mo, may isang guhit ng fling na relasyon (arrow b.) na magaganap bago ka tuluyang makapag-asawa. Ibig sabihin, bago ka magka-boyfriend magkakaroon ka muna ng karelasyon, pero hindi naman ito seryosong relasyon o hindi naman gaanong magtatagal at pagkatapos nga ng nasabing relasyon na hindi gaanong magtatagal, sa ikalawang pakikipagrelasyon mo, ito na ang kaisa-isang iginuhit sa Marriage Line (Drawing A. at B. 1- M arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad na sa bandang huli ay mauuwi rin sa isang maligaya at panghabambuhay na pag-aasawa.

DAPAT GAWIN

Ayon sa iyong mga datos, Elvira, ang umusbong at kusang tumubo na Marriage Line sa kaliwa at kanan mong palad (1-M arrow a.) humigit kumulang sa edad mong 32 hanggang 33 pataas, magkakaroon ka ng seryoso at pangmatagalang relasyon na siya na ring magiging asawa mo, pero bago dumating ang lalaking nabanggit, tulad ng naipaliwanag na, magkakaroon ka muna ng fling na relasyon (arrow b.) at ang lalaking ito ay darating sa taon ding ito ng 2023, sa edad mong 31 ngunit makalipas ang mga ilang buwan ay tuluyan din itong maglalaho, sa pagsapit ng susunod na taong 2024 sa edad mong 32 pataas mami-meet mo na ang lalaking itinakda sa iyo ng kapalaran na nagtataglay ng zodiac sign na Capricorn na siya na ring makakasama mo sa pagbuo ng isang maligaya at panghabambuhay na pamilya.


 
 

ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran ayon sa Palad | July 7, 2023





KATANUNGAN

  1. Kung tutuusin masaya naman ang pamilya namin, kasi mayroon akong mabait at responsableng mister. Ang problema lang talaga namin ay ang tungkol sa pera. Mahina ang kita niya sa pinapasukan n’yang kumpanya habang ako naman ay nasa bahay lang.

  2. May tatlo kaming mga anak at ang panganay ay gradweyt na ng senior high school. Ang pinoproblema ko ngayon ay kung saan kami kukuha ng pera pangkolehiyo niya.

  3. Binabalak ko ngayong mag-abroad kaya lang ayaw naman akong payagan ng mister ko. Malungkutin at mahina kasi ang loob niya. Parehong mahina ang loob namin kaya walang mangyayari sa buhay namin.

  4. Kaya naisipan kong sumangguni sa inyo, Maestro, upang itanong kung ano kaya ang maganda naming gawin para umunlad ang aming kabuhayan at mapag-aral namin ang aming mga anak sa kolehiyo upang hindi sila matulad sa amin na hindi nakatapos ng pag-aaral.

KASAGUTAN

  1. Tama ang iniisip mo, Reyna Lyn, kailangang n’yong magsikap dahil kung walang magsisikap sa inyong dalawa, tama ka, tulad n’yo lalaki rin ang mga bata na ‘di makakapagkolehiyo, kaya ang ending wala rin silang magiging future.

  2. Samantala buti na lang at kinakitaan ng malinaw at malawak na Travel Line (Drawing A. at B. t-t arrow a.) ang kaliwa at kanan mong palad, nangangahulugang kahit na ngayon ay medyo kontrabida pa si mister sa binabalak mong pangingibang-bansa, ‘wag kang mag-alala, darating at darating din ang panahon na mapapahinuhod mo si mister hanggang sa bandang huli mapilitan na rin siyang pumayag sa gusto mong pangingibang-bansa.

  3. Ang pag-aanalisang magkakasundo naman kayo sa bandang huli at papayagan ka rin ni mister na mag-abroad ay madali namang kinumpirma ng hiwalay na Life Line at Head Line (Drawing A. at B. L-L at H-H arrow b.) sa kaliwa at kanan mon palad. Tanda na sa sandaling nakita ng iyong asawa na pursigidung-pursigido ka makapag-abroad upang umunlad ang inyong buhay, hindi na rin siya makakakontra sa sandaling nalalapit na ang iyong pag-alis na tinatayang magaganap sa second quarter ng taong 2024.

DAPAT GAWIN

Tulad ng nasabi na Reyna Lyn tama ang iniisip mo, kung saan, ayon sa iyong datos basta’t magsikap ka lang mag-apply sa abroad, sa buwan ng Mayo hanggang Hunyo, sa susunod na taong 2024 edad mong 34 pataas, may isang mabunga at mabiyayang pangingibang-bansa ang itatala sa iyong kapalaran na magiging simula upang makaahon sa kahirapan ang inyong pamilya hanggang sa mapag-aral n’yo na sa kolehiyo ang inyong mga anak at tuluyan na rin silang magkaroon ng isang asensado at maunlad pamumuhay ang inyong pamilya.



 
 
RECOMMENDED
bottom of page