top of page
Search

ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran ayon sa Palad | December 11, 2023


KATANUNGAN

  1. Sa sa edad kong 51, bakit kaya ang dami-dami ko na agad nararamdamang sakit sa aking katawan? May rayuma na ako gayung bata pa naman ako. Sa palagay n’yo aabot pa kaya ako sa target age kong 75?

  2. Ayoko naman kasing pahirapan ang pamilya ko, kung hindi na ako makatayo sa aking higaan at wala nang silbi, kawawa naman ‘yung asawa at mga anak ko.

  3. Maestro, nakikita rin ba sa guhit ng palad kung ano’ng edad mamamatay ang isang tao? At kung gaano katagal ang haba ng buhay sa mundo?

KASAGUTAN

  1. Masasabing parang wala ring kuwenta ang mabuhay, lalo na’t iisipin mong tumatanda, nagkakasakit at mamamatay lang din naman ang isang tao. Bakit nga ba kailangan pang magkasakit, manghina ang pisikal na katawan at pagkatapos ay mamamatay, gayung masarap pa namang mabuhay? Samantala, nakikita rin sa guhit ng palad kung gaano katagal ang ilalagi ng isang indibidwal sa mundong ito.

  2. Sa kaso mo, nakatutuwa namang makita na humaba ang Life Line (Drawing A. at B. L-L arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad. Ibig sabihin (arrow a.), mararating mo pa ang “old age” na tinatawag, gayundin ang target mong edad na 75, kung ngayon pa lang ay mag-iisip ka na ng mapaglilibangan, tulad ng maliit na negosyo o makilahok sa isang public service o civic organization project na may layuning tumulong sa mga taong mahihirap at nangangailangan.

  3. Kung anumang sektor ng lipunan na nais mong tulungan, puwede rin sa mga religious activities sa inyong lugar, kung saan, ayon nga sa mga pananaliksik ang pagsali sa mga samahang pang-simbahan ay sinasabing nakapagpapahaba rin ng buhay.

  4. Dahil tunay ngang sa ganyang paraan, ‘pag nagkaroon ka ulit ng responsibilidad sa iyong kapwa, puwede ring maglingkod ka sa inyong simbahan, relihiyon o ikaw na ang magpaaral at mag-alaga sa iyong mga apo, ru'n naman sa parteng ‘yun ng iyong buhay, nagkakaroon ka nang silbi o bagong responsibilidad at tulad ng naipaliwanag na, tuluy-tuloy pang hahaba ang buhay mo at maaari mong abutin ang ideal age mo na 75 pataas.


MGA DAPAT GAWIN

  1. Sa mga kabataan d’yan at ganundin sa mga malapit nang tumanda, tunay ngang dapat ngayon pa lang ay paghandaan mo na ang iyong pagtanda at planuhin kung ano ang iyong gagawin sa panahon ng iyong retirement age, upang kapag dumating ang panahong ito ay hindi ka maging alagain at lumabas na kaawa-awa.

  2. Habang, ayon sa iyong mga datos, Rolando, kung ngayon palang lalabas ka na ng bahay at sasali sa mga gawaing may kaugnayan sa paglilingkod sa iyong kapwa. Kaya tulad ng nasabi na, dahil may silbi ka pa at marami pang mga taong dapat paglingkuran at mahalin, kusang hahaba at lalo pang magiging produktibo at maligaya ang pang-araw-araw mong buhay sa kapaligiran o sa lipunang iyong ginagalawan.

 


 
 

ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran ayon sa Palad | December 4, 2023


KATANUNGAN

  1. May nobyo ako ngayon. Balak na naming magpakasal, pero nagpumilit siyang mangibang-bansa kahit na 2 taon. Pagkatapos umano nu’n ay magpapakasal na kami. Actually, nagli-live in na kami for almost a year bago siya mag-abroad, gagawin niya raw ‘yun para sa future namin.

  2. Ang pinagtataka ko lang, Maestro, mahal ko siya pero nang may dumating na lalaki sa buhay ko na hindi ko naman masyadong mahal, nakipagrelasyon ako sa kanya at lihim na may nangyayari sa amin habang nasa abroad ang fiancée ko.

  3. Ayoko sana itong gawin sa fiancée ko. Kaya lang, ‘di ko siya kayang iwasan, kahit na alam kong hindi ko naman siya mahal. Nais kong itanong kung totoo bang nakatakda ang kapalaran? Iniisip ko kasing baka nakatakda talaga ang dalawang lalaking ito na makasama ko.

KASAGUTAN

  1. Totoong nakatakda ang kapalaran sa mga taong maninipis ang palad at mabuto kapag sinalat, subalit sa mga taong may makakapal na palad o matambok at malaman na palad. Ibig sabihin, may energy kang nasalat - sila ang mga taong may kakayahang iwasan ang nakatakda at baguhin ang kanilang kapalaran. At hindi lang maiiwasan nila ang kapalaran, bagkus sa pinakamatinding will power, lalo na kung malaki ang unang hati ng daliring hinlalaki (arrow a.) may will power silang isagawa at hubugin ang sarili nilang kapalaran at tadhana.

  2. Kaya nga bagamat tila nagpapatong ang Marriage Line (Drawing A. 1-M arrow b.) sa kaliwa mong palad, pero naging isang tuwid na lang na Marriage Line (Drawing B. 1-M arrow c.) sa kanan mong palad at nagkataong presente sa iyo ang mga indikasyong pinaliwanag na sa itaas, may kakayahan kang baguhin at ituwid ang iyong kapalaran.

  3. Sa madaling salita, kapag patuloy mong niloko ang iyong nobyo, mananaig ang nagpatong na Marriage Line (1-M arrow b.) sa kaliwa mong palad - hindi mo siya makakatuluyan, dahil hindi lang naman siya ang niloko mo kundi pati na rin ang iyong sarili. Kaya nga ang mangyayari, pagkatapos mong manloko ng tao at nagkataong ang tao na iyong niloko ay ang nobyo mo, darating ang panahong ikaw naman ang lolokohin ng iyong kapalaran. Kaya hindi mo makakatuluyan ang lalaking mahal na mahal mo talaga na kinakatawan nga ng first boyfriend mo o ng fiancée mo na nasa abroad.

  4. Subalit, kung sakaling naging tapat ka na sa iyong sarili, kasabay nito magiging tapat ka na rin sa iyong fiancée na nasa abroad. Maiiwasan mo na ang ikalawa mong boyfriend na hindi mo naman masyadong mahal. Sa puntong ito maitutuwid at maitatama mo na ang iyong ginagawa.


DAPAT GAWIN

Kaya wala kang dapat gawin ngayon, Mariel, kundi ang iwasan ang lalaking nakikisawsaw sa relasyon n’yo ng fiancée mo. Sa ganyang paraan, mananaig ang kaisa-isa at magandang Marriage Line (1-M arrow b.) sa kanan mong palad. At sa pagbabalik ng iyong fiancée, kayo na ang magkakatuluyan hanggang sa tuluyang bumuo ng maligaya at panghabambuhay na pamilya.


 
 

ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran ayon sa Palad | November 27, 2023



KATANUNGAN

  1. Nanghihinayang ako sa relasyon namin ng ex-boyfriend ko. Wala kasi siyang trabaho, samantalang noon ko pa siya sinasabihan na magtrabaho para hindi siya napupulaan ng pamilya ko. Pero dahil matigas ang kanyang ulo, nanatili pa rin siyang istambay na nakaasa lang sa kanyang mga magulang at kapatid.

  2. Dumating sa point na nagtalo kami at nauwi ‘yun sa cool off at makalipas ang dalawang linggo, tuluyan na kaming naghiwalay. Ngayon, may work na siya, kaya lang, hindi permanente pero okey na rin ‘yun kaysa wala, at ngayon nakikipagbalikan siya sa akin.

  3. Naguguluhan ako kung dapat ko pa ba siyang tanggapin? Nawawala na ang feelings ko sa kanya. Samantala, may bago naman akong manliligaw na mas okey kasama at may stable job pa.

  4. Gusto kong malaman at linawin, Maestro, kung sino sa dalawang lalaking ito ang makakatuluyan at makakasama ko habambuhay?

KASAGUTAN

  1. Malamang, ‘yung lalaking may stable job at ka-level mo o baka mas maayos pa sa iyo ang career ang iyong makakatuluyan. Ito ang nais sabihin ng kusang sumabay at nang lumaon ay sumama at nakiisa na rin sa Fate Line (Drawing A. at B. F-F arrow a.) na Guhit ng isang magaling na lalaki na tinatawag na Influence Line (Drawing A. at B. I-I arrow b.) sa kaliwa at kanan mong palad.

  2. Tanda na ang makakatuwang at makakasama mo sa pagbuo ng pamilya ay ang lalaking nakapag-aral at may magandang career o medyo nakaluluwag sa buhay na nangangahulugan ding posibleng ang manliligaw mo na ito sa kasalukuyan, ang guhit ng Influence Line na ito (arrow b.) na sumama sa Fate Line (arrow a.).

  3. Ang pag-aanalisang susuwertehin ka sa ikalawang pakikipagrelasyon ay madali namang kinumpirma ng lagda mong nakabilog sa simula, ngunit unti-unting umayos at gumanda sa gitna hanggang sa dulong bahagi ng iyong pirma. Ibig sabihin, pagtungtong mo ng edad 25 pataas, sa taong kasalukuyan, gaganda na ang iyong buhay, lalo na sa aspetong career at pakikipagrelasyon. At tulad ng nasabi na, ito ay magaganap kapag tuluyan mong sinagot ang manliligaw mong may stable job na humigit-kumulang ay nagtataglay ng zodiac sign na Capricorn.

DAPAT GAWIN

Shane, kung namomroblema ka man ngayon sa pag-ibig, lilipas din ‘yan dahil sa panahon ding ito, unti-unti na kayong magkakaigihan ng kasalukuyan mong manliligaw na may stable job. Kagaya ng nasabi na, tulad mo rin siya, edukado, tapos ng pag-aaral at may magandang career. Dagdag pa rito, ayon sa iyong mga datos, ang lalaking ito na ang nakatakda mong makatuluyan at makasama sa pagbuo ng maligaya at panghabambuhay na pamilya, na nakatakdang mangyari sa 2025, sa edad mong 28 pataas (Drawing A. at B. 2-M arrow c.).


 
 
RECOMMENDED
bottom of page