top of page
Search

ni Lolet Abania | December 6, 2021



Namataan ang isang low pressure area (LPA) na malapit sa Davao City ngayong Lunes, ayon sa PAGASA.


Sa daily weather bulletin ng PAGASA, ang LPA ay natagpuan sa layong 735 kilometro silangan ng Davao City bandang alas-3:00 ng hapon ngayong Lunes.


Magdudulot ang LPA at ang tinatawag na shear line ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms sa buong Eastern Visayas, Northern Mindanao, Caraga, Davao Region, at Bohol.


Pinayuhan naman ng PAGASA ang mga apektadong residente na maghanda sa posibleng mga pagbaha o landslides mula sa katamtaman, at minsang malakas na pagbuhos ng ulan.


Samantala, ang Cagayan Valley, Cordillera Administrative Region, Aurora, at ang northern portion ng Quezon kabilang na ang Polillo Islands ay makararanas ng maulap na papawirin na may mahinang pag-ulan dahil sa Northeast Monsoon.


Ang Northeast Monsoon ay magdudulot naman ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may kasamang isolated light rains sa buong Metro Manila, natitirang bahagi ng Luzon, at natitirang bahagi ng Visayas.


Makararanas naman ang natitirang bahagi ng Mindanao ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may kasamang isolated rain showers dahil sa localized thunderstorms.


Posible ring magkaroon ng flash floods o landslides na idudulot ang matinding thunderstorms.


Gayundin, makararanas ng katamtaman hanggang sa malakas na bugso ng hangin at katamtaman hanggang sa maalon ang kondisyon ng coastal water sa buong Luzon, Visayas, at ang eastern section ng Mindanao.


Habang ang natitirang bahagi ng Mindanao ay makararanas ng mahina hanggang sa katamtamang bugso ng hangin at bahagya hanggang sa katamtamang kondisyon ng katubigan.


 
 

ni Lolet Abania | November 17, 2021



Isang Leonid meteor shower ang dapat abangan ng mga Pinoy stargazers ngayong Miyerkules ng gabi at tatagal ito hanggang madaling-araw ng Huwebes.


Ayon sa PAGASA, ang meteor shower ay inaasahang susulpot mula alas-11:47 ng gabi ng Miyerkules habang tuluy-tuloy itong magpapakita hanggang kinaumagahan ng Huwebes.


Ayon kay GMA News’ resident meteorologist Nathaniel Cruz, aabot sa 10 meteors ang makikita kada oras, subalit dapat aniyang maaliwalas ang kalangitan mamayang gabi.


Paliwanag ng PAGASA, ang Leonid meteor shower ay resulta ng naiwang debris ng paulit-ulit na passages sa pamamagitan ng inner solar system ng comet 55P/Tempel-Tuttle.

 
 
  • BULGAR
  • Oct 26, 2021

ni Jasmin Joy Evangelista | October 26, 2021



Iiral na ang malamig na panahon sa darating na mga araw at buwan dahil sa northeast monsoon o hanging amihan.


Opisyal nang inanunsiyo ng PAGASA ang Amihan season nitong Lunes.


Ito ay base sa obserbasyon na unti-unti nang lumalamig ang surface air temperature sa hilagang-silangang parte ng Luzon.


“With these developments, the northeast wind flow is expected to gradually become more dominant over Northern Luzon, bringing cold and dry air. Surges of cold temperatures may also be expected in the coming months,” ayon sa PAGASA sa isang statement.


Kalimitang umiiral ang Amihan mula Oktubre hanggang Marso.


Samantala, sinabi naman ng PAGASA na ang ulan na bugso ng northeast monsoon na sinabayan pa ng La Niña ay maaaring magdulot ng baha, flash floods, at landslide sa mga delikadong lugar.


Inabisuhan din ang publiko at ilang ahensiya ng gobyerno na maging alerto upang pagaanin ang posibleng epekto ng mga kaganapang ito.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page