top of page
Search

ni Lolet Abania | December 22, 2021



Isang low-pressure area (LPA) ang inaasahang papasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) sa Disyembre 26 o 27, batay sa ulat ng PAGASA ngayong Miyerkules.


Ayon sa PAGASA, ang LPA ay posibleng tumama malapit sa kalupaan ng Mindanao sa gabi ng Disyembre 29 o umaga ng Disyembre 30.


Gayundin, sinabi ng state weather bureau na nasa 60 hanggang 70% ang tiyansa na ma-develep ito at maging tropical depression.


“In this regard, the public are advised to continue monitoring for possible changes on the forecast scenario, undertake precautionary measures, and remain vigilant against unofficial information coming from unverified sources,” pahayag ng PAGASA.


Base sa morning forecast ng ahensiya, makakaapekto ang Intertropical Convergence Zone (ITCZ) sa bahagi ng southern Mindanao sa Miyerkules, Disyembre 29.


Makararanas naman ang Davao Region ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan, at pagkulog at pagkidlat dulot ng ITCZ na may posibleng flash floods o landslides dahil na rin sa katamtaman at paminsang malakas na pagbuhos ng ulan.


Ang Metro Manila at ang natitirang bahagi ng bansa ay makararanas ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may pabugso-bugsong pagbuhos ng ulan o thunderstorms dahil sa ITCZ at localized thunderstorms na may posibleng flash floods o landslides sanhi ng severe thunderstorms.

 
 

ni Lolet Abania | December 18, 2021



Lumabas na sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ang Bagyong Odette ngayong Sabado ng hapon.


Ayon sa PAGASA, alas-12:40 ng hapon, tuluyan nang umalis ng bansa si Odette.


Gayunman, bago lumabas ng PAR, hinagupit din ng Bagyong Odette ang Kalayaan Islands sa Palawan, kung saan inilagay sa Tropical Cyclone Wind Signal No. 3 ang buong Kalayaan Islands ng Sabado ng umaga.


Batay sa 11AM bulletin ng PAGASA, “a slight re-intensification may take place today as ODETTE moves over the West Philippine Sea. However, the eventual exposure of the typhoon to increasing vertical wind shear and the surge of the Northeast Monsoon will result in a weakening trend beginning tomorrow (Sunday).”


Unang nag-landfall si Odette sa buong Siargao Island, Surigao del Norte nitong Huwebes ng hapon, na nakaranas ng “total devastation,” ayon kay Surigao del Norte Governor Francisco Matugas, na nai-share rin sa socmed ng kanyang anak na si Surigao del Norte Representative Francisco Jose Matugas II ngayong Sabado.


Binayo nang husto ni Odette ang Mindanao at Visayas, kung saan nag-landfall ito sa ika-siyam na pagkakataon sa buong Palawan nitong Biyernes.


Ayon naman sa Department of Energy (DoE) nitong Biyernes, walong probinsiya ang totally nawalan ng suplay ng kuryente matapos na ma-damage ni Odette ang mga transmission lines habang hinahagupit ang Visayas at Mindanao sa loob ng nakalipas na dalawang araw.


Nagdeklara na rin ang Bohol at Cebu ng state of calamity dahil sa pinsalang idinulot ng bagyo.


Sinabi naman ni Dinagat Islands Governor Arlene ‘Kaka’ Bag-ao na ang Bagyong Odette, “leveled the province to the ground, reminiscent if not worse than Yolanda.”


Gayundin, marami mga flights ang nakansela sanhi ng naturang bagyo.

 
 

ni Lolet Abania | December 17, 2021



Ipinahayag ni Surigao del Norte First District Representative Francisco Jose Matugas II ngayong Biyernes na ang Siargao Airport terminal ay “totally damaged” dahil sa bagsik ng Bagyong Odette.


Ayon kay Matugas, batay sa impormasyon na inilahad ng officer-in-charge ng airport na si Richard Alas, matinding impact ang idinulot ng Bagyong Odette sa tanyag na tourist destination kung saan winasak nito ang terminal ng paliparan.


“It is regrettable however that the Siargao Airport terminal was totally damaged. Per Mr. Alas’ initial assessment, the damage of Odette in Siargao is devastating. There are no updates yet as to casualty,” ani Matugas sa kanyang Facebook post.


Ayon sa mambabatas, nilinis na ang runway na napuno ng mga debris.


“Thus, planes and choppers carrying relief goods can land,” sabi ni Matugas.


Sinabi rin ni Matugas na dalawang private planes mula sa Legaspi City ang nakatakdang mag-transport sa team ng mga doktor, mga medisina, at first-aid kits sa Siargao para makatulong sa isasagawang emergency at rescue operations.


Ayon sa state weather bureau na PAGASA, ang Bagyong Odette muling magla-landfall sa buong northern o central portion ng Palawan ngayong Biyernes ng hapon, at muling mamataan sa West Philippine Sea ngayong gabi, at kikilos patungong Kalayaan Islands sa Sabado.


Gayundin, inaasahang lalabas ang Bagyong Odette sa Philippine Area of Responsibility (PAR) sa Sabado ng umaga o hapon.


Tinatayang isa ang nai-report na nasawi habang dalawang iba pa ang nasugatan dahil sa bagyo, batay sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

 
 
RECOMMENDED
bottom of page