top of page
Search

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | Mar. 27, 2025



Prangkahan ni Pablo Hernandez

SINABAYAN NG OIL PRICE HIKE ANG BANGAYANG MARCOS VS DUTERTE, KAYA ANG DULOT NITO SAKIT-ULO SA MAMAMAYAN -- Habang mainit ang bangayan ng Marcos administration at Duterte administration patungkol sa isyung pag-aresto at pagkulong kay ex-P-Duterte sa International Criminal Court (ICC) jail, biglang may bumulagang oil price hike sa publiko kamakalawa.


Iyan ang hindi kagandahan sa mga gov’t. official, ang bangayan nila ay sinasabayan ng dagdag-sakit ng ulo sa publiko tulad nitong panibagong oil price hike, tsk!


XXX


SA MARCOS VS DUTERTE, TILA MAY KINIKILINGAN NA SI SP ESCUDERO -- Sinabi ni Senate President Chiz Escudero na hindi naman daw nakompromiso ang soberanya ng Pilipinas nang dakpin si ex-P-Duterte at ikulong ito sa ICC jail sa The Netherlands kasi nga raw ay mga Pinoy naman ang mga complainant laban sa dating presidente.


Aba teka, dati ay nasa gitna lang si SP Chiz sa bangayang Marcos at Duterte, pero bakit iba na ang tono o tema ng mga statement niya ngayon, na tila mas nakakiling siya sa Marcos kaysa Duterte, boom!


XXX


HINDI LANG PHIL. GOV’T., PATI PAMILYA NG MGA OFW DAMAY KAPAG TINUTOO NILA ANG BANTANG 1 WEEK ‘ZERO REMITTANCE’ SA ‘PINAS -- Nagbabala ang overseas Filipino workers (OFWs) na magsasagawa sila ng isang linggong “zero remittance” sa Pilipinas bilang pagkondena nila sa Marcos administration na pumayag dakpin sa ‘Pinas si ex-P-Duterte at hinayaang makulong sa ICC jail sa The Netherlands.


Aba’y iyan ang hindi dapat gawin ng mga OFW, kasi kapag itinuloy nila iyang banta nila na ‘yan ay hindi lang ang Philippine gov’t. ang maaapektuhan kundi pati mismong mga kapamilya nila sa ‘Pinas, period!


XXX


MALAPIT NANG MATAPOS ANG HAPPY DAYS NG MGA FAKE NEWS VLOGGER NA NAKABASE SA IBANG BANSA -- Makikipag-ugnayan ang National Bureau of Investigation (NBI) sa International Police Commission (Interpol) para tugisin ang mga Pinoy fake news vloggers at sampahan ng kaso, na nakabase sa ibang bansa. 


Yari ang mga fake news vloggers na nasa ibang bansa kasi malapit nang tapusin ng NBI ang happy days nila sa paggawa ng mga fake news patungkol sa mga nangyayari sa ‘Pinas, boom!


 
 

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | Mar. 26, 2025



Prangkahan ni Pablo Hernandez

DAPAT I-DISQUALIFY NA NG COMELEC ANG MGA FAKE PARTYLIST --Nanawagan ang mga progressive youth organizations sa Comelec na i-disqualify ang fake partylists.

Ang mga fake partylists ay ‘yung mga partylist na ang nominado ay puro kapamilya ng mga trapo (traditional politicians), mga kontraktor at mayayamang negosyante.


Sa totoo lang, maraming partylist ang nag-apply sa Comelec na ni-reject ng komisyon.

Ibig sabihin, puwede namang i-reject ng poll body ang mga partylist ng mga trapo, kontraktor at mga rich, pero hindi nila ginawa at sa halip pinayagang lumahok sa halalan, buset!


XXX


TAKOT SI PBBM MAGING PRESIDENTE SI VP SARA, KAYA IPINAHULI SI EX-P-DUTERTE AT HINAYAANG MAKULONG SA ICC JAIL -- Ayon kay Davao Del Norte Rep. at former Speaker Pantaleon Alvarez, ang patuloy na pagtaas ng rating ni Vice Pres. Sara Duterte-Carpio sa 2028 presidential election ang nakikita niyang dahilan kaya hinayaan ni Pres. Bongbong Marcos (PBBM) na dakpin ng PNP si ex-P-Duterte at i-turnover ito sa Interpol, at nakulong ang dating pangulo sa International Criminal Court (ICC) jail.


Hirit pa ni Alvarez, pagpapakita raw ito na sobrang laki ng takot ng Marcos admin kay VP Sara, na frontrunner sa 2028 election, period!


XXX


‘TAKLESANG’ SPOKESPERSON NG MALACAÑANG, PINATULAN AT TINARAYAN NI VP SARA -- Pinatulan ni VP Sara ang ‘taklesang’ spokesperson ng Malacañang na si Presidential Communication Office (PCO) Usec. Claire Castro.


Matapos kasing sabihin ni Usec. Castro na si ex-P-Duterte ay dapat ikumpara kay Adolf Hitler at hindi kay former Sen. Ninoy Aquino, ang resbak na ‘pagtataray’ sa kanya ni VP Sara ay kahit ano pa raw ang sabihin nito, hindi na mabubura sa kasaysayan ng Pilipinas na pinatay ang dating senador sa panahon ng administrasyon ng ama ni PBBM, boom!


XXX


DAPAT IMBESTIGAHAN DIN NG KAMARA ANG MGA NAGPAKALAT NG FAKE NEWS NA HUMINGI RAW SI EX-P-DUTERTE NG ASYLUM SA CHINA -- Sa next hearing ng House Tri-Committee patungkol sa fake news vloggers ay dapat imbitahan at imbestigahan din nila ang vloggers na nagpakalat ng fake news na kesyo humingi raw ng asylum si ex-P-Duterte sa China para makaiwas sa warrant of arrest ng ICC.


Matapos kasing pabulaanan ni Atty. Silvestre Bello III ang isyung ito, mismong Chinese gov’t. na ang nagsabi na hindi humingi si ex-P-Duterte ng asylum sa China, period!

 
 

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | Mar. 25, 2025



Prangkahan ni Pablo Hernandez

MMDA CHAIRMAN ARTES ‘TUTULUG-TULOG SA PANSITAN’, MAY TRANSPORT STRIKE NA, HINDI PA SINUSPINDE ANG COLOR CODING -- Tila tutulug-tulog sa pansitan si Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Don Artes.

Mantakin n’yo, inumpisahan na ng Manila transport group ang tatlong araw na tigil-pasada, hindi man lang naisipan ni Chairman Artes na isuspinde ang implementasyon ng number coding.


Ang ibang naging chairman ng MMDA sa panahon ng mga nagdaang administrasyon, kapag may tigil-pasada ang mga jeepney driver and operators, at dahil alam ng mga dating MMDA chairman na pahirapan ang pagsakay sa mga public transport ay sinususpinde nila ang number coding para may magamit na sasakyan ang mga papasok sa trabaho at eskwelahan, bukod-tangi itong appointee ni Pres. Bongbong Marcos (PBBM) na si Chairman Artes ang “nganga” kapag may transport strike, buset!


XXX


IMBES MAG-THANK YOU DAHIL IPINALIBING ANG TATAY NIYA SA LIBINGAN NG MGA BAYANI, ‘GANTI’ NI PBBM: HINAYAANG MAKULONG SA ICC JAIL ANG EX-PRESIDENT -- Sinabihan ni Davao City Mayor Baste Duterte si PBBM ng walang utang na loob.


May dahilan talaga si Baste na sabihan nang ganyan ang Pangulo dahil ang ama nito na si former Pres. Ferdinand Edralin Marcos, Sr. ay ipinalibing ng kanyang amang si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa Libingan ng mga Bayani, tapos ang ginawa ni PBBM, kahit alam naman niyang matanda na, may sakit at mahina na ang pangangatawan ng dating presidente ay ipinahuli ito sa otoridad at hinayaang makulong sa International Criminal Court (ICC) jail sa The Hague sa The Netherlands, tsk!


XXX


TIYAK APRUB KAY CHINESE PRES. XI JIN PING KUNG HUMINGI SI EX-P-DUTERTE NG ASYLUM SA CHINA -- Ayon kay Atty. Silvestre Bello III ay fake news daw ang balitang humingi ng political asylum si ex-P-Duterte sa China.


Sa totoo lang, fake news talaga iyan kasi kapag humingi ng political asylum si ex-P-Duterte sa China ay tiyak aprub agad iyan dahil best friend niya si Chinese Pres. Xi Jinping, period!


XXX


SABI NI ABALOS, PABABABAIN DAW NIYA ANG SINGIL SA KURYENTE KAPAG NAGING SENADOR SIYA, GANYAN DIN ANG PROMISE NI ENRILE NOON PERO IMBES BUMABA, TUMAAS PA ANG KURYENTE -- Sinabi ni former DILG Sec. Benhur Abalos, kung sakaling siya raw ay palaring manalong senador ay isusulong daw niya na mapababa ang singil sa konsumo ng kuryente.


Naalala natin noong 2010 senatorial election, sa slogan ni dating Sen. Juan Ponce Enrile na “Gusto ko happy ka”, ang gagawin daw niya ay pabababain ang singil sa konsumo ng kuryente, pero nang manalo, sa halip na mapababa ay lalong lumaki ang bayarin ng mamamayan sa nakokonsumo nilang kuryente buwan-buwan, he-he-he.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page