top of page
Search

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | May 1, 2025



Prangkahan ni Pablo Hernandez

NGAYONG NAPAGTANTO NI VP SARA NA TUNAY NA KAIBIGAN ANG TURING SA KANYA NI SEN. IMEE -- Nagpasalamat si Vice Pres. Sara Duterte-Carpio kay presidential sister, Sen. Imee Marcos dahil sa pagrekomenda ng senadora sa Ombudsman na sampahan ng mga kasong kriminal at administratibo ang mga tauhan ni Pres. Bongbong Marcos (PBBM) na sina Justice Sec. Boying Remulla, Dept. of Interior and Local Gov’t. (DILG) Sec. Jonvic Remulla, Special Envoy on Transnational Ambassador Markus Lacanilao, PNP Chief Gen. Rommel Marbil at Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) Director, Maj. Gen. Nicolas Torre kaugnay sa pag-aresto at pagpapakulong kay ex-P-Duterte sa International Criminal Court (ICC) jail sa The Netherlands.


‘Ika nga, kaya todo-pasasalamat si VP Sara kay Sen. Imee, kasi ngayon niya napagtanto na tunay na kaibigan ang turing sa kanya ni Sen. Imee, period!


XXX


DAHIL SA KASUHAN NG KAMPO NINA PBBM AT VP SARA PANSAMANTALANG NALILIMUTAN NG MARALITA ANG HIRAP NG BUHAY -- Isang araw matapos irekomenda ni Sen. Imee na kasuhan ang mga tauhan ni PBBM, pinadalhan naman ng subpoena ng Office of the Prosecutor si VP Sara patungkol naman sa ginawa nitong pagbabanta sa buhay nina PBBM, First Lady Liza Araneta-Marcos at Speaker Martin Romualdez.


Talagang kahit pansamantala malilimutan ng maralita ang dinaranas nilang kahirapan sa buhay kasi nga nalilibang sila sa kasuhan ng kampo nina PBBM at VP Sara, boom!


XXX


TAOS SANA SA PUSO NG MARCOS ADMIN ANG LIBRENG SAKAY SA MRT AT LRT, AT HINDI PANG-ELEKSYON LANG -- Kaugnay sa selebrasyon ng International Labor Day, simula kahapon Abril 30, 2025 hanggang May 3, 2025 ay magpapairal ng libreng sakay ang MRT at LRT.


Sana, taos sa puso ng Marcos administration ang libreng sakay na iyan sa MRT at LRT, at hindi pang-eleksyon lang na ang kapalit ay pagboto sa mga kandidato ni PBBM sa pagka-senador, period! 


XXX


SANA TULUY-TULOY ANG CLEANSING SA PNP PARA MAWALA NA SA SERBISYO ANG MGA SCALAWAG NA PARAK -- Mahigit 1,200 tiwaling pulis ang pinatanggal na ni PNP Chief, Gen. Rommel Marbil sa serbisyo.


Sana, tuluy-tuloy ang cleansing ni Gen. Marbil sa hanay ng kapulisan para mawala na sa organisasyong PNP ang mga scalawag na parak, boom!

 
 

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | Apr. 30, 2025



Prangkahan ni Pablo Hernandez

LUMALALA NA SIGALOT NG MAG-UTOL NA SINA PBBM AT SEN. IMEE KAYA MARCOS VS. MARCOS NA -- Palala nang palala ang sigalot ng magkapatid na Pres. Bongbong Marcos (PBBM) at Sen. Imee Marcos.


Pinasasampahan na kasi ni Sen. Imee Marcos ng mga kasong kriminal at administratibo ang limang opisyal ng Marcos administration na sina Justice Sec. Boying Remulla, Dept. of the Interior and Local Gov’t. (DILG) Sec. Jonvic Remulla, Special Envoy on Transnational Ambassador Markus Lacanilao, PNP Chief Gen. Rommel Marbil at Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) Director, Maj. Gen. Nicolas Torre kaugnay sa pag-aresto at pagpapakulong kay ex-P-Duterte sa International Criminal Court (ICC) jail sa The Netherlands.


Marcos vs. Marcos na ‘yan, at patunay iyan na sa mundo ng pulitika ay walang kapa-kapatid, period!


XXX


TIYAK NAGSISISI SI VP SARA SA PAKIKIPAG-TANDEM NOON KAY PBBM --Inamin ni Vice Pres. Sara Duterte-Carpio na kasama ang kanyang pangalan sa mga ipaaaresto ng ICC kapag naglabas na ito ng panibagong warrant of arrest sa mga isinasangkot sa extrajudicial killings (EJK) sa bansa.


Laking pagsisisi talaga ni VP Sara kung bakit pumayag pa siyang makipag-tandem bilang VP ni PBBM noon, kasi ipinakulong na ang ama niyang si ex-P-Duterte sa ICC jail, tapos siya ay sinampahan ng impeachment case, pinaplano pang sampahan ng kasong plunder patungkol sa misuse ng confidential funds, at ngayon napapabalita naman na siya na ang next na aarestuhin at ikukulong sa ICC jail, tsk!


XXX


TIIS MUNA SA MAHAL NA PRESYO NG BIGAS ANG MGA TAGA-MINDANAO AT LUZON -- Sa ngayon ay may P20 per kilong bigas nang ibinebenta sa Visayas region, at ayon kay Dept. of Agriculture (DA) Sec. Francisco Tiu Laurel ay posible raw na next year 2026 ay maibebenta na rin ang P20 per kilong bigas sa merkado sa buong bansa.

Kumbaga, parang sinabi na rin ni Sec. Laurel na magtiis muna o dusa sa loob ng isang taon ang mga residente ng Mindanao at Luzon sa mahal na presyo ng bigas, boom!


XXX


DAPAT DAKPIN NA ANG MANGRARAKET NG PARAÑAQUE CITY NA SI ‘LAKAY’ -- Kinukumpetensiya raw ng isang “Lakay” ang lotto ng gobyerno sa Parañaque City sa pamamagitan ng pagpapalaganap ng lotte sa lungsod.


Aba’y dapat ipahuli na agad nina Southern Police District (SPD) Director, Brig. Gen. Joseph Argeulles at Parañaque City chief of police, Col. Melvin Montante si Lakay para matigil na pangraraket nito sa Parañaque City, period!




 
 

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | Apr. 29, 2025



Prangkahan ni Pablo Hernandez

MISMONG SI GOV. DANIEL FERNANDO ANG NAGSUSPINDE SA TIWALING WARDEN AT JAIL GUARDS KAYA NASUPALPAL ANG MGA KALABAN SA PULITIKA -- Mismong si Bulacan Gov. Daniel Fernando na ang nagsuspinde sa warden at mga jail guards na sangkot sa pagbibigay proteksyon sa dalawang preso sa Bulacan Provincial Jail. Dahil diyan ay pahiya, supalpal ang inabot ng mga kalaban sa pulitika ni Gov. Daniel na nagsasabing pinuproteksyunan niya ang tiwaling warden at mga jail guard ng naturang piitan, period!


XXX


EPEKTIBONG ENDORSER SI VP SARA – Unti-unting tumataas na ang rating nina Sen. Imee Marcos at Las Piñas City Rep. Camille Villar sa mga senatorial survey. Patunay iyan na epektibong endorser sa pulitika si VP Sara, palakpakan naman diyan!


XXX


MARCOS ADMIN, BUMIBILI NG BIGAS NA MAHAL ANG PRESYO AT SAKA IBEBENTA SA HALAGANG P20 -- Sabi ni former presidential spokesman Harry Roque na malinaw na pampulitika lang daw ang P20 per kilong bigas na ibinebenta sa Visayas region. Ayon sa kanya, bumibili raw ang Marcos administration ng bigas na mahal ang presyo, at ito raw ang ibinebenta sa Visayas region sa halagang P20 per kilo, boom!


XXX


BAGONG PILIPINAS NI PBBM, INALASKA NI VP SARA -- Inalaska ni Vice president Sara Duterte-Carpio ang Marcos admin sa slogan nitong Bagong Pilipinas. 


Sabi ni VP Sara, wala naman daw kasing nabago sa ‘Pinas, dahil ang dami pa rin daw naghihirap at nagugutom, period!



 
 
RECOMMENDED
bottom of page