top of page
Search

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | November 14, 2025



Prangkahan ni Pablo Hernandez


DAHIL SA PONENTE NI ASSOCIATE JUSTICE JHOSEP LOPEZ, PUWEDENG MAIPAGPALIBAN ULI ANG NAKATAKDANG BSKE SA NOV. 2, 2026 -- Ang naunang desisyon ng Supreme Court (SC) noong July 2023 na pinonente ni Associate Justice Antonio Kho na labag sa Konstitusyon ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE), ay nakontra sa bagong desisyon ng SC na pinonente naman ni Associate Justice Jhosep Lopez na nagsasaad na nasa kapangyarihan ng Kongreso ang ipagpaliban at magtakda ng termino sa mga barangay officials kung kaya’t kinatigan niya na ipagpaliban ang nakatakda sanang halalang pambarangay sa Dec. 1, 2025, at sa halip ay inaprubahan niya na sa November 2, 2026 na magaganap ang BSKE at ang mga magwawagi ay apat na taong manunungkulan sa posisyon.


Dahil nga ang desisyon ng SC na ang Kongreso lang ang may kapangyarihan na magpaliban at magtakda ng termino ng mga barangay officials, posible pa rin na ang nakatakdang BSKE sa November 2, 2026 ay maaaring hindi rin matuloy kung magkakaisa uli ang mga senador at kongresista na ipagpaliban ito at dagdagan ang termino ng mga barangay officials, kasi nga majority ng mga sen. at cong. ay parang ayaw nang magkaroon ng halalang pambarangay sa bansa, at napatunayan na iyan, on the record na maraming beses nilang ginawa na pagpapasa ng panukalang batas na nagpapaliban sa mga nakatandang BSKE sa ‘Pinas, period!


XXX


DAHIL FAKE NEWS PALA ANG STATEMENT RAW NI SC GESMUNDO, LUMALABAS NA HINDI PROTEKTADO SI SEN. DELA ROSA SA BAGONG EXTRADITION RULES NG KORTE SUPREMA -- Sinabi ng SC na fake news umano ang kumalat sa social media na kesyo sinabi raw ni SC Chief Justice Alexander Gesmundo na dahil sa bagong extradition rules ay hindi puwedeng dakpin at i-turnover sa International Criminal Court (ICC) si Sen. Ronald Dela Rosa hangga’t walang desisyon ang mga korte sa Pilipinas.


Dahil sa statement na iyan ng SC ay malamang mas lalong kinabahan si Dela Rosa dahil lumalabas na hindi pala siya protektado sa bagong extradition rules ng SC, boom!


XXX


SA KAPAPABIDA NI REP. BARZAGA SA SOCIAL MEDIA, MALAMANG KULONG SA BILIBID ANG ABUTIN NIYA -- Sinampahan na ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) si Cavite 4th District Rep. Kiko Barzaga ng mga kasong inciting to sedition at rebellion.


Iyan ang napapala ng masyadong pabida sa social media, kasi kapag napatunayang

guilty si Rep. Barzaga, kulong siya sa Bilibid, period!


XXX


MGA KASABWAT NG MAG-ASAWANG DISCAYA SA CUSTOMS DAPAT HUBARAN NG MASKARA -- Sinabi ni Customs Comm. Ariel Nepomuceno na nasa 10 Customs officials daw ang naging kasabwat sa pagpapasok sa bansa ng mga smuggled luxury cars para sa mag-asawang Curlee at Sarah Discaya.


Dapat hubaran na ni Nepomuceno ng maskara ang 10 Customs officials na ito para makilala ng publiko ang mga kasabwat ng mag-asawang Discaya sa Adwana, boom!



 
 

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | November 13, 2025



Prangkahan ni Pablo Hernandez


KUNG ITINULOY NI SEN. BONG GO ANG PAGTAKBONG PRESIDENTE NOONG 2022 AT NAGWAGI, ‘DI SANA NA-SCAM ANG P1.3T UMANONG FLOOD CONTROL PROJECTS, AT NAGAMIT ANG PERA NG BAYAN SA SERBISYO PARA SA MAMAMAYAN -- Sa kuwentada ni Sen. Bong Go, ang na-scam ay P1.3 trillion flood control projects sa panahon ng Marcos administration mula year 2022 hanggang 2025, na ang halagang ito (P1.3T daw) ay puwede na sanang makapagpatayo ng 300K hanggang 600K classrooms, 60K evacuation centers, 80K health centers at 800 tertiary hospitals.


Sayang, kung itinuloy lang sana ni Sen. Bong Go ang pagtakbo niya noong 2022 election matapos na iendorso ni former Pres. Rodrigo Roa Duterte (FPRRD) ang kanyang kandidatura for president at siya ang pinalad na nagwagi at naging pangulo ng Pilipinas, hindi sana na-scam ng mga kurakot na politician, Dept. of Public Works and Highways (DPWH) officials at mga kontraktor ang umano’y P1.3T pera ng bayan, na sana ay napunta ito sa mga pangangailangang serbisyo ng mamamayan. 


Ang problem lang noon, naobliga siyang (Bong Go) umatras sa laban sa 2022 presidential election dahil nga ayaw ng noo’y Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio na kumalas sa pakikipag-tandem sa private citizen noon na si Bongbong Marcos, kaya nang manalo ito (PBBM) sa pagka-presidente, sa nakalipas lang na tatlong taon ng Marcos administration, ang kaban na ito ng bayan (P1.3T daw) ay napunta sa bulsa ng mga “buwaya” sa pamahalaan, kasabwat ang mga “sindikatong” construction firms, tsk!


XXX


MATIGAS ANG ULO NI VP SARA, AYAW SUMUNOD SA AMA, AT ANG KATIGASAN NA ‘YAN ANG NAGING DAHILAN KAYA NAGING PRESIDENTE SI PBBM -- Kung hindi lang naging matigas ang ulo ng noo’y Davao City Mayor Sara Duterte at sinunod niya ang kagustuhan ng ama (FPRRD) na huwag makipag-tandem kay PBBM, at pagka-presidente ang takbuhan niya (Sara) at gawing ka-tandem sa pagka-VP si Sen. Bong Go noong 2022 election, hindi sana nakulong sa International Criminal Court (ICC) jail ang ex-president, hindi sana nabibiktima ng political persecutions ang pamilya Duterte, at wala rin sanang naganap na flood control projects scam.


Ang nais nating ipunto rito ay walang iba na puwedeng sisihin kung bakit naging presidente si PBBM kundi si VP Sara, period!


XXX


‘WEAK LEADER’ SI PBBM KAYA MAY NAGANAP NA P1.3T DAW NA PANG-I-SCAM SA FLOOD CONTROL PROJECTS -- Kung totoo man ang sinasabi ni Presidential Communications Office (PCO) Usec., spokesperson Claire Castro na walang kinalaman si Pres. Bongbong Marcos (PBBM) sa naganap na malawakang flood control projects scam sa bansa, lumalabas ngayon na true ang sinabi ni FPRRD na weak leader umano si PBBM.


Kasi kung hindi ‘weak leader’ si PBBM at may political will siya, sana ang P1.3T umanong kaban ng bayan na inilaan sa flood control projects ay hindi na-scam, boom!


XXX


KUNG TUTULARAN NI EX-DPWH SEC. BONOAN SI EX-CONG. ZALDY CO NA HINDI NA UUWI NG ‘PINAS, MALAMANG KABILANG SILA SA ‘MASTERMIND’ SA FLOOD CONTROL SCAM -- Matapos hilingin ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) noong Nov. 4, 2025 kay Ombudsman Boying Remulla na isama na sa imbestigahan at sampahan ng kaso si former DPWH Sec. Manuel Bonoan, kamakalawa (Nov. 11, 2025) ay lumabas ito ng bansa patungong Amerika.


Kaya kapag si Bonoan ay ginaya na si former Cong. Zaldy Co na ayaw nang umuwi sa ‘Pinas, ibig sabihin niyan na silang dalawa ay kabilang sa mga arkitekto o ‘masterminds’ sa naganap na P1.3T umanong flood control projects scam sa bansa, period!


 
 

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | November 12, 2025



Prangkahan ni Pablo Hernandez


PARA HINDI PAMARISAN NG IBANG ALKALDE, DAPAT SUSPENDIHIN NI DILG SEC. JONVIC REMULLA ANG MGA MAYOR NG CEBU NA NAGSIPAG-EUROPE PA KAHIT MAY PAPARATING NA BAGYONG TINO -- Hinihingi ni Sec. Jonvic Remulla ng Dept. of the Interior and Local Gov’t. (DILG) sa Cebu government ang listahan o pangalan ng mga alkalde sa lalawigan na nagawa pang mag-travel sa Europe sa kabila na may babala na ang PAGASA na may paparating na malakas na bagyo na ang pinakatumbok ay ang probinsyang ito.


Tama iyang ginawa ni Sec. Jonvic at kapag napatunayan sa imbestigasyon na hindi naman importante at pagliliwaliw lang sa Europe ang pakay ng mga alkaldeng ito, dapat suspendihin agad sila para hindi pamarisan ng ibang mayor dahil hindi talaga katanggap-tanggap na alam naman nilang sasalantain ng Bagyong Tino ang mga nasasakupan nilang cities at municipalities sa Cebu, eh mga nagsipaglayas, mga nagsipag-Europe pa, mga pwe!


XXX


DAPAT MAGKAISA ANG MAMAMAYAN NA TULIGSAIN ANG MGA MINING, QUARRYING AT LOGGING COMPANIES NA SUMISIRA SA SIERRA MADRE – Bagama’t napakalakas ng Bagyong Uwan, pero ito ay hindi nakapaminsala nang husto matapos na malusaw nang bumangga sa mga kabundukan ng Sierra Madre sa Luzon.

Hindi lang ang Super Typhoon Uwan ang pinahihina ng Sierra Madre, kundi marami pang ibang bagyo na kapag dumaan sa kabundukang ito ay talaga namang nalulusaw kaya’t hindi gaanong nakakapaminsala sa mga lugar at taumbayan.


Ang Sierra Madre ay biyaya ng Panginoon na dapat ingatan at pahalagahan dahil pinuprotektahan nito ang mamamayan laban sa mga mapaminsalang mga bagyo, kaya’t dapat magkaisa ang mga Pinoy na tuligsain ang mga mining, quarrying at logging companies na sumisira sa kabundukang ito, period!


XXX


BUTI PA SI BULACAN GOV. DANIEL FERNANDO NILABANAN ANG MGA MINING, QUARRYING AT LOGGING COMPANIES NA SUMISIRA SA SIERRA MADRE, ANG IBANG GOV. SA LUZON WA’ PAKI -- Sa ngayon ay isa pa lang sa mga gobernador sa Luzon ang nagpakita ng malasakit sa Sierra Madre, at ito ay si Bulacan Gov. Daniel Fernando na noong August 2022 ay nagpalabas ng executive order na nagbabawal sa mga mining, quarrying at logging companies na wasakin ang parte ng kabundukang ito (Sierra Madre) sa nasasakupan ng Bulacan.


Kung may malasakit ang ibang gobernador sa kanilang mga kababayan at sa kalikasan, tularan nila si Gov. Fernando, pagbawalan din nila ang mga mining, quarrying at logging companies sa ginagawa ng mga ito na pagwasak sa nasasakupan nilang kabundukan ng Sierra Madre, plis lang!


XXX


HINDI PALA SAFE SI SEN. DELA ROSA SA BAGONG SC EXTRADITION RULES --Sinabi ni Atty. Michael Tiu, legal analyst ng University of the Philippines (UP)-College of Law na kung sakaling may warrant of arrest na ang International Criminal Court (ICC) laban kay Sen. Ronald Dela Rosa sa posibleng ikaso sa kanya na crimes against humanity ay hindi raw maaaring i-apply dito ang bagong inilabas na extradition rules ng Supreme Court (SC), dahil hindi umano ito kaso na may usapin tungkol sa extradition, at sa halip ang kailangan daw gawin ng pamahalaan ay dalhin at isuko ito sa pamamagitan ng transfer of custody sa ICC sa The Hague, The Netherlands.


Dahil sa sinabing iyan ng UP-legal analyst, hindi pala safe si Sen. Dela Rosa sa bagong extradition rules ng SC, na kapag may warrant of arrest na siya, kapag lumabas siya ng Senado, sakote ang aabutin niya sa Interpol, boom!

 
 
RECOMMENDED
bottom of page