top of page
Search

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | Mar. 24, 2025



Prangkahan ni Pablo Hernandez

DAPAT IPANALO NG MGA DDS ANG 10 SENATORIAL CANDIDATES NI EX-P-DUTERTE PARA MABASURA IMPEACHMENT KAY VP SARA AT MAIUWI SA ‘PINAS ANG EX-PRESIDENT -- Kung nais ng milyun-milyong mga Duterte Diehard Supporters (DDS) na mabigo ang hangarin ng Marcos administration na mapa-impeach si Vice President Sara Duterte-Carpio at magkaroon ng sapat na bilang ang mga senador na gagawa ng resolusyon para hilingin sa International Criminal Court (ICC) na ibasura ang isinampang kaso kay ex-P-Duterte, palayain at pauwiin na sa Pilipinas ang former president, ay isa lang ang dapat gawin, ibasura ang lahat ng kandidato sa pagka-senador ni Pres. Bongbong Marcos at ipanalo o iboto ang lahat ng senatorial candidates ng dating pangulo.


Ito ang mga pangalan ng mga kandidato sa pagka-senador ni ex-P-Duterte base sa alphabetical order, Bondoc, Jimmy; Dela Rosa, Bato; Go, Bong; Hinlo, Jayvee; Lambino, Raul; Marcoleta, Rodante; Mata, Doc Maritess; Quiboloy, Apollo; Rodriguez, Vic at Salvador, Philip.


Kapag iyang 10 senatorial candidates ay nanalo, siguradong mababasura na ang impeachment kay VP Sara, maiuuwi pa sa ‘Pinas si ex-P-Duterte, period!


XXX


DAPAT MADALIIN NA ANG PAGGAWA NG BATAS LABAN SA MGA FAKE NEWS VLOGGER PARA MATIGIL NA ANG FAKE NEWS SA SOCIAL MEDIA -- Gagawa ng batas ang Kamara na may kaakibat na mabigat na parusa laban sa mga vlogger na magpu-post ng fake news sa social media at idadamay din sa kaso ang mga netizens na magsi-share ng mga pekeng balita.


Dapat madaliin ng Kamara ang batas na iyan at sana suportahan ng Senado para matigil na ang pagpapakalat ng maling impormasyon ng mga fake news vlogger sa social media, boom!


XXX


KUNG NAKIPAG-UGNAYAN LANG SANA SI DOTr SEC. DIZON SA MGA TRANSPORT GROUP, WALA SANANG 3-DAY TIGIL-PASADA -- Mula ngayong Lunes, Marso 24 hanggang Miyerkules, Marso 26 ang gagawing tigil-pasada ng mga tsuper at operators ng mga traditional jeepney na miyembro ng transport group na Manibela sa buong bansa.


Kung ang ginawa ni newly-appointed Dept. of Transportation (DOTr) Sec. Vince Dizon nang maitalaga siya sa puwesto ay nakipag-ugnayan siya sa mga transport organization at pinakinggan ang kahilingan ng mga tsuper at operators ng mga jeepney drivers hindi sana nagsagawa ng 3-day tigil-pasada ang Manibela transport group, hindi sana makaranas ng perhuwisyo ang mga commuter, period!


XXX


PABIDA LANG ANG BABALA NI PBBM SA MGA SMUGGLER -- Noong July 2023 State of the National Address (SONA) ni PBBM ay sinabi nito na tapos na raw ang maliligayang araw ng mga smuggler dahil ipapahuli at ipapakulong daw niya ang mga ito.


Maituturing na pabida lang ni PBBM ang statement niyang iyan kasi halos magdadalawang taon na, hanggang ngayon ay wala pang nahuhuli at naipapakulong na mga smuggler ang kanyang administrasyon, boom!

 
 

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | Mar. 23, 2025



Prangkahan ni Pablo Hernandez

MARAMI SA ‘MANOK’ NI PBBM SA SENATORIAL ELECTION ANG MATATALO KAPAG HINDI BINITBIT NG INC -- Lalong lumabo ang pangarap ni Pres. Bongbong Marcos (PBBM) na magwagi ang lahat ng 12 “manok” niya sa pagka-senador dahil nagpalabas na ng statement si Iglesia ni Cristo (INC) spokesman Bro. Edwin Zabala na kinokondena ng kapatiran ang naging desisyon ng Marcos admin na hulihin ng PNP, i-turnover sa Interpol at ikulong si ex-P-Duterte sa International Criminal Court (ICC) jail sa The Hague, Netherlands.


Ibig sabihin, kapag nagdesisyon ang liderato ng INC na walang bitbitin isa man sa senatorial candidates ng Alyansa ng Bagong Pilipinas, malamang marami sa 12 “manok” ni PBBM sa pagka-senador ang matatalo sa halalan, period!


XXX


DAPAT SA ‘PINAS NA LANG KINASUHAN AT IKINULONG SI EX-P-DUTERTE, HINDI SA DAYUHANG BANSA -- Sabi ng INC hindi raw talaga katanggap-tanggap ang ginawa ng Marcos admin na ang isang Pilipino, lalo’t isang dating presidente ang isuko sa foreign country dahil may justice system namang umiiral sa Pilipinas.


May punto talaga ang INC na kondenahin ang Marcos admin dahil puwede namang dito sa ‘Pinas kasuhan at ikulong si ex-P-Duterte, mantakin n’yong pumayag ang gobyerno na sa pagkalayo-layong The Netherlands ipinadala at ipinulong ang ex-president, tsk!


XXX


HINDI DAPAT NAKIKISALI SI PCO SEC. JAY RUIZ SA PAGTULIGSA SA FAKE NEWS DAHIL AMO NIYANG SI PBBM SA FAKE NEWS NANALO -- Sa hearing ng House Tri-Committee patungkol sa fake news, sinabi ni Presidential Communications Office (PCO) Sec. Jay Ruiz na pinagwawatak-watak daw ng fake news ang mga Pilipino.


Sa totoo lang, dapat mahiya ang PCO sec. ni PBBM sa pagtuligsa sa fake news kasi sa totoo lang, alam naman ng lahat na ‘hindi magandang plataporma’ ang nagpanalo kay PBBM sa nakaraang 2022 presidential election kundi fake news. Ang ikinalat na fake news ng mga Marcos loyalists vlogger sa social media ang siyang nagpanalo sa noo’y BBM (Bongbong Marcos) kaya naging presidente siya ng ‘Pinas, period!


XXX


HINDI SANA MAKABILANG SI NEWLY APPOINTED DICT SEC. AGUDA SA MGA PALPAK NA MIYEMBRO NG GABINETE NI PBBM -- Itinalaga ni PBBM si digital technocrat Henry Aguda bilang bagong kalihim ng Dept. of Information and Communications Technology (DICT) na kapalit ng nagbitiw na si former DICT Sec. Ivan Uy.


Sana, hindi maging palpak sa kanyang trabaho si Sec. Aguda, kasi sa totoo lang, ilan sa itinalaga ni PBBM na miyembro ng kanyang gabinete ay mga palpak tulad nina Dept. of Agriculture (DA) Sec. Francisco Tiu Laurel na hindi magawang pababain ang presyo ng bigas, Dept. of Public Works and Highways (DPWH) Sec. Manuel Bonoan na hindi masolusyunan ang problema sa mga lagpas taong baha, Dept. of Environment and Natural Resources (DENR) Sec. Maria Antonia Loyzaga na bigong labanan ang mga illegal logger at illegal miners, at Dept. of Energy (DOE) Sec. Raphael Lotilla na bow lang nang bow sa mga sunud-sunod na oil price hike sa ‘Pinas, boom!


 
 

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | Mar. 22, 2025



Prangkahan ni Pablo Hernandez

FAKE NEWS ANG SURVEY NG SWS NA 51% GUSTONG MAPANAGOT SI EX-P-DUTERTE KASI KITA NAMAN NG PUBLIKO NA NAPAKARAMI ANG NANANAWAGANG MAIUWI SA ‘PINAS ANG EX-PRESIDENT -- Walang duda, fake news, pekeng surbey ang inilabas ng Social Weather Stations (SWS) na kesyo 51% daw ng mamamayang Pinoy ang agree o pabor na mapanagot si ex-P-Duterte sa naganap na extrajudicial killings (EJK) sa bansa noong Duterte administration.


Kaya natin nasabing pekeng surbey ay dahil nakita naman ng publiko sa iba’t ibang panig ng Pilipinas at maging sa ibang bansa na nakapakaraming Pinoy ang nagsagawa ng mga protesta sa pambabatikos sa Marcos admin at panawagang palayain sa International Criminal Court (ICC) jail si ex-P-Duterte at maiuwi na siya sa ‘Pinas, period!


XXX


MAHAL NA MAHAL NG MGA OFW SI EX-P-DUTERTE DAHIL NOONG SIYA PA ANG PRESIDENTE, ALAM NILANG HABANG NAGWU-WORK SILA ABROAD, LIGTAS SA MGA ADIK AT  KRIMINAL ANG  KANILANG MGA PAMILYA SA ‘PINAS -- Majority ng overseas Filipino workers (OFWs) ay love na love si ex-P-Duterte.


Ang dahilan kung bakit mahal na mahal ng OFWs si ex-P-Duterte ay dahil noong siya pa ang presidente ng ‘Pinas ay wala silang pangamba na mabibiktima ng mga adik at kriminal ang kanilang mga pamilya, mga mahal sa buhay habang sila ay nagtatrabaho sa ibang bansa, kasi nga matindi ang kampanya ng ex-president laban sa mga sangkot sa droga at mga kriminal, boom!


XXX


ALAM NI SPEAKER ROMUALDEZ NA TATAMBAKAN SIYA NG BOTO NI VP SARA SA PAGKA-PRESIDENTE KAYA ATAT  NA ATAT SIYANG MA-IMPEACH ITO -- Matapos ianunsyo ng Senado na inihahanda na nila ang mga gagamitin sa impeachment trial kay Vice Pres. Sara Duterte-Carpio na uumpisahan sa buwan ng July 2025, ay agad pinuri ni Speaker Martin Romualdez si Senate Pres. Chiz Escudero.


Talaga itong si Speaker Martin Romualdez, atat na atat mapa-impeach si VP Sara kasi alam niya na kapag ito ang nakalaban niya sa 2028 presidential election ay “kakain siya ng alikabok” at siguradong tatambakan siya ng boto ng anak ni ex-P-Duterte, period!


XXX


300 YEARS NA KULONG SA 6 ‘CORRUPT’ NA DPWH OFFICIALS, NAPAKA-OA NAMANG HATOL IYAN -- Anim na mga kurakot umano na dating opisyal ng Dept. of Public Works and Highways (DPWH) ang hinatulan ng Sandiganbayan ng 300 years na pagkakakulong dahil sa mga kinasangkutan nilang kasong graft at estafa.


Masyado namang OA (overacting) ang hatol na iyan, eh wala namang tao sa mundo na nabuhay na umabot ng 150 years ang edad, he-he-he!

 
 
RECOMMENDED
bottom of page