top of page
Search

ni Ronalyn Seminiano Reonico | April 16, 2021


ree

Pumanaw na si Presidential Legislative Liaison Office (PLLO) Chief Adelino Sitoy sa edad na 85, ayon sa Malacañang noong Huwebes nang gabi.


Pahayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque, "The Palace expresses its deep condolences to the family, loved ones and colleagues of Secretary Adelino Sitoy of the Presidential Legislative Liaison Office.


"We pray for the eternal repose of the good secretary. Our thoughts and prayers are with him and his family.”


Saad pa ni Roque, “Sec. Sitoy was instrumental in the passage of the key legislative reform measures of the Duterte administration. As head of PLLO, he made sure that there is stronger Executive-Legislative collaboration to bring about genuine and lasting change through legislation.


“We pray for the eternal repose of the good Secretary. Our thoughts and prayers are with him and his family.”


Walang binanggit ang Palasyo na dahilan ng pagkamatay ni Sitoy.


Inanunsiyo rin ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang public address noong Huwebes ang pagkamatay ng kalihim.


Aniya, “I’m very sad to relay to you the death of a second Cabinet member. First was [Metropolitan Manila Development Authority chair] Danny Lim, second was Secretary Sitoy of the Legislative Liaison Office. I will call for a break for about a minute and request to stand and we pray in silence.”


Taong 2007 hanggang 2016, nagsilbing Cordova, Cebu mayor si Sitoy. Noong Agosto, 2016 naman ay itinalaga siya bilang PLLO secretary.


 
 

ni Mary Gutierrez Almirañez | April 12, 2021



ree

Inaprubahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang batas na naghahati sa mga lalawigan ng Rizal sa tatlong distrito, batay sa pinirmahan niyang Republic Act 11533.


Nakasaad sa bagong batas ang mga sumusunod na hatian sa bawat distrito:


Second legislative district

• Cardona

• Baras

• Tanay

• Morong

• Jala-jala

• Pililia

• Teresa


Third legislative district

• San Mateo


Fourth legislative district

• Rodriguez


Paliwanag pa ni Senator Francis Tolentino, “The move aims to help the local government units involved to better respond to the needs of the people and also help facilitate in the long-term rehabilitation and the capacity building efforts of the province following this pandemic.”


Batay sa tala, mahigit 2.9 million ang populasyon sa Rizal, kung saan 449,103 ang nasa ikalawang distrito, habang 252,527 naman ang nasa ikatlong distrito, at 369,222 ang nasa ika-apat na distrito.


Sa ilalim ng konstitusyon, ang lungsod na may mahigit 250,000 na residente ay pinapayagang magkaroon ng isang representante sa House of Representatives.


Sa ngayon ay kabilang ang Rizal sa mga lugar na isinasailalim sa modified enhanced community quarantine (MECQ) dahil sa mataas na kaso ng COVID-19.


 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | April 10, 2021



ree

Nag-upload si Senator Christopher “Bong” Go ng mga larawan at video ni Pangulong Rodrigo Duterte ngayong Sabado kaugnay ng tanong ng publiko kung nasaan ang pangulo gayundin ang pagkabahala ng ilang mamamayan sa kalusugan nito dahil sa hindi pagpapakita nitong mga nakaraang araw at pag-postpone ng kanyang regular briefing.


Saad ni Go sa kanyang Facebook post, "Mga kababayan ko, malungkot at mahirap ang maging Pangulo sa panahong ito. Suportahan natin si Tatay Digong, ang taong totoong nagmamahal."


Makikita sa mga larawan at video na nagdya-jogging si P-Duterte at may kuha rin na nakasakay siya sa motor habang naka-face mask at face shield.


Hindi naman binanggit ni Go kung kailan at saan kinunan ang mga naturang larawan.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page