top of page
Search

ni Eli San Miguel - Trainee @News | March 10, 2024




Nahatulan ng "guilty" sa America ang dating Pangulo ng Honduras na si Juan Orlando Hernández dahil sa kanyang pagkakasangkot sa drug trafficking, matapos ang dalawang linggong paglilitis sa Manhattan federal court.


Ayon sa mga piskal, nagtrabaho ang 55-anyos na si Hernández kasama ang mga drug cartels habang nasa opisina siya, at tumutulong na ilipat ang higit sa 400 tonelada ng cocaine patungong United States. Ibinunyag din nila na tumatanggap siya ng milyun-milyong dolyar na suhol, na ginamit niya upang mapalago ang kanyang karera sa pulitika ng Honduras.


Nahaharap siya sa pinakamataas na parusang habambuhay na pagkabilanggo para sa bawat isa niyang kaso.


Naging presidente ng Honduras si Hernández mula 2014 hanggang 2022.

 
 

ni Eli San Miguel - Trainee @News | March 9, 2024




Namatay ang hindi bababa sa limang tao at nasugatan ang 10 iba pa nang mahulog sa kanila ang mga 'airdrop aids' sa kampo ng Al Shati sa kanluran ng Gaza City.


Sinabi ni Khader Al Zaanoun sa CNN na nasaksihan niya ang mga aid package na bumabagsak mula sa mga sasakyang panghimpapawid sa kampo ng Al Shati noong Biyernes, ngunit hindi niya matiyak kung aling bansa ang nasa likod ng airdrop.


Kinumpirma ni Muhammad Al-Sheikh, Head of Emergency Care Department sa Al Shifa Medical Complex sa Gaza City, na limang tao ang namatay sa insidente.


Ayon kay Al-Sheikh, ilan sa mga nasugatan sa insidente at nailipat sa Al Shifa at nasa malubhang kalagayan.


Patuloy namang nagpapadala sa Gaza ng mga ‘airdrop aids’ ang United States at iba pang mga bansa.

 
 

ni Eli San Miguel - Trainee @News | March 8, 2024




Nilusob ng mga armadong lalaki ang isang paaralan sa hilagang-kanlurang rehiyon ng Nigeria, at kinidnap ang 287 mga estudyante.


Sinakop ng mga manloloob ang isang pampublikong paaralan sa Kuriga town ng Chikun matapos ang pagtitipon noong Huwebes, alas-8 ng umaga.


Noong una, sinabi ng mga opisyal na mahigit sa 100 estudyante ang nadakip sa atake. Gayunpaman, sinabi ng pangulo ng paaralan na si Sani Abdullahi kay Governor Uba Sani ng Kaduna na 287 ang kabuuang bilang ng mga nawawalang estudyante.


Matapos ang ilang oras, dumating ang mga puwersa ng seguridad at mga opisyal ng pamahalaan sa bayan upang maghanap ng iba pang nawawalang tao.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page