top of page
Search
  • BULGAR
  • Mar 18, 2024

ni Angela Fernando - Trainee @News | March 18, 2024




Nanalo si Pangulong Vladimir Putin sa naganap na eleksyon sa Russia nu'ng Linggo, na nagpanatili sa kanya sa puwesto.


Matapos ang eleksyon, libu-libong mga oposisyon ang nagprotesta nu'ng tanghali sa mga istasyon ng botohan at nagpahayag ang United States na hindi naging malaya at patas ang nangyaring botohan.


Ang maagang resulta ay magbibigay kay Putin, 71-anyos, ng bagong anim na taong termino na magiging dahilan para malampasan niya si Josef Stalin at maitanghal na pinakamatagal na namuno sa Russia.

 
 
  • BULGAR
  • Mar 17, 2024

ni Eli San Miguel - Trainee @News | March 17, 2024




Sumabog ang isang bulkan sa Iceland noong Sabado para sa ika-apat na pagkakataon mula noong Disyembre, ayon sa meteorological office ng bansa.


Nagsimula ang pagsabog ng bulkan sa 2023 GMT at inaasahang mga 2.9 kilometro ang haba ng bitak, halos parehong sukat ng huling pagsabog noong Pebrero, ayon sa pahayag ng Icelandic Meteorological Office (IMO).


Nasa pagitan ng Hagafell at Stora-Skogfell ang lugar ng pagsabog, parehong lugar ng nakaraang insidente noong Pebrero 8, ayon sa pahayag ng IMO.


Tila mabilis na umaagos ang lava patungo sa kalapit na bayan ng Grindavik, kung saan bumalik ang ilan sa halos 4,000 residente matapos ang mga naunang pagsabog.


Iniulat naman ng pampublikong tagapaghatid ng balita na RUV na inililikas na ang mga tao sa bayan.


 
 

ni Angela Fernando - Trainee @News | March 17, 2024




Humirit ang United Nations sa mga magkakalabang factions sa Sudan na hayaan ang pagpapadala ng humanitarian relief para maiwasan ang banta ng gutom sa kanilang bansa.


Nakasaad sa dokumento ng UN na nasa 6-milyong Sudanese ang maaaring makaranas ng gutom sa mga susunod na buwan dahil sa patuloy at lumalalang alitan sa pagitan ng magkalabang mga heneral ng Sudan.


May 18-milyong Sudanese na ang humaharap sa acute food insecurity sa kasalukuyan at halos 730,000 ay kabataan.


Nagbabala na rin ang World Food Programme ng UN na posibleng magtala ng malawakang hunger crisis sa buong mundo ang giyera sa nasabing bansa.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page