top of page
Search

ni Eli San Miguel - Trainee @News | April 8, 2024





Sumang-ayon ang Iraq nitong Linggo na magpadala ng 10 milyong litro ng petrolyo sa Gaza Strip bilang suporta sa mga Palestino, ayon kay Prime Minister Mohammed Shia al-Sudani.


Idinagdag din niya sa isang pahayag na sumang-ayon ang Iraq na tanggapin ang mga sugatang Palestino mula sa Gaza at magbigay sa kanila ng paggamot sa mga pampubliko at pribadong ospital.


Sa ngayon, nagiging banta pa rin ang kakulangan ng petrolyo sa mga ospital at water systems.


Patuloy pa rin ang alitan sa gitna ng Israel at Palestine, na naging sanhi ng kakulangan sa petrolyo.

 
 

ni Angela Fernando - Trainee @News | April 7, 2024




Nagkaisa ang mga pamahalaan sa Latin America para sa Mexico matapos ang pag-atake sa embahada nito sa Ecuador.


Ito ay matapos arestuhin ang isang pulitiko na pinagbigyan ng ‘asylum’ o proteksyon mula sa ibang bansa ng mga otoridad ng Mexico.


Ang pag-aresto ng dating Bise-Presidente ng Ecuador na si Jorge Glas nu'ng Biyernes ng gabi dahil sa mga kaso ng pandaraya, ay nagdulot ng pansamantalang suspensyon ng ugnayan sa pagitan ng Mexico City at Quito.


Magugunitang kinondena ng pamahalaan ni Mexican President Andres Manuel Lopez Obrador ang hindi pangkaraniwang diplomatikong pagsalakay at pag-aresto bilang isang 'authoritarian' na aksyon pati isang paglabag sa batas ng Mexico.


Nanindigan naman ang administrasyon ni President Daniel Noboa ng Ecuador na ilegal ang mga proteksyon ng asylum dahil sa mga kaso ng katiwalian na hinaharap ni Glas.


Mariin namang kinondena ng mga pamahalaan ng Latin America kasama ang mga bansang Brazil, Columbia, Argentina at Uruguay ang naging pag-aresto kay Glas.

 
 

ni Eli San Miguel - Trainee @News | April 7, 2024




Opisyal na binansagan bilang "World's Oldest Man" ang 111-anyos na si John Alfred Tinniswood mula sa England.


Inihayag ito ng Guinness World Records noong Biyernes, dalawang araw matapos ang balita ng kamatayan ng naunang title holder na si Juan Vicente Pérez, sa kanyang edad na 114, isang buwan bago ang kanyang ika-115 na kaarawan.


Isinilang si Tinniswood sa hilagang-kanlurang lungsod ng Liverpool sa England noong Agosto 26, 1912.


Sa kabuuan ng kanyang buhay, nagawa niyang dumaan sa panahon ng dalawang digmaang pandaigdig, pati na rin sa Great Influenza at COVID-19 pandemic. Nakatala rin siya bilang pinakamatandang World War II veteran na nakaligtas sa trahedya, ayon sa Guinness.


Sa kabilang banda, 117-anyos naman ang pinakamatandang babae sa buong mundo, si Maria Branyas Morera, na nakatira sa Spain.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page