top of page
Search

ni Angela Fernando - Trainee @News | April 9, 2024




Nagpaplanong mag-invest ang Microsoft Corp (MSFT.O) ng higit sa P1-trilyon sa susunod na dalawang taon upang palakasin ang kanilang negosyo sa artificial intelligence (AI) sa Japan, ayon sa ulat ng Nikkei newspaper nitong Martes.


Mag-aanunsyo ng kanilang mga plano ang United States tech firm sa lalong madaling panahon kapag bumisita sa kanilang bansa ang Japanese Prime Minister na si Fumio Kishida, sabi ng Nikkei sa kanilang panayam kay Microsoft Pres. Brad Smith.


Hindi naman nagbigay nang agarang sagot ang Microsoft sa kahilingan ng pahayagang Reuters para sa kanilang komento.

 
 

ni Eli San Miguel - Trainee @News | April 9, 2024




Bumaba sa 25% hanggang 35% ang deforestation sa Amazon sa Colombia noong 2023, ayon kay Environment Minister Susana Muhamad noong Lunes.


Gayunpaman, nagbabala si Muhamad na may mga ebidensya na nagpapakita ng mas lumalang pagkasira ng mga kagubatan ngayong 2024.


Kinikilala ang Colombia bilang isang bansa na pinakasagana ang biodiversity sa mundo, kung saan libu-libong uri ng halaman at hayop ang naninirahan.


Nangyayari ang karamihan ng deforestation sa Colombia sa rehiyon ng Amazon.


Sa ngayon, patuloy na lumalala ang kalagayan ng kagubatan sa bansa sa gitna ng matinding El Niño na nagdudulot ng tagtuyot at mga sunog sa buong Colombia.


 
 
  • BULGAR
  • Apr 8, 2024

ni Angela Fernando - Trainee @News | April 8, 2024




Nagpahayag ang dating Pangulo ng United States na si Donald Trump na karangalan para sa kanya na makulong dahil sa isang gag order na ipinataw ng hukom na siyang magsasagawa ng kanyang darating na paglilitis.


"If this Partisan Hack wants to put me in the 'clink' for speaking the open and obvious TRUTH, I will gladly become a Modern Day Nelson Mandela - It will be my GREAT HONOR," saad ni Trump sa isang post sa Truth Social platform.


Tinutumbok ni Trump sa kanyang pahayag si Justice Juan Merchan, na siyang hahawak sa paglilitis ng dating Presidente sa New York state court sa Manhattan.


Haharapin ni Trump sa nasabing paglilitis ang mga kaso sa paratang na pagbibigay ng P7-milyon bago ang eleksyon nu'ng 2016 sa porn star na si Stormy Daniels upang bilhin ang katahimikan nito tungkol sa kanilang "sexual encounter."


Magsisimula ang paglilitis sa Abril 15.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page