top of page
Search

ni Eli San Miguel - Trainee @News | April 21, 2024




Nagbabala ang pangunahing opisyal ng U.N. sa Security Council noong Biyernes, na mahigit sa 800,000 katao sa isang lungsod sa Sudan ang nasa panganib dahil sa lumalalang karahasan.


Nagsimula ang digmaan sa Sudan isang taon na ang nakalilipas sa pagitan ng Sudanese army (SAF) at paramilitary Rapid Support Forces (RSF), na lumikha ng pinakamalaking krisis sa paglikas ng mga tao sa buong mundo.


Sinabi ni U.N. chief of political affairs Rosemary DiCarlo sa 15-member Security Council na malapit nang magkaroon ng sigalot sa pagitan ng RSF at mga miyembro ng Joint Protection Forces na nakikipag-alyado sa SAF sa El Fasher, ang kabisera ng North Darfur.


"The violence poses an extreme and immediate danger to the 800,000 civilians who reside in El Fasher," pahayag ni U.N. aid operations director Edem Wosornu.


"And it risks triggering further violence in other parts of Darfur – where more than 9 million people are in dire need of humanitarian assistance," dagdag niya.

 
 

ni Eli San Miguel - Trainee @News | April 20, 2024




Umabot na sa higit sa 2,500 katao ang nasawi sa karahasan ng mga gang sa Haiti mula Enero hanggang Marso, na tumaas ng 53% mula sa huling tatlong buwan ng 2023, ayon sa United Nations Integrated Office in Haiti (BINUH) noong Biyernes.


Sa ulat ng BINUH, hindi bababa sa 590 ang napatay sa mga operasyon ng pulisya.


Natuklasan sa ulat na nagpapatuloy pa rin ang mga miyembro ng gang sa panggagahasa sa mga kababaihan at mga batang babae sa mga kalabang lugar, gayundin sa mga bilangguan at kampo ng mga lumikas na tao.


Bukod dito, sinabi rin ng U.N. na daan-daang libo na ang lumikas sa loob ng bansa dahil sa mga gang.

 
 

ni Angela Fernando - Trainee @News | April 20, 20244




Sinilaban ng isang lalaki ang sarili nitong katawan sa labas ng Korte sa New York (NY) kung saan kasalukuyang nililitis ang dating Pangulo ng United States (US) na si Donald Trump.


Ayon sa mga opisyal, tila hindi naman si Trump ang dahilan kung bakit nagawa iyon ng higit 30-anyos na lalaki na kinilalang si Max Azzarello.


"He was on fire for quite a while— it was pretty horrifying." saad ng isang witness sa pinangyarihan.


Nilinaw naman ng mga opisyal na buhay si Azzarello ngunit nasa kritikal na kalagayan sa isang ospital sa NY habang iniim

 
 
RECOMMENDED
bottom of page