top of page
Search

ni Angela Fernando - Trainee @News | April 22, 2024




Kinondena ng United States Commerce Secretary na si Gina Raimondo ang chip na nagpapatakbo sa Mate 60 Pro ng Chinese phone brand na Huawei at sinabing mas advanced ang chip na gamit ng America.


Matatandaang ikinagulat ng US ang paglalabas ng nasabing brand ng isang bagong phone na may makabagong chip nu'ng Agosto 2023.


Itinuturing ang Huawei Mate 60 Pro na isang simbolo ng pagbangon ng teknolohiya ng China sa gitna ng pagsisikap ng Washington na pahinain ang kakayahan ng kalabang bansa na maglabas ng mga advanced na semiconductors.


Naging simbolo rin ang nasabing cellphone brand ng teknolohikal na gyera at idinagdag ito sa tinatawag na entity-list nu'ng 2019 dahil sa takot na maaaring magsilbi itong spy sa mga mamamayan ng America.



 
 
  • BULGAR
  • Apr 22, 2024

ni Eli San Miguel - Trainee @News | April 22, 2024




Nasa 50 katao patungo sa isang libing sa nayon ang namatay matapos tumaob ang kanilang bangka sa ilog ng Central African Republic na Bangui noong Biyernes, ayon sa isang opisyal.


"We were alerted 40 minutes after the incident and rescuers were able to extract around 50 lifeless bodies," sabi ni Thomas Djimasse sa Reuters, ang civil protection department head.


Dagdag pa niya sa isang panayam sa telepono, na patuloy ang paghahanap sa mga katawan dahil maaaring mas marami pang tao ang nalunod sa Ilog Mpoko.


Inihayag ni Government spokesperson Maxime Balalou ang bilang ng mga namatay na higit sa 30 at nanawagan ng mas masugid na pagsunod sa mga regulasyon sa kaligtasan sa transportasyon sa ilog.

 
 

ni Angela Fernando - Trainee @News | April 21, 20244




Sumali ang libu-libong Israeli sa protesta laban sa Prime Minister na si Benjamin Netanyahu.


Ipinanawagan din nila sa protesta ang bagong eleksyon at inihirit ang mas aktibong aksyon mula sa gobyerno para mapauwi ang mga bihag sa Gaza.


Matatandaang patuloy ang mga isinasagawang protesta habang ang digmaan sa Gaza ay patuloy pa rin sa pagtaas ang tensyon dahil sa lumalaking galit sa paraan ng pamamahala ng gobyerno sa kaso ng 133 Israeli hostages na nasa kamay ng militanteng grupong Hamas.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page