top of page
Search
  • BULGAR
  • May 14, 2024

ni Eli San Miguel @News | May 14, 2024


MUMBAI — Hindi bababa sa 14 ang namatay at marami ang nasaktan matapos bumagsak ang isang malaking billboard sa kasagsagan ng isang bagyo sa Mumbai, India.


Bumagsak ang billboard sa ilang mga bahay at isang gasolinahan malapit sa isang masikip na kalsada sa silangan ng Ghatkopar matapos ang malakas na hangin at ulan noong Lunes ng gabi.


Sinabi ng munisipalidad ng Mumbai na hindi bababa sa 74 katao ang dinala sa ospital na may mga sugat at 31 naman ang na-discharge na.

 
 

ni Angela Fernando @News | May 14, 2024


Nagsampa ng kaso ang mga pangunahing airlines sa United States laban sa Transportation Department ng bansa dahil sa bagong patakaran na nag-aatas ng agarang pagsisiwalat ng mga bayarin sa airlines, na pinakabagong alitan sa pagitan ng mga paliparan at administrasyon ni Joe Biden.


Ang Airlines for America, kasama ang American Airlines, Delta Air Lines, United Airlines, JetBlue Airways, Hawaiian Airlines, at Alaska Airlines, ay nagsampa ng kaso laban sa Transportation Department ng U.S. (USDOT) sa U.S. Fifth Circuit Court of Appeals sa Louisiana, ayon sa kopya ng kaso na nakita ng Reuters.


Matatandaang inilabas ng USDOT ang bagong patakaran nu'ng nakaraang buwan at sinasabing makakatulong ito sa mga consumer upang maiwasan ang mga hindi kinakailangang bayarin.


Agad namang iginiit ng grupong airlines sa isang pahayag nu'ng Lunes na ang bagong patakaran ng kagawaran ay magdudulot lang ng kalituhan sa mga consumers.

 
 

ni Angela Fernando @News | May 13, 2024


Pumanaw ang unang lalaking nakatanggap ng kidney transplant mula sa isang baboy dalawang buwan matapos ang operasyon nito.


Kinilala ang lalaking si Richard "Rick" Slayman, 62-anyos, na nakaranas ng end-stage kidney disease bago sumailalim sa nasabing operasyon nu'ng Marso.


Ayon sa Massachusetts General Hospital (MGH), walang indikasyon na ang kanyang pagkamatay ay bunga ng transplant.


Matatandaang nabigo ang mga naunang transplant mula sa mga genetically modified na baboy ngunit ang operasyon kay Slayman ay naging makasaysayan.


Bagaman si Slayman ang unang tumanggap ng bato ng baboy para gamitin sa isang tao, hindi ito ang unang organ ng baboy na ginamit sa isang procedure o operasyon.


Dalawang iba pang pasyente ang nakatanggap ng transplant na puso ng baboy, ngunit ang mga procedure ay nabigo dahil parehas na namatay ang mga pasyente ilang linggo matapos ang operasyon.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page