top of page
Search

ni Angela Fernando @News | May 27, 2024


Nagpahayag si Chinese Premier Li Qiang kay Samsung Chairman Jay Y. Lee nu'ng Linggo na malugod na tinatanggap ng China ang karagdagang investment ng Korean conglomerate.


Ang pagpupulong sa Seoul sa pagitan ng pangalawang pinakamataas na opisyal ng China at ng Korean executive ay naganap bago ang isang summit sa pagitan nina Li, South Korean President Yoon Suk Yeol, at Japanese Prime Minister Fumio Kishida, ang unang “three-way talk” ng mga bansa sa Asya sa loob ng mahigit apat na taon.


Matatandaang sinabi ng isang executive ng kumpanya sa isang ulat nu'ng Nobyembre ng state-run China Daily na ang Samsung Electronics ay naglaan ng $24-bilyon sa loob ng nakaraang anim na taon sa Chinese market.


Gayunpaman, nakakaranas ang Korean tech giant ng mas lumalaking hamon sa kanilang negosyo sa gitna ng tensyon sa pagitan ng U.S. at China.

 
 

ni Eli San Miguel @News | May 26, 2024


Inakusahan ng mga piskal ang isang volunteer firefighter at isang forest official sa Chile, na sangkot sa pagsisimula ng mga sunog sa gitna ng Chile noong Pebrero ng taong ito, kung saan higit sa 130 katao ang nasawi.


Sa ngayon, kasama sa mga nasasangkot ang volunteer firefighter na si Francisco Ignacio Mondaca, at si Francisco Pinto, isang opisyal mula sa National Forestry Corporation (CONAF) ng Chile, na sakop ng Agriculture ministry na responsable sa pagpigil ng mga sunog sa kagubatan.


Sinabi ng opisina ng piskal sa Valparaiso noong Sabado na parehong nasa pre-trial detention ang mga suspek.


Ayon sa mga otoridad, sinasabing si Mondaca ang nagplano ng krimen, habang itinuturo ang opisyal ng CONAF bilang ang utak sa likod nito.


Ibinahagi rin ng mga piskal na may access sila sa mga ebidensyang nagpapakita na may malinaw na layunin at may kaalaman tungkol sa optimal na mga kondisyon ng panahon upang simulan ang mga sunog sina Moncada at Pinto.

 
 

ni Eli San Miguel @News | May 25, 2024


Tinugunan ni Pangulong Joe Biden ng United States ang pangako ng Egypt noong Biyernes na payagan ang humanitarian aid mula sa UN na makarating patungo sa Gaza sa pamamagitan ng Kerem Shalom crossing.


Inihayag ni Biden sa pag-uusap nila ni Egyptian President Al-Sisi na suportado niya ang pagbubukas muli ng Rafah crossing, sa mga kondisyon na tatanggapin ng parehong Egypt at Israel. May plano ang U.S. na magpadala ng isang senior team sa Cairo sa susunod na linggo para sa mga pag-uusap, ayon sa pahayag ng White House.


"President Biden welcomed the commitment from President al-Sisi to permit the flow of UN-provided humanitarian assistance from Egypt through the Karem Shalom crossing on a provisional basis for onward distribution throughout Gaza. This will help save lives," saad ng White House.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page