top of page
Search

ni Eli San Miguel @News | May 31, 2024


Hindi bababa sa 15 katao ang namatay noong Huwebes, dahil sa posibleng heatstroke sa Bihar at Odisha sa India, sa gitna ng heatwave na inaasahang magpapatuloy hanggang Sabado.


Nararanasan ang matinding tag-init sa India ngayon, kung saan umabot ang Delhi sa record na 52.9 degrees Celsius (127.22°F) ngayong linggo.


Iniulat ng mga otoridad na 10 ang namatay sa isang pampublikong ospital sa rehiyon ng Rourkela sa Odisha noong Huwebes, habang limang pagkamatay naman ang naitala sa lungsod ng Aurangabad sa Bihar dahil sa "sunstroke."


Inaasahan naman ng India Meteorological Department (IMD) na magpapatuloy ang kasalukuyang heatwave sa silangang India ng dalawang araw pa. Inilalarawan ng IMD ang isang heatwave kapag umabot ang temperatura sa 4.5°C hanggang 6.4°C na mas mataas kaysa karaniwan.

 
 

ni Angela Fernando @News | May 30, 2024


Pinayagan ng isang hukom sa Texas nu'ng Miyerkules na magpatuloy ang kasong defamation laban kay Elon Musk, ngunit tinanggihan ang hiling na parusahan ang matagal nang abogado niyang si Alex Spiro.


Tinanggihan ni Judge Maria Cantu Hexsel ang mosyon na ibasura ang kaso sa Travis County, na isinampa nu'ng nakaraang taon ng nagsasakdal na si Benjamin Brody.


Iginiit ni Musk na nilabag ng kaso ang batas ng estado na naglalayong pigilan ang mga demanda na nagpaparusa sa mga nagsasalita tungkol sa mga pampublikong isyu.


Inakusahan ni Brody si Musk matapos nitong maling itinumbok sa isang post sa X na si Brody ay sumali sa isang right-wing na rambol sa Oregon.


Matatandaang itinatanggi ni Musk na siniraan niya si Brody at sumailalim siya sa isang virtual deposition nu'ng Marso.


Inireklamo naman ng mga abogado ni Brody nu'ng nakaraang buwan na nakisali si Spiro sa deposition kahit na wala siyang lisensiya upang mag-practice ng abogasya sa Texas at walang kalinawa kung pinayagan ito ng Korte na kumatawan kay Musk sa kaso.

 
 

ni Eli San Miguel @News | May 29, 2024


Magpapadala ang Sweden ng tulong militar na nagkakahalaga ng $1.3 bilyon sa Ukraine, upang tumulong laban sa pagsalakay ng Russia, ayon sa pahayag ng gobyerno sa bansang Nordiko nitong Miyerkules.


Inihayag ni Defense Minister Paal Jonson sa isang press conference na makakatulong ang package sa pagpapalakas ng air defense ng Ukraine, at kasama rito ang Airborne Surveillance and Control (ASC) 890 aircraft ng Saab.


Sinabi ng gobyerno ng Sweden noong nakaraang linggo na sumang-ayon sila sa karagdagang tulong militar sa Ukraine na umaabot sa kabuuang $7.1 bilyon sa loob ng tatlong taon.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page