top of page
Search

ni Eli San Miguel @World News | June 22, 2024


FIle Photo

Namatay ang tatlong sibilyan at 10 iba pa ang sugatan, kabilang ang dalawang pulis, sa pamamaril ng isang gunman sa supermarket sa Arkansas noong Biyernes.


Inihayag ni Arkansas State Police Director Mike Hagar sa mga reporter na nasugatan din ang suspek sa pakikipagpalitan ng putok sa mga pulis.


Kinilala ng pulisya ang suspek sa pamamaril na si Travis Eugene Posey, 44-anyos, taga-New Edinburg, isang komunidad na 10 milya sa timog-silangan ng Fordyce.


Naganap ang pamamaril sa Mad Butcher grocery sa Fordyce, isang bayan na may 3,200 katao mga 70 milya (112 km) sa timog ng Little Rock.


Inaasahan namang mabubuhay ang mga sugatang pulis at ang suspek, ayon kay Hagar.

 
 

ni Eli San Miguel @Overseas News | June 20, 2024



FIle Photo

Nilagdaan ni Governor Jeff Landry ng Louisiana noong Miyerkules, ang isang batas na nag-uutos sa estado na i-display ang Ten Commandments sa bawat silid-aralan sa pampublikong paaralan sa bansa.


Agad namang nag-anunsiyo ang American Civil Liberties Union na magsasampa sila ng kaso upang pigilin ang batas dahil ito'y labag sa konstitusyonal na pagkakabahagi ng simbahan at estado.


"If you want to respect the rule of law, you've got to start from the original law-giver, which was Moses," ani Landry sa kanyang paglagda.


Sa mga pananampalatayang Kristiyano at Hudyo, inihayag ng Diyos ang Ten Commandments o Sampung Utos sa propetang Hebreo na si Moises.

 
 

ni Eli San Miguel @Overseas News | June 18, 2024



FIle Photo

Namatay ang 11 katao at mahigit sa 60 ang nawawala, kabilang na ang mga bata, matapos ang dalawang migrant shipwreck sa baybayin ng timog ng Italy, ayon sa mga ahensiya ng U.N. nitong Lunes.


Gamit ang Nadur rescue boat, iniligtas ng aid group na RESQSHIP mula sa Germany ang 51 indibidwal mula sa isang lumulubog na bangka, at nakuha ang dalawang walang malay, pati na rin ang sampung bangkay mula sa lower deck ng barko.


Nasa pangangalaga na ng Italian coastguard ang mga nakaligtas at dumaong sa lupa nitong Lunes ng umaga.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page