top of page
Search

ni Angela Fernando @Overseas News | June 27, 2024



News

Umatras ang Presidente ng Kenya na si William Ruto sa mga planong taasan ang buwis matapos ang kaguluhang naidulot nito at kabilaang protesta sa parliyamento.


Tagumpay ang mga kilos-protesta sa kanilang isang linggong laban sa pagtaas ng buwis na isa sa pinakaseryosong krisis sa 2 taong pamumuno ni Ruto.


Inanunsyo ni Ruto na hindi niya pipirmahan ang isang finance bill na naglalaman ng pagtaas ng buwis, isang araw matapos ang sagupaan sa pagitan ng pulisya at mga nagpoprotesta sa parlyamento at sa buong bansa na nag-iwan ng hindi bababa sa 23 patay at maraming nasugatan.


Samantala, kinumpirma naman ng mga grupo at samahang tuloy ang kanilang protesta sa Huwebes sa kabila ng pag-atras ni Ruto para igiit ang pagbaba nito sa puwesto.

 
 

ni Angela Fernando @News | June 26, 2024



News

Hinagisan ng tear gas nitong Martes ang half-sister ni dating United States President Barack Obama na si Auma Obama sa isang protesta sa labas ng gusali ng parliyamento sa Nairobi, Kenya.


Pinagbabaril ng mga pulisya ang mga demonstrador na nagtangkang lusubin ang lehislatura ng Kenya, kung saan hindi bababa sa 5 ang napatay, 12 sugatan, at ilang bahagi ng gusali ng parliyamento ang nasunog habang ang mga mambabatas sa loob ay patuloy sa pagpasa ng batas upang itaas ang buwis.


Inilayo naman agad sa kaguluhan si Auma Obama na nausisa ng isang reporter ng CNN ang dahilan kung bakit siya nasa nasabing protesta. "I'm here because - look at what's happening. Young Kenyans are demonstrating for their rights.


They're demonstrating with flags and banners. I can't even see anymore," saad niya. Kinumpirma rin nitong ginagamitan sila ng tear gas ng mga kapulisan. Wala pa namang komento sa kasalukuyan ang opisina ng dating Presidente na si Obama sa pangyayari.

 
 

ni Angela Fernando @Overseas News | June 25, 2024



News

Isang planta ng lithium battery sa South Korea ang nasunog matapos ang sunud-sunod na pagsabog ng mga baterya nu'ng Lunes, na ikinasawi ng 22 manggagawa, karamihan sa kanila ay mga Chinese nationals.


Kinumpirma ito ng mga opisyal ng mga bumbero sa nasabing bansa na 18 manggagawang Chinese, dalawang South Korean, at isang Laotian ang kabilang sa mga nasawi.


Kumalat ang sunud-sunod na sunog at pagsabog sa battery factory na pinapatakbo ng Aricell manufacturer sa Hwaseong, na matatagpuan sa southwest ng Seoul.


Ayon sa mga opisyal, ang mga biktima ay malamang na nalason ng gas sa loob lamang ng ilang segundo matapos kumalat ang sunog. Hindi pa naman malinaw kung ano ang sanhi ng mga pagsabog at ng sunog na naapula sa loob ng 6 oras.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page