top of page
Search

ni Angela Fernando @News | July 2, 2024



News

Kinondena ng 'Pinas nitong Martes ang pagpapalipad ng North Korea ng dalawang ballistic missile, na tinawag na isang hakbang ng probokasyon na sumusubok sa kapayapaan at katatagan ng rehiyon.


Ayon sa mga ulat, naglunsad ang Pyongyang ng dalawang missile nu'ng Lunes, isang araw matapos magtapos ang mga pagsasanay ng militar ng United State, South Korea, at Japan.


Nagpahayag ang Maynila na ang paglulunsad ng missile ng North Korea ay nagdudulot lang ng pagtaas ng tensyon at nagpapahina sa pagunlad ng ekonomiya, kapayapaan, at katatagan sa Korean Peninsula at rehiyong Indo-Pasipiko.


"The Philippines has repeatedly called on the DPRK to comply with its international obligations and the relevant UN Security Council resolutions and to commit to constructive and peaceful dialogue with the Republic of Korea," saad ng Department of Foreign Affairs.


Samantala, naglabas ng komento ang South Korea at sinabing malamang na bigo ang pangalawang missile matapos itong ilunsad at sumabog na sa himpapawid.

 
 

ni Eli San Miguel @Overseas News | July 2, 2024



Entertainment News

Naitala ang 13,489 na mga wildfires sa Amazon rainforest sa Brazil, na nangyari sa loob lamang ng anim na buwan. Ito ang pinakamalalang bilang sa loob ng 20 taon, ayon sa mga datos ng satellite na inihayag nitong Lunes.


Tumaas ang kabuuang bilang ng higit sa 61 porsyento kumpara sa parehong panahon noong nakaraang taon, at ito'y isang pagtaas na sinasabing resulta ng makasaysayang tagtuyot na tumama sa pinakamalaking tropikal na kagubatan sa mundo noong nakaraang taon.


Ayon sa National Institute for Space Research (INPE) ng Brazil, bumaba ng 42 porsyento ang lawak ng lugar na sumailalim sa deforestation mula Enero 1 hanggang Hunyo 21, kumpara sa parehong panahon noong 2023.

 
 

ni Angela Fernando @News | July 1, 2024



Entertainment News

Nakarating na sa Maynila nu'ng Linggo ang lima sa 27 tripulanteng Pinoy na sakay ng bulk carrier na MV Transworld Navigator na sinalakay ng mga Houthi rebels kamakailan sa Red Sea.


Tagumpay na nakarating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 ang unang batch ng mga mandaragat na nakaligtas sa pamamagitan ng Emirates airline EK 332. Ang ikalawang batch ay inaasahang darating sa Martes.


Nakatanggap naman ng suportang pinansyal at iba pang tulong mula sa gobyerno ang mga na-repatriate na mandaragat, ayon sa Department of Migrant Workers (DMW).


Sinalubong ni DMW Sec. Hans Cacdac, kasama sina DMW Assistant Secretary para sa sea-based overseas Filipino worker (OFW) concerns Jerome Pampolina at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Deputy Administrator Honey Quiño, ang pagdating ng unang batch.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page