top of page
Search

ni Eli San Miguel @Overseas News | July 11, 2024



Showbiz news

Nahuli ang isang lalaki na sinubukang magdala ng higit sa 100 buhay na ahas sa mainland China sa pamamagitan ng pagtatago ng mga ito sa kanyang pantalon.


Inihayag ng China Customs na napigilan ng kanilang mga opisyal ang hindi kinilalang lalaki habang sinusubukang lumabas sa semi-autonomous Hong Kong patungo sa border city ng Shenzhen, China.


"Upon inspection, customs officers discovered that the pockets of the trousers the passenger was wearing were packed with six canvas drawstring bags and sealed with tape," pahayag ng Customs. "Once opened, each bag was found to contain living snakes in all kinds of shapes, sizes and colors," saad ng ahensiya.


Sinabi rin sa pahayag na kinumpiska ng mga opisyal ang 104 na mga reptiles, kabilang ang mga milk snake at corn snake, na karamihan ay non-native species. Isa ang China sa mga pinakamalaking animal trafficking hubs sa mundo, ngunit sinimulan na ng mga otoridad ang mahigpit na pagsugpo sa ilegal na kalakaran sa mga nakalipas na taon. "Those who break the rules will be... held liable in accordance with the law," dagdag pa ng Customs.

 
 

ni Eli San Miguel @Overseas News | July 10, 2024



Showbiz news

Sinalanta ng Bagyong Beryl ang timog-silangang Texas nitong Lunes na may napakalakas na hangin at ulan, na nagdulot ng tatlong pagkamatay at pagkawala ng kuryente sa 2.7 milyong tahanan at negosyo.


Sa Texas, isang 53-anyos na lalaki at isang 74-anyos na babae ang namatay sa dalawang magkahiwalay na insidente dahil sa mga puno na bumagsak sa kanilang mga tahanan sa Houston area noong Lunes.


Sinabi naman ni Lieutenant Governor Dan Patrick na may pangatlong tao ang nasawi, matapos na malunod sa ilalim ng tulay ang isang empleyado ng lungsod ng Houston na papasok sa trabaho.


Ayon pa kay Patrick at PowerOutage.us, mahigit sa 2.7 milyong tahanan at negosyo sa Texas ang nawalan ng kuryente. Sa ngayon, humina at naging tropical storm na lamang ang Beryl, na kalauna'y naging pinakamaagang Category 5 na bagyo ngayong season.

 
 

ni Eli San Miguel @Overseas News | July 9, 2024



Showbiz news

Nagkansela ang mga airlines sa United States ng higit sa 1,300 na flights at na-delay naman ng higit sa 1,000 flights nitong Lunes dahil sa mas lumakas na Bagyong Beryl na tumama sa Texas.


Sa kabuuan, may 1,479 na flights ang nakansela at 2,254 na flights ang na-delay ayon sa flight tracking website na FlightAware hanggang alas-12:33 ng tanghali ET.


Nanguna sa listahan ang United Airlines (UAL.O) na may 405 na flights na nakansela, kasunod ang Southwest Airlines (LUV.N) na may 268. "We are continuing to monitor Beryl and have reduced flying at Intercontinental Airport of Houston (IAH) Sunday night and Monday," pahayag ng United Airlines.


Sinabi ng Southwest na sinusubaybayan nito ang sitwasyon at binago ang kanilang flight schedule nitong Lunes sa Houston at south Texas dahil sa Bagyong Beryl.


Naglabas ang parehong United at Southwest ng travel advisories na nagbanggit ng epekto ng Bagyong Beryl sa mga flight sa mga paliparan tulad ng Austin, Corpus Christi, Harlingen, at Houston, pati na rin sa iba pang lugar sa rehiyon.


Tumama ang pinakamaagang Category 5 na Bagyong Beryl malapit sa Matagorda, Texas, sa kinaumagahan ngayong araw, na nagdulot ng mapanganib na pagtaas ng alon ayon sa U.S. National Hurricane Center (NHC).

 
 
RECOMMENDED
bottom of page