top of page
Search

ni Eli San Miguel @Overseas News | July 31, 2024



File photo
File Photo / Representation

Naging sanhi ng food poisoning sa Japan ang grilled eel o inihaw na palos, na angdulot ng isang pagkamatay at pagkakasakit ng 140 katao.


Humingi ng tawad si Shinji Kaneko ng Keikyu Department Store sa Yokohama, malapit sa Tokyo, matapos makaranas ng pagsusuka at pagtatae ang mga customer na bumili ng lunch boxes na may grilled eel.


Isa sa mga customer ang namatay, na umano'y babaeng nasa 90s ang edad, ayon kay Shinji Kaneko na nagbigay ng pahayag sa mga mamamahayag noong Lunes.


Ayon sa Keikyu Department Store, natuklasan ng imbestigasyon ng mga health officials ang isang uri ng bacteria na tinatawag na staphylococcus aureus sa mga produkto.


"We take what happened very seriously and feel deeply sorry about it. We will fully cooperate with investigations by public health authorities," ani Kaneko.


 
 

ni Eli San Miguel @Overseas News | July 31, 2024



Sports News
Photo: Damien Eagers / PA Wire

Namatay ang dalawang lalaki nang mag-crash ang isang helicopter sa gusali sa sakahan na matatagpuan sa Westmeath county sa gitnang bahagi ng Ireland, ayon sa pulisya nitong Martes.


Nangyari ang insidente malapit sa nayon ng Killucan na may humigit-kumulang 360 na tao, bandang 2:30 PM GMT.


Ipinakita sa isang larawan na ipinost ng pambansang broadcaster na RTE, na bumangga ang helicopter sa bubong ng isang gusali na ayon sa kanila ay pag-aari ng isang pig farm.


Tinanggal na mula sa lugar ng insidente ang mga katawan ng dalawang lalaki na mga nasa 40-anyos, isang Irish at isang pinaniniwalaan na mula sa Silangang Europa. Wala pang ibinibigay na sanhi para sa insidente.

 
 

ni Eli San Miguel @Overseas News | July 30, 2024



BINI x ENHYPEN / TikTok
Photo: Reuters

Inihayag ni U.S. ex-President Donald Trump na sasalang siya sa isang interbyu ng FBI habang iniimbestigahan ng ahensiya ang motibo ng 20-anyos na si Thomas Crooks na pinagtangkaan siyang patayin sa isang campaign rally sa Pennsylvania.


"They're coming in on Thursday to see me," sabi ni Trump, ang Republican presidential candidate, sa isang panayam sa Fox News na inilabas nitong Lunes.


Nakita ng pulisya ang lalaki na nagtangkang patayin si Trump mahigit isang oras bago ang pamamaril noong Hulyo 13 sa Butler, Pennsylvania, at ibinahagi ang kanyang larawan sa ibang mga opisyal, ayon sa isang tauhan ng FBI.


Bagaman hindi iniimbestigahan ng ahensiya ang mga posibleng pagkukulang sa seguridad, ginagawa naman nila ang isang timeline ng mga kaganapan, ayon kay Kevin Rojek, lider ng opisina sa Pittsburgh ng FBI.


Sinabi ng mga opisyal ng FBI na hindi pa nila natutukoy ang motibo ni Crooks, na napatay ng isang ahente ng Secret Service matapos magpaputok ng baril.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page