top of page
Search

by Eli San Miguel @Overseas News | August 18, 2024


Photo
Photo: France24

Iniulat ng Israel na napatay nito ang dalawang mataas na opisyal ng Hamas na sina Ahmed Abu Ara at Rafet Dawasi, sa isang air strike sa kanilang sasakyan sa Jenin, West Bank, noong Sabado.


Inihayag din na sangkot ang dalawang militante sa pagkamatay ng isang Israeli.


Ipinaliwanag ng Israel na kasama ang dalawang militante sa pagpaplano ng isang pamamaril noong nakaraang linggo sa Jordan Valley, West Bank, na nagresulta sa pagkamatay ng isang Israeli na lalaki, si Yonatan Deutsch.


Ayon sa Hamas, itinuturing ang pag-atake bilang tugon sa Israeli strike na isinagawa sa isang paaralan sa Gaza City, kung saan naninirahan ang mga lumikas na Palestinian, na iniulat na nakapatay ng hindi bababa sa 90 tao.

 
 
  • BULGAR
  • Aug 17, 2024

by Eli San Miguel @Overseas News | August 17, 2024



Photo
Photo: NDTV

Namatay ang 548 katao dahil sa pagdami ng kaso ng mpox sa Democratic Republic of Congo ngayong taon, at naapektuhan ang lahat ng probinsya, ayon sa kalihim ng kalusugan.


Idineklara ng World Health Organization (WHO) noong Miyerkules ang pagtaas ng mga kaso bilang isang global public emergency dahil kumalat na rin ito sa mga kalapit na bansa.


"According to the latest epidemiological report, our country has recorded 15,664 potential cases and 548 deaths since the beginning of the year," pahayag ni Health Minister Samuel-Roger Kamba sa isang video message.


Binubuo ang DRC ng 26 na probinsya at may populasyon na humigit-kumulang sa 100 milyong tao.

 
 

ni Angela Fernando @Entertainment News | August 16, 2024



Showbiz News
File Photo: Matthew Perry - Sa Los Angeles premiere noong 2015 / AP

Naaresto na ang limang taong sangkot sa pagkamatay ng aktor ng "Friends" na si Matthew Perry, ayon sa dalawang mapagkakatiwalaang law enforcement sources na kinumpirma sa CBS News kamakailan.


Hindi pinangalanan ang mga suspek sa pagsu-supply ng ketamine kay Perry. Naganap ang mga pag-aresto halos isang taon matapos matagpuan ang walang buhay na katawan ng 54-anyos na aktor sa kanyang jacuzzi sa bahay niya sa Pacific Palisades, Los Angeles.


Inilabas ang ulat ng toxicology ng Los Angeles County medical examiner, kung saan nakasaad na ang sanhi ng pagkamatay ni Perry ay dahil sa matinding epekto ng ketamine.


Matatandaang bukas si Perry tungkol sa kanyang pakikipaglaban sa addiction, na kanyang tinalakay sa kanyang best-selling na memoir na "Friends, Lovers and the Big Terrible Thing." Ang libro ay inilabas dalawang taon bago siya pumanaw.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page