top of page
Search
  • BULGAR
  • Aug 22, 2024

ni Eli San Miguel @Overseas News | August 22, 2024



Jennifer Lopez at Ben Affleck / Geo
Photo: File

Hindi bababa sa 24 katao ang namatay matapos tumaob ang isang overloaded na bangka sa isang ilog sa lalawigan ng Mai-Ndombe sa Congo, at maaaring tumaas pa ang bilang ng mga namatay dahil marami pang pasahero ang nawawala, ayon sa isang lokal na opisyal nitong Miyerkules.


Tumaob ang bangka, na may tinatayang 250 hanggang 300 pasahero, noong Linggo ng gabi matapos nitong tamaan ang mga troso sa ilalim ng tubig, ayon kay Kutu territory administrator Jacques Nzenza. Overloading ang pangunahing sanhi ng insidente, aniya.


"There was an imbalance in the boat and the panicked people went to put the weight on one side, causing the boat to tip over." Sinabi naman ni Fidele Lizoringo, isang lider ng civil society sa teritoryo, na 43 katao ang nakaligtas.

 
 

ni Eli San Miguel @Overseas News | August 21, 2024



Jennifer Lopez at Ben Affleck / Geo
Isang Health worker sa mpox treatment centre sa Munigi, eastern Democratic Republic sa Congo. Photo: Moses Sawasawa / AP

Inihayag ng World Health Organization nitong Martes hindi maihahalintulad ang paglaganap ng mpox sa COVID-19, dahil marami nang nalalaman tungkol sa virus at sa mga paraan upang kontrolin ito.


Bagaman kinakailangan pa ng higit na pananaliksik sa Clade 1b strain na nag-udyok sa UN agency na ideklara itong global public health emergency, sinabi ni Hans Kluge, direktor ng WHO sa Europe, na maaaring mapigilan ang pagkalat ng mpox.


Mpox - NICD

"Mpox is not the new COVID," aniya. "We know how to control mpox. And, in the European region, the steps needed to eliminate its transmission altogether," pahayag niya sa media briefing sa Geneva, via video-link.


Noong Hulyo 2022, idineklara ng WHO ang isang emergency dahil sa pandaigdigang paglaganap ng Clade 2b strain ng mpox, na mas nakaapekto sa mga kalalakihan na may sekswal na relasyon sa kapwa kalalakihan. Tinanggal naman ang alarma noong Mayo 2023.

 
 

by Eli San Miguel @Overseas News | August 19, 2024


Photo
Photo: Al Jazeera & Wikipedia

Nakakaranas ng cholera outbreak ang Sudan, na pumatay ng halos 22 katao at nagdulot ng sakit sa daan-daang iba pa nitong mga nakaraang linggo, ayon sa ulat ng mga otoridad sa kalusugan.


Nahaharap ang bansa sa isang 16-buwang mga sigalot at matinding pagbaha, na nakapagtala ng hindi bababa sa 354 na kumpirmadong kaso ng cholera kamakailan.


Hindi tinukoy ni Health Minister Haitham Mohamed Ibrahim ang eksaktong panahon para sa mga kasong ito o mga pagkamatay. Gayunpaman, iniulat ng World Health Organization ang 78 pagkamatay mula sa cholera at higit sa 2,400 na may sakit sa Sudan mula Enero 1 hanggang Hulyo 28 ng taong ito.


Ang kolera ay isang impeksyon na mabilis kumalat. Nagdudulot ito ng malubhang pagtatae, na nagreresulta sa dehydration at maaaring magdulot ng kamatayan kung hindi agad na maagapan. Kumakalat ito sa pamamagitan ng kontaminadong pagkain o tubig.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page