top of page
Search

ni Eli San Miguel @Overseas News | August 25, 2024


Jennifer Lopez at Ben Affleck / Geo
Photo: Reuters

Kinilala bilang 26-anyos na Syrian na lalaki ang suspek na inaresto para sa pananaksak sa Solingen, Germany, na pumatay ng tatlo at nakasugat ng walo.


Sumuko siya at inamin ang krimen, ayon sa mga pulis ng Duesseldorf.


Nangyari noong Biyernes ng gabi ang pag-atake na inangkin ng Islamic State group, sa isang pista para ipagdiwang ang 650-taong kasaysayan ng lungsod.


Ayon sa mga otoridad, konektado ang suspek sa isang tirahan para sa mga refugee sa Solingen na nasalakay noong Sabado.


Inilarawan ng Islamic State ang lalaking nagsagawa ng pag-atake bilang isang "Islamic State soldier" sa isang pahayag sa kanilang Telegram account noong Sabado.

 
 

ni Eli San Miguel @Overseas News | August 24, 2024


Jennifer Lopez at Ben Affleck / Geo
Photo: Gianni Gattus

Namatay ang tatlong tao at tatlong iba pa ang malubhang nasugatan sa pag-atake gamit ang patalim sa isang pista noong Biyernes ng gabi sa lungsod ng Solingen sa kanlurang bahagi ng Germany, ayon sa pulisya.


Sinabi nila na bandang 10 p.m. (1800 GMT), isang hindi pa nakikilalang lalaki ang umatake sa maraming tao.


Inihayag ng pulisya na nangyari ang pag-atake sa isang pista na ginanap upang ipagdiwang ang ika-650 anibersaryo ng bayan.


Ayon sa pahayag ng alkalde, naganap ang pag-atake sa Fronhof, isang palengke kung saan may mga tumutugtog na live bands.

 
 

ni Eli San Miguel @Overseas News | August 23, 2024


Jennifer Lopez at Ben Affleck / Geo
Photo: VnExpressInternational

Arestado sa Laos ang halos 800 katao na sangkot sa isang cyber scam network na nagpapatakbo sa isang kahina-hinalang "special economic zone" sa border ng Myanmar at Thailand, ayon sa local media.


Kamakailan lamang, pinaghihinalaang sentro ng mga ilegal na aktibidad ang Golden Triangle Special Economic Zone (SEZ) sa probinsya ng Bokeo sa Laos, na kilala sa mga Chinese-owned casino at hotel.


Kabuuang 771 tao ang naaresto nang wasakin ng mga otoridad ang online fraud ring noong Agosto 12, ayon sa ulat ng Laotian Times ngayong linggo.


Kabilang sa mga naaresto ang 489 kalalakihan at 282 kababaihan mula sa 15 iba't ibang nasyonalidad. Karamihan sa kanila ay mula sa Laos, Myanmar, at China, ngunit mayroon ding mga mula sa Burundi, Colombia, Ethiopia, Georgia, India, Indonesia, Mozambique, Tunisia, Pilipinas, Uganda, at Vietnam.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page