top of page
Search

ni Eli San Miguel @Overseas News | September 6, 2024



Showbiz News

Sinimulan na ng New Mexico ang pagtatayo ng isang state-funded 'reproductive health and abortion clinic' sa katimugang bahagi ng estado upang magsilbi sa mga lokal na residente at sa mga tao mula sa mga kalapit na estado tulad ng Texas at Oklahoma, na may mahigpit na batas para sa abortion.


Suportado ang proyekto ng $10 milyon mula sa isang executive order noong 2022, at naaayon ito sa liberal na batas ng New Mexico para sa abortion. Muling pinagtibay ni Governor Michelle Lujan Grisham ang kanyang suporta sa karapatang magsagawa ng abortion matapos ibasura ng Korte Suprema ng U.S. ang Roe v. Wade at alisin ang universal access sa abortion.


"Access to reproductive healthcare should be a fundamental human right," ani Grisham. "Once completed, this clinic will stand as a testament to our state's commitment to reproductive freedom for residents of New Mexico, and also those who travel here from out-of-state in need of this care," dagdag pa niya.

 
 

ni Eli San Miguel @Overseas News | September 5, 2024



Showbiz News

Tinatayang nasa 20 migrante ang nawawala matapos tumaob ang kanilang bangka sa Mediterranean ngayong linggo, ayon sa ahensya ng UN para sa mga refugee at sa Italian coast guard. Nakaligtas ang pitong Syrian at dinala sa Lampedusa, Italy.


Sinabi ng coast guard na nakita ng mga lokal na otoridad ang lumulubog na bangka mga 10 milya sa timog-kanluran ng isla. Sinabi ni Chiara Cardoletti, ang kinatawan ng UNHCR, sa X na nasa kritikal na kondisyon ang pitong nakaligtas at marami sa kanila ang nawalan ng mga kamag-anak.


Iniulat ng coast guard na 28 tao ang umalis mula sa Libya noong Setyembre 1, ngunit 21, kabilang ang tatlong bata, ang nahulog sa dagat dahil sa masamang panahon. Nagsasagawa naman ng search at rescue operations ang naval unit at coast guard para sa kanila.

 
 

by Eli San Miguel @Overseas News | September 4, 2024



Photo

Nasawi ang hindi bababa sa 51 katao at 271 ang nasugatan sa isang pag-atake ng Russian missile sa lungsod ng Poltava, sa gitnang bahagi ng Ukraine. Tinamaan ang isang military academy at ang kalapit na ospital.


Ipinangako ni Pangulong Volodymyr Zelensky na magbabayad ang Russia para sa pag-atake at muling nanawagan para sa karagdagang air defenses upang matulungan ang Ukraine na protektahan ang sarili gamit ang long-range missile strikes. Wala pang tugon ang Moscow sa pag-atake.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page