top of page
Search

ni Eli San Miguel @Overseas News | September 9, 2024



Showbiz News

Hindi bababa sa 48 tao ang namatay noong Linggo sa isang pagsabog ng fuel tanker truck matapos itong makabangga ng ibang sasakyan sa north-central Nigeria, ayon sa disaster management agency ng estado.


Iniulat ng State Emergency Management Agency sa north-central Niger na bumangga ang fuel truck sa isang truck na may mga pasahero at hayop na baka. Kasama ring naapektuhan sa aksidente ang ilang iba pang mga sasakyan.


Sinabi naman ng tagapagsalita na si Hussaini Ibrahim na 48 ang namatay, at patuloy na nagtatrabaho ang mga opisyal upang linisin ang lugar ng aksidente.

 
 

ni Eli San Miguel @Overseas News | September 8, 2024



Article Photo

Natapos noong Biyernes ng gabi ang unang astronaut mission ng Boeing ngunit walang laman ang capsule na lumapag, dahil naiwan ang dalawang test pilots sa kalawakan. Itinuring ng NASA na masyadong delikado ang kanilang pagbabalik, kaya hindi sila maiuuwi hanggang sa susunod na taon.


Anim na oras matapos lisanin ang International Space Station, bumaba gamit ang parachute ang Starliner capsule sa White Sands Missile Range sa New Mexico. Lumapag ito nang naka-autopilot sa disyerto noong gabi.


Natapos nang tahimik ang mission pagkatapos ng dramatikong simula noong Hunyo, nang maging kumplikado ang crew debut ng Boeing dahil sa pagkasira ng mga thruster at mga pagtagas ng helium. Sa loob ng ilang buwan, nawalan ng kasiguraduhan ang pagbabalik nina Butch Wilmore at Suni Williams habang sinusubukang ayusin ng mga inhinyero ang mga problema ng capsule.


Matapos ang masusing pagsusuri, sinabi ng Boeing na ligtas gamitin ang Starliner para maiuwi ang dalawa, ngunit hindi pumayag ang NASA at nag-book ng flight sa SpaceX. Gayunpaman, hindi aalis ang kanilang SpaceX flight hanggang sa katapusan ng buwan, kaya mananatili sila sa kalawakan hanggang Pebrero—higit sa walong buwan mula nang bumiyahe sila patungo sa kalawakan.


 
 

ni Eli San Miguel @Overseas News | September 7, 2024



Showbiz News

Nag-emergency landing ang isang flight ng Vistara Airlines mula India nitong Biyernes, bandang 4:30 ng hapon (1330 GMT) sa Erzurum, silangang bahagi ng Turkey. Ito’y matapos matagpuan ang isang papel sa banyo na may nakasulat na "bomb on board," ayon sa mga opisyal ng Turkey.


Dalawang bomb disposal experts at isang search dog ang patuloy na nagsisiyasat sa eroplano, ayon kay Turkish Interior Minister Ali Yerlikaya sa social media platform na X. Dagdag pa niya, 234 pasahero at 13 crew ang ligtas na nailikas.


Ibinahagi naman ni Turkish Transport and Infrastructure Minister Abdulkadir Uraloglu sa broadcaster na TGRT Haber na wala pang natatagpuan ang mga otoridad na posibleng bomba o banta sa eroplano.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page