top of page
Search

ni Eli San Miguel @Overseas News | September 12, 2024



Showbiz News

Tatlong malalaking wildfire sa kabundukan sa silangan ng Los Angeles, Southern California, ang sumira ng maraming tahanan at nagtulak sa libu-libong tao na lumikas, ayon sa mga opisyal nitong Miyerkules.


Hindi bababa sa 12 katao, karamihan ay mga bumbero, ang ginamot dahil sa mga pinsalang dulot ng sunog. Gayunpaman, wala pang naiulat na nasawi.


Mahigit 600 bumbero ang nakapagpigil sa pagkalat ng sunog nitong Miyerkules, sa kabila ng malalakas na hangin na nagpahinto sa mga eroplanong nagbubuhos ng fire retardant. Pagsapit ng gabi ng Miyerkules, nasa 30% na ang kontrol sa sunog.


 
 

ni Eli San Miguel @World News | September 11, 2024



Showbiz News

Namatay nitong Martes ang hindi bababa sa 19 katao at sugatan ang 60 iba pa sa pag-atake ng Israel sa isang tent camp sa Gaza, kung saan nanunuluyan ang mga Palestinian na nawalan ng tirahan dahil sa nagpapatuloy na digmaan.


Ayon sa Israel, pinuntirya nila ang mga mataas na opisyal ng Hamas gamit ang mga precision-guided munition (PGM). Inihayag ng mga residente at medics na tinamaan ng hindi bababa sa apat na missile ang isang tent camp malapit sa Khan Younis sa lugar ng Al-Mawasi, isang itinalagang humanitarian zone.


Sinabi ng civil emergency service sa Gaza na hindi bababa sa 20 tent ang nasunog, at lumikha ang mga missile ng mga hukay na kasing lalim ng siyam na metro (30 talampakan).


Ayon pa sa kanila, kabilang sa 65 biktima ang mga babae at bata, ngunit hindi nagbigay ng detalyadong pahayag tungkol sa partikular na bilang ng mga patay at sugatan. Walang agad na pahayag mula sa Ministry of Health ng Gaza, na nagtatala ng bilang ng mga biktima.

 
 

ni Eli San Miguel @Overseas News | September 10, 2024



Showbiz News

Natagpuang patay ang isang 32-anyos na babaeng Filipino-American sa Portland, Oregon. Ayon sa Beaverton Police Department, kinilala ang babae na si Melissa Jubane, na isang cardiac nurse sa St. Vincent Hospital sa Southwest Portland. Iniulat ng Beaverton Police na bandang 10:18 a.m. noong Setyembre 4, nakatanggap sila ng ulat na hindi dumating si Jubane para sa kanyang morning shift.


Pumunta ang mga opisyal sa tirahan ni Jubane sa 1050 Southwest 160th Avenue sa Beaverton, ngunit hindi natagpuan si Jubane sa loob. Buong araw na sinubukan ng mga opisyal at ng kanyang pamilya na makipag-ugnayan kay Jubane, ngunit hindi sila nakatanggap ng tugon, at tila nakapatay ang kanyang telepono.


Bandang 3:00 p.m., isinama si Jubane sa database ng mga nawawalang tao, kaya nagsagawa ang mga imbestigador ng masusing paghahanap at natagpuan ang katawan ni Jubane noong Setyembre 6.


Natukoy ng pulisya na sangkot sa pagkawala ni Jubane ang 27-anyos na si Bryce Johnathan Schubert, kapitbahay ni Jubane na isa ring nurse sa Providence Portland Medical Center. Naaresto si Schubert noong Setyembre 7 at kinasuhan ng second-degree murder. Matagumpay namang narekober ng mga otoridad ang katawan ni Jubane.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page