top of page
Search

ni Eli San Miguel @Overseas News | September 16, 2024



Showbiz News

Hindi bababa sa 8 katao ang namatay habang sinusubukang tumawid sa English Channel mula sa hilagang bahagi ng France, ayon sa mga otoridad nitong Linggo.


Nangyari ang insidente noong Sabado, halos dalawang linggo matapos mabiyak ang isang bangka na may sakay na mga migrante sa English Channel habang sinusubukan nilang makarating sa Britain mula sa hilagang bahagi ng France, na nagresulta sa pagkamatay ng 13 katao, ayon sa mga opisyal.


Dinala ang mga nakaligtas sa trahedya noong Sabado, sa isang sports hall sa hilagang bayan ng Ambleteuse, ayon sa pahayag mula sa prefecture ng rehiyon ng Pas-de-Calais.


Nailigtas din noong Sabado, ng mga sasakyang pandagat ng French coast guard at navy ang 200 katao mula sa mapanganib na tubig sa Pas-de-Calais area, ayon sa ulat ng French maritime authorities na namamahala sa Channel at North Sea.


Bago ang naturang aksidente, hindi bababa sa 43 migrante ang namatay o nawala habang sinusubukang tumawid papuntang U.K. ngayong taon, ayon sa International Organization for Migration.

 
 

ni Eli San Miguel @Overseas News | September 15, 2024



SSS

Hindi bababa sa tatlong tao ang nasawi at 49 ang sugatan nang magsalpukan ang dalawang pampasaherong tren sa lungsod ng Zagazig, hilagang-silangan ng Cairo, ayon sa pahayag ng Ministry of Health ng Egypt nitong Sabado.


Dagdag pa ng ministry, nasa malubhang kondisyon ang lima sa mga nasugatan. Inihayag din na dinala na sa mga ospital ang mga sugatan at patuloy pa rin ang mga rescue operations.


Ayon sa pahayag ng railway authority, patungo ang isang tren sa Ismailia mula Zagazig, habang ang isa naman ay nagmumula sa lungsod ng Mansoura patungo sa Zagazig. Sa loob ng ilang taon, nagsusumikap ang Egypt na paunlarin ang kanilang tumatandang transportasyon, i-modernisa ang mga tren, at pagandahin ang mga railway lines.


 
 

ni Eli San Miguel @Overseas News | September 14, 2024



Sports News

Pinatay ng kanyang asawa ang isang dating finalist ng Miss Switzerland, at binuro ang mga labi niya sa blender, ayon sa mga ulat nitong Biyernes. Hindi tinukoy ng mga otoridad ang biktima sa kanilang ulat, ngunit siya ay pinangalanan ng The Telegraph batay sa mga medical reports.


Natagpuang patay ang 38-anyos na si Kristina Joksimovic sa kanyang bahay noong Pebrero sa Binningen, Switzerland, ayon sa New York Post. Sinabi ng mga opisyal ng Switzerland na ang asawa ni Kristina, na tinukoy lamang bilang “Thomas,” ay dinala na sa kustodiya.


Iniulat din na hiniling ng 41-anyos na si Thomas ang pagpapalaya sa kanya, ngunit tinanggihan ito noong Miyerkules ng federal court sa Lausanne matapos niyang aminin ang pagpatay at pagpuputol-putol sa bangkay ni Joksimovic. Inihayag naman ng Swiss outlet na BZ Basel na nadiskubre nila sa patuloy na imbestigasyon sa kaso ni Thomas na ito ay may "concrete indications of a mental illness."

 
 
RECOMMENDED
bottom of page