top of page
Search

ni Eli San Miguel @Overseas News | Sep. 29, 2024



News Photo

Naitala ang hindi bababa sa 66 na namatay sa Nepal mula noong maagang bahagi ng Biyernes dahil sa pagbaha at mga landslide mula sa tuloy-tuloy na pag-ulan.


Iniulat naman nitong Sabado na may karagdagang 69 na nawawala at 60 na nasugatan, ayon kay Dil Kumar Tamang, opisyal ng Ministry of Home Affairs.


Naganap ang karamihan ng pagkamatay sa Kathmandu valley, na tahanan ng 4 milyong tao, kung saan pinahinto ng pagbaha ang daloy ng trapiko. Daan-daang mga tao ang namamatay taun-taon sa panahon ng tag-ulan dahil sa mga landslide at biglang pagbaha.


Mula sa kalagitnaan ng Hunyo, hindi bababa sa 254 na tao ang namatay, kasama ang 65 na nawawala mula sa mga landslide, pagbaha, at mga pagtama ng kidlat.








 
 

ni Eli San Miguel @Overseas News | Sep. 28, 2024




Nakumpirma na hindi bababa sa 33 tao ang namatay, matapos ang mapaminsalang epekto ng Hurricane Helene na tumama sa Florida at sa ilan pang estado sa timog-silangan, ayon sa mga opisyal ng United States.


Mayroong pitong nasawi sa Florida, habang nakapagtala ang kalapit na Georgia ng 11, at 14 naman sa South Carolina, kasama na ang dalawang bumbero.


Sa North Carolina, nakapagtala rin ng isang pagkamatay, na nagbigay-diin sa malawakang epekto ng sakuna sa buong rehiyon.








 
 

Ni Eli San Miguel @Overseas | Sep. 25, 2024



Michelle Dee IG

Nilagdaan na ni King Maha Vajiralongkorn ng Thailand ang batas sa same-sex marriage, kaya naging unang bansa ang Thailand sa Timog-Silangang Asya na kumilala sa marriage equality.


Inaprubahan ng parlamento ang batas noong Hunyo at magkakabisa ito sa loob ng 120 araw, kung saan inaasahang magaganap ang mga unang kasal sa Enero.


Pangatlong lugar ang Thailand sa Asya, na nagpapahintulot ng same-sex marriage, kasunod ng Taiwan at Nepal. Ginagamit ng batas ang mga gender-neutral na termino at nagbibigay ng karapatan sa pag-aampon at mana para sa same-sex couples.


Ito ang pagtatapos ng mga taong kampanya para sa marriage equality sa Thailand, isang bansang kilala sa pagtanggap sa LGBTQ community, na may malakas na suporta mula sa publiko para sa marriage equality.



 
 
RECOMMENDED
bottom of page