top of page
Search

ni Eli San Miguel @Overseas News | Oct. 2, 2024



News Photo

Nagsagawa ng operasyon ang mga cadaver dogs at search crews sa mga debris sa kanluran ng North Carolina nitong Martes para sa mga biktima ng Hurricane Helene, na pumatay ng halos 160 tao.


Gumamit ng helicopters upang makadaan sa mga nasirang tulay, at naglakad ang mga searcher sa kagubatan upang maabot ang mga nakahiwalay na bahay. Itinuturing ang bagyo bilang isa sa mga pinaka-nakamamatay sa kasaysayan ng U.S., na nag-iwan ng mga bayan na walang kuryente at cellular service.


Matindi naman ang pinsala sa Blue Ridge Mountains, kung saan hindi bababa sa 57 ang namatay malapit sa Asheville, North Carolina. Inaasahang susuriin ni Pangulong Joe Biden ang pinsala sa North at South Carolina, na may tinatayang gastusin na aabot sa bilyon.


 
 

ni Eli San Miguel @Overseas News | Oct. 1, 2024



News Photo

Nakontrol na ng mga rebelde sa silangang bahagi ng Democratic Republic of Congo, ang Rubaya coltan-mining region, na nagpatupad ng production tax na tinatayang makakalikom ng humigit-kumulang $300,000 kada buwan, ayon sa ulat na natanggap ng United Nations Security Council nitong Lunes.


Sinakop ng M23 movement, isang organisasyong pinangungunahan ng mga Tutsi na sinasabing suportado ng Rwanda, ang lugar matapos ang matinding labanan noong Abril.


Ipinaalam ng lider ng UN mission sa Congo na si Bintou Keita, sa Security Council na ang kalakalan mula sa mga mineral sa Rubaya ay bumubuo ng mahigit 15% ng pandaigdigang supply ng tantalum.


Nangunguna ang Congo bilang tagagawa ng tantalum sa buong mundo, na itinuturing na kritikal na mineral ng United States at European Union.





 
 

ni Eli San Miguel @World News | Sep. 30, 2024



News Photo

Inihayag ng Popular Front for the Liberation of Palestine (PFLP) nitong Lunes na tatlo sa kanilang mga lider ang napatay sa isang pag-atake ng Israel sa Beirut. Iniulat ng mga saksi mula sa Reuters na tumama ang pag-atake sa itaas na palapag ng isang apartment building sa Kola district ng kabisera ng Lebanon.


Walang agarang komento mula sa militar ng Israel. Patuloy na nagdudulot ng takot ang pagtaas ng mga pag-atake ng Israel laban sa Hezbollah sa Lebanon at sa Houthi militia sa Yemen, na nagbibigay rin ng posibilidad na maisangkot ang Iran at ang United States.


Itinutulak naman ng United States ang isang diplomatikong resolusyon sa Lebanon habang pinahintulutan ang mga military reinforcement sa rehiyon.


“It has to be,” ani US President Joe Biden, nang tanungin tungkol sa pagpigil at pag-iwas sa buong pwersang digmaan sa Middle East. Binanggit niya rin ang mga plano na makipag-usap kay Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu.








 
 
RECOMMENDED
bottom of page