top of page
Search

ni Eli San Miguel @Overseas News | Oct. 5, 2024



News Photo

Tinamaan ng cholera outbreak ang hilagang-silangang estado ng Borno sa Nigeria, na apektado na ng pagbaha na nagpalikas ng halos 2 milyong tao, ayon sa isang opisyal nitong Biyernes.


Karaniwan ang paglaganap ng cholera sa Borno, ang sentro ng 15-taong Islamist insurgency. Iniulat ni Borno Health Commissioner Baba Mallam Gana ang 17 kaso ngunit wala pang naitatalang namatay.


"However, we are recording an increasing number of Acute Watery Diarrhea (AWD)/suspected Cholera which is not unconnected with the flood devastation," ani Gana. Halos 500 kaso naman ng Acute Watery Diarrhea (AWD) ang naitala, ayon kay Gana, at limang lokal na pamahalaan ang pinakaapektado.


Nagsimula ang pagbaha sa Borno nang umapaw ang isang dam matapos ang malakas na pag-ulan, na nagpalikas ng milyon-milyong tao mula sa kanilang mga tahanan at sumira sa mga pasilidad pangkalusugan at iba pang imprastruktura.


 
 

ni Eli San Miguel @World News | Oct. 4, 2024



News Photo

Nagbanta ang lider ng North Korea na si Kim Jong Un na gagamit ng mga nuclear weapons at permanenteng wawasakin ang South Korea kung kakantiin sila, ayon sa ulat ng state media ngayong Biyernes.


Ito'y kasunod ng babala ng lider ng South Korea na babagsak ang rehimen ni Kim kung susubukan nitong gumamit ng mga nuclear weapons. Bagama’t karaniwan ang ganitong mga pahayag sa pagitan ng magkaribal na Korea, dumating ang mga komentong ito sa gitna ng tumitinding tensyon dahil sa kamakailang pag-amin ng North Korea sa kanilang nuclear facility at mga missile tests.


Sa pagbisita sa isang special forces unit, sinabi ni Kim na walang pag-aalinlangang gagamit ang kanyang militar ng lahat ng puwersang pandigma, kabilang ang mga nuclear weapons, kung sasalakay ang South Korea sa soberanya ng North Korea. Idinagdag pa niya, “The permanent existence of Seoul and the Republic of Korea would be impossible.”


Nagsilbing tugon ang mga pahayag ni Kim, sa talumpati ni Pangulong Yoon Suk Yeol ng South Korea sa Armed Forces Day, kung saan inihayag niya ang pinakamakapangyarihang ballistic missile ng South Korea at nagbabala na ang anumang paggamit ng mga nuclear weapons ng North Korea ay magdudulot sa pagbagsak ng gobyerno ni Kim, dahil sa matatag at napakalakas na alyansa ng South Korea at United States.


 
 

ni Eli San Miguel @Overseas News | Oct. 3, 2024



News Photo

Inihayag ng Dominican Republic nitong Miyerkules na magsisimula itong mag-deport ng hanggang 10,000 Haitian kada linggo dahil sa sobrang bilang ng mga ilegal na imigrante.


Sinabi ni government spokesman Homero Figueroa na ito'y kasunod ng pagtaas ng bilang ng mga Haitian na imigrante habang nahihirapan ang U.N.-backed mission na labanan ang karahasan ng mga gang sa Haiti.


Noong nakaraang taon, nag-deport ang Dominican Republic ng higit sa 174,000 tao na itinuturing na Haitian, at hindi bababa sa 67,000 pang na-expel sa unang kalahati ng taong ito. Pinuna ng mga aktibista ang administrasyon ni President Luis Abinader dahil sa mga sinasabing paglabag sa karapatang pantao laban sa mga Haitian, na itinanggi naman ni Abinader.


Inilabas ang anunsiyo matapos ang babala ni Abinader sa U.N. General Assembly tungkol sa pagsasagawa ng “drastic measures” kung mabibigo ang misyon sa Haiti. Kasalukuyang kontrolado ng mga gang ang 80% ng Port-au-Prince, na nag-iwan ng halos 700,000 Haitian na walang tirahan.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page