top of page
Search

ni Eli San Miguel - Trainee @News | March 4, 2024




Nagprotesta ang libu-libong mga doktor sa kahabaan ng kalsada sa Seoul, South Korea noong Linggo laban sa plano ng gobyerno na dagdagan ang medical school admissions.


Kabilang sa kanilang mga ipinaglalaban ang pagkakaroon ng sapat na mga manggagawa sa mga ispesipikong medical fields, ang halaga ng mga medical treatments na pinopondohan ng gobyerno, at pagtatatag ng mga magandang pasilidad para sa pagtuturo ng maraming bagong mag-aaral sa medisina.


Inanunsiyo ng gobyerno noong Pebrero ang plano na pataasin sa 2,000 ang bilang ng student admission para sa mga medical schools, na magsisimula sa academic year na 2025 at magdadala ng kabuuang bilang sa 5,000 kada taon.


Nasa 8,000 trainee doctors sa South Korea ang nagsimulang mag-aklas noong Pebrero 21 sa pamamagitan ng pagpapasa ng kanilang resignation. Pagkatapos nito, mayroon pang karagdagang 1,000 na nag-resign.


Upang mapanatili ang pagpapatuloy ng mga serbisyong pangkalusugan sa panahon ng welga, hiniling ng gobyerno ang tulong ng mga military doctors. Pinapayagan din ang mga nars na gawin ang ilang medical procedures na karaniwang ginagawa ng mga doktor, na may legal na proteksyon.


 
 

ni Eli San Miguel - Trainee @News | March 3, 2024




Nakatakas ang daan-daang preso mula sa National Penitentiary ng Haiti sa Port-au-Prince noong Sabado, ayon sa isang law enforcer.


Sa isang post sa X, isa sa mga Police Union ng Haiti ang nanawagan sa lahat ng pulis sa kabisera na tumulong sa mga pulis na lumalaban upang mapanatili ang kontrol sa bilangguan. Nagbabala siya sa posibleng resulta kapag nagtagumpay ang mga preso.


“We are done. No one will be spared in the capital because there will be 3,000 extra bandits now effective,” saad niya sa post.


Iniulat ng maraming security personnels sa Port-au-Prince na hindi naranasan noong nakaraang taon ang pagtaas ng karahasan, na nagsimula noong nakaraang Huwebes, na umatake sa mga police stations, international airports, at National Penitentiary.


 
 

ni Angela Fernando - Trainee @News | March 3, 2024




Lumubog na sa timog bahagi ng Red Sea ang Rubymar cargo ship na inatake nu'ng Pebrero ng mga rebeldeng Houthi.


Kung makukumpirma, ito ang unang sasakyang pandagat na nawala simula ng umpisang targetin ng mga Houthi ang mga dumadaan sa Red Sea.


Nagpahayag ang pamahalaan ng Yemen na lumubog ang barko nu'ng Biyernes ng gabi at agad na nagbabala ng posibleng kalamidad.


Matatandaang naglalaman ang nasabing barko ng higit sa 41,000 toneladang pataba nang ito'y inatake, ayon sa naunang pahayag ng United States military's Central Command.



 
 
RECOMMENDED
bottom of page