top of page
Search

ni Jasmin Joy Evangelista | April 2, 2022


ree

Nag-resign ang aktor na si Will Smith sa Academy of Motion Picture Arts and Sciences, na siyang nag-oorganisa ng Oscars, matapos niyang sampalin si Chris Rock sa ginanap na weekend ceremony.


"I am resigning from membership in the Academy of Motion Picture Arts and Sciences, and will accept any further consequences the Board deems appropriate," pahayag ng aktor.


“My actions at the 94th Academy Awards presentation were shocking, painful, and inexcusable.


"The list of those I have hurt is long and includes Chris, his family, many of my dear friends and loved ones, all those in attendance, and global audiences at home.”


Matatandaang inakyat ni Smith si Rock sa entablado saka sinampal matapos nitong magbiro tungkol sa pagiging kalbo ng kanyang asawa.


Si Jada Pinkett Smith ay mayroong alopecia, isang kondisyon na nagdudulot ng pagkalagas ng buhok.


“I betrayed the trust of the Academy. I deprived other nominees and winners of their opportunity to celebrate and be celebrated for their extraordinary work. I am heartbroken.


"I want to put the focus back on those who deserve attention for their achievements and allow the Academy to get back to the incredible work it does to support creativity and artistry in film."

 
 

ni Jasmin Joy Evangelista | March 29, 2022


ree

Naglabas ng public apology si Will Smith matapos ang pananampal nito kay Chris Rock sa ginanap na Oscars Academy Award.


"Violence in all of its forms is poisonous and destructive," aniya sa kanyang pahayag sa kanyang Facebook post. "My behavior at last night"s Academy Awards was unacceptable and inexcusable."


"Jokes at my expense are a part of the job, but a joke about Jada"s medical condition was too much for me to bear and I reacted emotionally," dagdag niya.


Humingi ng paumanhin si Will kay Chris matapos niya itong sampalin sa stage hinggil sa joke nito tungkol shaved head appearance ng kanyang asawang si Jada Smith sa 94th Academy Awards.


Noong 2018, inilantad ni Jada ang mga nakakalbong bahagi ng kanyang ulo matapos ipaalam ang kanyang dinaranas na Alopecia.


"I would like to publicly apologize to you, Chris. I was out of line and I was wrong," pahayag pa ni Will.


Inamin ni Will na siya ay "embarrassed and my actions were not indicative of the man I want to be."


"There is no place for violence in a world of love and kindness," patuloy niya.


Bukod kay Chris, humingi rin ng paumanhin si Will sa "the Academy, the producers of the show, all the attendees and everyone watching around the world."


"I would like to apologize to the Williams Family and my King Richard Family," dagdag pa niya.


Pinagsisisihan din umano niya na "that my behavior has stained what has been an otherwise gorgeous journey for all of us."


"I am a work in progress.”


Kasunod ng insidente ng pananampal, tinanggap ni Will ang kanyang unang Oscar trophy kung saan humingi rin siya ng paumanhin sa Academy sa kanyang tearful speech.


Naglabas din ng pahayag ang Academy hinggil sa insidente kung saan inihayag nito na they do not "condone violence of any form."

 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | November 1, 2020


ree


Pumanaw na ang Scottish actor na kilala sa pagganap sa James Bond movie na si Sean Connery sa edad na 90.


Ayon sa ulat, namatay si Sean habang natutulog sa Bahamas. Bukod sa pagganap ni Connery bilang James Bond noong 1962-1971, kabilang din siya sa The Hunt for Red October, Indiana Jones, The League of Extraordinary Gentlemen, Last Crusade at The Rock.


Taong 1988 nang makatanggap si Connery ng Oscar’s Award dahil sa pagganap niya bilang Irish policeman sa The Untouchables.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page