top of page
Search

ni Jasmin Joy Evangelista | September 26, 2021


ree

Lumubog ang isang bangka na may sakay na mga hayop sa karagatang sakop ng Occidental Mindoro.


Ayon kay PO2 Jeffrey Pagayonan, Philippine Coast Guard assistant station commander sa bayan ng Sablayan, sakay umano ng MB Ken Stephany ang pitong kalabaw at apat na baka.


Galing daw sa Coron, Palawan ang bangka at patungo sana sa bayan ng San Jose, Occidental Mindoro, pero pagdating sa bayan ng Narra, Palawan ay nabutas ang unahang bahagi ng bangka dahil sa malalakas na hampas ng alon kaya unti-unting lumubog.


May maliit na bangkang napadaan at nakapagsakay ng isang crew na nakahingi ng tulong sa bayan ng Calintaan, Occidental Mindoro.


Nasagip naman ng isa pang bangka ang lima pang crew na ngayon ay nasa quarantine facility na sa bayan ng Rizal, Occidental Mindoro.


Nitong madaling araw ng Sabado, nahatak na ng PCG ang bangka patungo sa Sablayan pero hindi na nailigtas ang mga kalabaw at baka.

 
 

ni Jeff Tumbado | August 23, 2021


ree

Opisyal nang nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Republic Act (RA) 11857 o ang batas para sa "upgrading" o pagpapaganda at pagpapabuti sa Occidental Mindoro State College na ngayon ay tinatawag nang Occidental Mindoro State University.


Ang pagsasabatas sa nabanggit na unibersidad ay hudyat sa mas de-kalidad o ang "superior college education" na hindi kinakailangan pang lumayo sa Metro Manila.


Ang RA 11857 ay batay sa ipinanukala noon ni Occidental Mindoro Representative Josephine Ramirez-Sato. Isinulong ni Sato ang panukala bilang isa sa kanyang mga adbokasiya na mabigyan ng daan sa de-kalidad na edukasyon ang mga kabataan sa kaisa-isang distrito sa lugar.


Nabatid na mayorya sa mga kabataan ng Occidental Mindoro ay nais iwan ang kanilang probinsiya para maipagpatuloy ang kanilang pag-aaral sa maayos na mga unibersidad.


“Having a state university in the province would be favorable to our students. They do not need to move to the capital region to earn their college degree; they can enroll here and get the same quality of education that higher learning institutions provide in Metro Manila,” pahayag ni Sato.


Isa sa malaking maitutulong ng bagong tatag na OccMindoro State University ay makakatipid nang husto sa panggastos ang pamilya ng isang mag-aaral sa pananatili nila sa isla at magpapatuloy ng kanilang pag-aaral sa kolehiyo sa sarili nilang lugar. "Their families can use the money to add to their savings or spend it for other essential needs,” dagdag pa ni Sato.


Nagpasalamat naman nang husto ang mga kabataan ng Occidental Mindoro na nalagdaan na ni Pangulong Duterte ang naturang batas. “I would also like to thank President Duterte and his administration for their unwavering support and positive reception of my legislative proposals. The future is now brighter for my constituents,” dagdag pa ni Sato.

 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | May 29, 2021


ree

Tatlong pulis ang patay at 10 pa ang sugatan sa naganap na pag-ambush ng mga hinihinalang miyembro ng New People’s Army (NPA) sa Magsaysay, Occidental Mindoro noong Biyernes nang umaga.


Ang mga naturang pulis ay miyembro umano ng Philippine National Police’s First Occidental Mindoro Provincial Mobile Force Company na nagtungo sa San Nicolas para sa outreach program na “Serbisyo Caravan” na inorganisa ng Provincial Task Force-Ending Local Communist Armed Conflict.


Base sa ulat ng awtoridad, alas-10:30 nang umaga naganap ang engkuwentro nang paulanan ng bala ng baril ang mga pulis na sakay ng open vehicle na nakaparada malapit sa highway.

Ayon kay Provincial Police Chief Col. Hordan Pacatiw, ang mga nasawing pulis ay sina Police Executive Master Sgt. Jonathan Alvarez at Police Cpl. Stan Gonggora. Ngayong Sabado naman binawian ng buhay si Police Staff Sergeant Nolito Develos Jr..


Dagdag pa ni Pacatiw, ang tinambangang sasakyan ng mga pulis ay bahagi ng security convoy ni Gov. Eduardo Gadiano. Naganap ang pananambang ng armadong grupo nang pauwi na umano sina Gadiano matapos ang “Serbisyo Caravan”.


Samantala, nagsasagawa na ng operasyon ang awtoridad upang matugis ang mga salarin sa insidente.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page