top of page
Search

ni Jasmin Joy Evangelista | October 29, 2021


ree

Pinayagan na ng provincial government ng Occidental Mindoro ang mga fully vaccinated na makapasok at makalabas sa kanilang lalawigan.


Hindi na hihingian ng negatibong RT-PCR test ang mga biyaherong nais bumisita rito simula noong Oktubre 22.


Bukod naman sa vaccination card, kailangan pa ring magpakita ng valid ID at S-pass.

Para naman sa mga hindi bakunado, valid ID at S-pass din ang kailangan kasama ang negatibong RT-PCR test.


Antigen test naman ang requirement para sa mga taong first dose pa lang ang natatanggap na bakuna.


Para sa mga authorized persons outside residence (APOR), kailangan mayroong travel itinerary at travel order.

Hindi naman na kailangan ng RT-PCR test kahit hindi bakunado ang mga empleyado ng national government agencies at attached agencies, LGU officials at employees, returning patients at 2 maximum na watchers.

 
 

ni Lolet Abania | October 3, 2021


ree

Niyanig ng magnitude 5.6 na lindol ang Occidental Mindoro ngayong Linggo nang madaling-araw, ayon sa Phivolcs.


Sa tala ng Phivolcs, alas-5:59 ng madaling-araw nai-record ang pagyanig na nasa layong 10 kilometers northwest ng bayan ng Sablayan.


Ang lindol ay tectonic in origin na may lalim na 10 kilometers.


Naitala naman ang instrumental intensities ng lindol na Intensity III sa San Jose, Occidental Mindoro, Intensity II sa Batangas City, Intensity I sa Mulanay at Mauban, Quezon; Tagaytay City.


Inaasahan naman ng Phivolcs, ang mga aftershocks matapos ang lindol.


Ayon sa disaster response officer na si Arcris Canillo, sa Barangay San Agustin sa Sablayan, ang pader ng isang bahay ay gumuho dahil sa lindol.


Nai-record naman ang sumunod na lindol ng magnitude 4.6 ng alas-7:33 ng umaga ngayon ding Linggo, na nasa layong 7 kilometer southeast sa bayan pa rin ng Sablayan.


Nasa lalim na 13 kilometer at ito ay tectonic in origin. Ayon sa Phivolcs, naramdaman ang “moderately strong” tremor o Intensity IV sa Sablayan, Occidental Mindoro.

 
 

ni Jasmin Joy Evangelista | September 27, 2021


ree

Niyanig ng 5.7 magnitude na lindol ang Looc, Occidental Mindoro ganap na ika- 1:12 nang madaling araw ngayong Lunes.


Nagdulot ito ng 112 after shocks as of 5 a.m., kung saan ang pinakamalakas na naramdaman ay magnitude 4.5, ayon kay Phivolcs chief Renato Solidum.


“Dahil ito ay malalim, itong mga aftershock 'di nagdulot ng pagkaramdam, isa lang na mahina at di naman ito mapanira," ani Solidum sa isang panayam.


Ayon sa Phivolcs, ang mga naitalang intensities ay ang mga sumusunod:


Intensity IV:

* Calatagan, Lian, Lipa City, Malvar and Nasugbu, Batangas;

* Malolos City and Obando, Bulacan;

* Cavite City, General Trias, Naic, Amadeo, Bacoor, Dasmarinas, Tagaytay City and Tanza, Cavite;

* Biñan, Cabuyao, Laguna;

* Las Pinas City; Malabon City; Mandaluyong City; City of Manila; Marikina City; Muntinlupa City; Paranaque City; San Juan City; Taguig City; Pateros, Metro Manila;

* Abra De Ilog, Looc, Lubang and Mamburao, Occidental Mindoro;

* Baco, Naujan and Puerto Galera, Oriental Mindoro;

* San Mateo and Taytay, Rizal

Intensity III:

* Santo Tomas, Batangas;

* Makati City, Pasay City, Pasig City, Quezon City;

* Valenzuela City;

* Santa Cruz, Occidental Mindoro;

* Antipolo City;

* Socorro, Oriental Mindoro

Intensity II - Los Banos, Laguna; Palayan City, Nueva Ecija


Intensity I - Arayat, Pampanga

 
 
RECOMMENDED
bottom of page