top of page
Search

ni Nympha Miano-Ang - @Life and Style | June 06, 2021




Mga extortionists umano ang nanunog ng isang pampasaherong bus sa Cotabato kamakailan kung saan 3 pasahero ang nasawi at lima ang sugatan dahil sa naganap na pagpapasabog at pagsunog sa sasakyan na lulan ng ilang pasahero.


Panahon ngayon ng pagluwag ng gobyerno sa pagdayo ng mga turista sa iba't ibang lugar sa bansa kaya lagi tayong maging alisto sa pagbiyahe.


Nadadamay ang mga inosente, napakahalaga na maging alerto tayo at mapagmasid sa ganyang mga pag-atake.


Heto ang tips at mga dapat gawin kahit na sa maliit na paraan lang ay mapatatag natin ang ating seguridad sa mga ganitong mga insidente ng biglaang pag-atake ng mga ito.


1. ANG PAGPAPLANO NG BIYAHE. Ang maingat na planong pagbiyahe ay isa sa pinakamahalagang hakbangin na maaaring sundin para mas maging ligtas ang sarili at ang buong pamilya. Kung plano ng isang foreigner na magtungo sa lugar na alam mong peligroso para sa kanila ay sabihan na ang mga iyan. Tsekin muna nila kamo ang mga lugar na plano nilang bisitahin at pamalagian. Halimbawa, kumusta ba ang peace and order security sa lugar lalo na kung may history na ng mga nakaraang pag-atake ng terorista roon? Isulat din ang mga ginagawang pag-iingat ng mga naninirahan doon para maiwasan ang anumang katulad na insidente.


2. ANG PAGPILI NG HOTEL. Oras na husto na ang iyong pagsasaliksik hinggil sa lokasyon ng iyong pagbisita, tsekin ding mabuti ang hotel sa lugar. Mas mainam na pumili ng hotel na mas malapit sa istasyon ng pulisya o iba pang secured areas. Mainam na ideya na tanungin ang hinggil sa seguridad ng hotel management bago manuluyan dito.

Tiyakin na mayroon silang metal detectors, mahigpit na seguridad at mapagmasid sa lahat ng lugar. Matapos ang pag-atake sa isang bus sa Cotabato, ito na marahil ang mainam na senyales na dapat pag-ingatang mabuti ng ating mga kababayan ang mga dayuhan.

3. SABIHAN ANG MGA KAIBIGAN AT PAMILYA. Mainam na pagsabihan na agad ang mga kaibigan, kaanak o kapamilya hinggil sa planong pagbibiyahe at ibigay sa kanila ang contact information mo habang nasa malayo ka. Ang emergency contact information ay napakahalaga kung bibiyahe sa Mindanao, sakali man.


4. MAGING VIGILANTE SA PALIPARAN. Mula sa umpisa ng pagbiyahe sa eroplano hanggang pagdating sa destinasyon, laging manatiling alerto. Napakaraming mga kaso kung saan ang mga terorista ay pakay ang mga inosenteng pasahero sa pamamagitan ng pagtatanim ng mga sandata sa kanilang mga bagahe at saka ito kinukuha pagdating sa kanilang destinasyon. Kaya hindi dapat mawala sa paningin mo ang iyong bag kahit na tatlong segundo lamang.


5. LUMAYO SA MGA HINDI KAKILALA. Hindi mo alam kung anong uri ng pagkatao ang mga taong iyong nakikita o nakakasalamuha habang nasa biyahe. Lumayo sa mga hindi kilala. Napakadali na mabingwit sa mga kuwentuhan at mga nakahihimok na salita kapag nakipag-usap ka sa mga iyan.


6. ANG KAGAMITANG PANG-KOMUNIKASYON. Tandaan na i-active ang roaming services ng iyong cellphone kung nasa liblib na lugar sa Mindanao o saan mang lugar na medyo peligroso. Ang mga communication devices ay napakahalaga sa anumang kalamidad at makatutulong para makapagligtas ng buhay. Sa ganyang mga pag-atake, ang daming nai-stranded sa hotels kaya madali nang matatawagan ang pulisya at masabi kung saan kayo nakahimpil sa ngayon.


Mahalaga rin ang magkaroon ng internet capable device, makatutulong ito.


7. MAGING ALERTO SA PAMPUBLIKONG LUGAR. Obserbahan ang lahat ng tao. Ayos lang na magsuspetsa ng konti sa anumang sitwasyon. Kung may nakikita kang kakaibang aktibidad, agad mag-report sa pulisya. Ang ilang tao ay ay nakalilimutan ang kanilang bags at iba pang dalahin sa mga restaurant o banyo. Agad na timbrehan ang pulisya. KUNG NAIISIP MO NA MAY KAKAIBA SA ISANG NAKABALOT NA BAGAY, MAAARING TOTOO ANG IYONG HINALA.


8. PAMPUBLIKONG TRANSPORTASYON. Iwasan ang pampublikong mga sasakyan. Umupa ng sasakyan. Higit kasing umaatake ang mga terorista sa mga pampublikong sasakyan o pamilihan na mataong lugar.


9. SUNDIN ANG IYONG PLANO. Ang panghuli, sundin ang iyong mga plano. Kung plano na magtungo sa isang lugar, doon ka lamang at huwag ka nang gagawi sa iba pang lugar. Ito ay napakahalaga dahil kung magpapalit ka pa ng plano baka maligaw ka pa at may posibilidad na mapunta ka sa lugar hindi mo kabisado ang seguridad.


10. MAGING ALERTO, ALISTO AT MATALINO. Sa lahat ng mga payong ito, mayroon pa ring posibilidad na baka matakot ka nang magbiyahe. Gayunman, ang mundo ay karapatan nating ikutin at bisitahin para mag-sight seeing, para sa larangan ng business, kailangang puntahan para sa trabaho o papasyalan.


Ang mga hakbangin na nabanggit ang makatutulong sa iyo para makapaghanda sa banta ng anupamang masamang bagay. Ito’y para mas madama mo ang kumpiyansa sa kaligtasan saan ka man magtungo. Labanan natin ang terorismo, at ang tanging paraan na magagawa iyan ay iyong hindi natin sila katakutan, kundi kapag tayo’y nagkaisa, mas malakas tayo sa kanila!

 
 

ni Nympha Miano-Ang - @Life and Style | May 30, 2021




Nakaka-stress ang maharap sa anumang sistema ng ‘criminal justice’ at hindi mo inaasahan ito dahil kahit kailan ay hindi ka pa dumaranas na arestuhin ng pulisya. Iyong bigla kang iimbitahin dahil sa imbestigasyon ay nakanenerbiyos dahil kailangan mong ipaliwanag at sagutin ang lahat hanggang sa makumpleto na nila ang imbestigasyon. Pero ang malaman mo ang iyong legal na karapatan ay krusyal sa pagprotekta ng iyong interes sa sitwasyong ito maging ang pagpili ng matalinong laban kontra sa anumang bintang sa’yo. Ang mga sumusunod na kalidad na sasamahan ng legal na tulong ang pinakamabisang depensa.


1. Sa ilalim ng imbestigasyon.

Ang imbestigasyon ng pulisya ay nagsisimula sa pag-file ng verbal o written complaint, kasunod ng pagpapadala ng imbestigador sa pinangyarihan ng krimen. Kakapanayamin ng pulis ang mga saksi at titipunin ang lahat ng physical evidence, kung mayroon, isusulat nila ito. Ang nakalahad sa report ang magiging opisyal na kuwento ng nagrereklamo. Kung maari, kumuha ng kopya ng report na ito.


2. Pagrebyu ng Taga-usig o Prosecutor.

Ang isang nailahad na report ay ipadadala sa tagausig, na siyang magpapasya kung palalawigin pa ang imbestigasyon o kung sapat na ang ebidensiya base sa naging dahilan at pinangyarihan ng krimen at ang taong inaakusahan sa report at gumawa ng krimen.


3. Pag-aresto at pagdinig.

Kapag naisyu na ang mandamyento de aresto o warrant of arrest, idedetine ng pulisya ang suspek hanggang sa makapagpiyansa ito. Iaatas ng korte na manatili sa piitan ang suspek nang walang piyansa. Dadalhin ang suspek sa pagdinig, magtatawag ng arraignment, kung saan ang akusasyon sa kanya ay babasahin. Kung ikaw ay inaresto at pinakawalan na walang akusasyon na naisampa laban sa iyo, hindi ito ibig sabihin na malaya ka na. Magpapatuloy ang pulisya na mag-imbestiga at maaari kang arestuhin sakaling naniniwala sila na may malakas silang ebidensiya laban sa iyo.


Kung walang pag-aresto na magaganap, hindi dapat na payagan ng suspek na makapasok sa bahay niya ang pulis o ang sundan siya kahit saan. Gayunman, kung sa trabaho o sa iba pang public place ka darakpin, dapat niyang kausapin ang awtoridad.


4.Protektahan ang iyong karapatan.

Ang peryodo sa pagitan ng pag-aresto at pagsampa ng pormal na reklamo ang pinakamalaking sandali ng panganib dahil marami ang hindi alam ang kanilang legal na karapatan. Ang isang taong inaresto ay dapat kumumpirma kaagad ng kanyang pagkakakilanlan, pero hindi na kailangang sagutin pa ang maraming tanong o ang pagtanggi na payagang magggalugad sa loob ng kanyang tahanan o mga pag-aari maliban kung may search warrant ang pulisya.

Upang hindi ka panghinaan ng iyong depensa, huwag kang magboluntaryong lumagda kundi bagkus ay humingi ka ng abogado.


5.Kumuha ng abogado.

Hindi naman siguro lingid sa kaalaman ng mga manonood ang pamilyar na winiwika sa Miranda rights na manatiling tahimik at magkaroon ng abogado tuwing tinatanong. Gayunman, kung hindi plano ng pulisya na kuwestiyunin ka, hindi ka na sasabihan ng babala na ito. Kumuha ng abogado o public defender para matulungan ka na maipagtanggol ang sarili. Kapag hindi mo nagawa ito ay seryoso itong makasasakit sa legal na interes ng tao bago pa na ang kanyang kaso ay ma-eksamin ng kanyang abogado.

 
 

ni Nympha Miano-Ang - @Life and Style | May 28, 2021




Ang magkaroon ng pagbabago sa positibong lifestyle ang magpapaibayo ng hitsura at nadarama sa araw-araw, dagdag pa na mas gaganda ang kalusugan at maiiwasan na maging sakitin. Ang mamantina ang malusog na timbang ng katawan, pagpili ng masustansiyang pagkain at magkaroon ng tamang pahinga ay may malaking kontribusyon sa mas may kalidad na buhay, hahaba pa ang buhay at higit sa lahat maiiwasan na makapitan ng COVID-19.


1.UMINOM NG MULTIVITAMIN SUPPLEMENT. Kung nahihirapang ma-adjust para sa sapat na masustansiyang pagkain, tiyak na makatutulong ang dietary supplement. Ang mga dietary supplements ay tulad ng multivitamins lalo na kung ang kinakain ay wala pang 1,600 na kalorya sa isang araw. Kung ikaw ay vegan pero hirap sa anumang medical na kondisyon ay hirap ding sumagap ng tamang nutrisyon. Basahin munang mabuti ang label at pumili ng multivitamin na maraming nutrients at 100% na magdudulot ng araw-araw na pangangailangan. Iwasan ang supplements na may megadoses ng anumang nutrient. Ipasuri rin sa doktor kung anong multivitamin ang nararapat. Pero sa panahon ng pandemya, pinakamainam ang vit. C with zinc at vitamin D kung kulang sa pagpapaaraw at pagpapapawis.


2. Dagdagan ang araw-araw na pagkilos ng katawan. Ang sakit sa puso ay isa sa numero unong killer ng mga babae at lalaki, ayon iyan sa Physical Fitness and Health ng U.S. Ang mga taong hindi kumikilos, tatamad-tamad at walang pisikal na aktibidad araw-araw ay dobleng nagkakaroon ng pagbabara sa mga ugat kumpara sa mga aktibong tao. Kapag madalas pagpawisan at ma-burn ang mga taba sa katawan ay nadaragdagan ang calories ay nakokontrol nito ang pagbigat ng timbang at naiiwasan din ang pagtaas ng asukal sa katawan. Unti-unting nang dagdagan ang pisikal na aktibidad sa araw-araw na iskedyul. Halimbawa, imbes na sumakay sa elevator o escalator ay umakyat na lang ng hagdanan o kaya ay medyo sa malayong lugar igarahe ang sasakyan para makapaglakad nang mabilis araw-araw. Kapag maghapong nasa harap ng computer ay tumayo at maglakad-lakad nang mabilis sa gusali, paakyat-pababa nang mabilis at paglakad din ng napakabilis tuwing 10 minuto ng bawat oras sa opisina o nasa condo ka man. Sa bahay, maglinis ng mga kalat at magwalis sa bakuran at gumawa ng mga aktibidad na ikaw ay pagpapawisan.


3. Dagdagan ang pagkain ng mga sariwang prutas, gulay at cereals. Ang tipo na ito ng pagkain ay may hatid na bitamina at mineral. Ang ilang sariwang prutas at gulay, tulad ng mansanas o kahel ay mayaman sa fiber. Ang tamang dietary fiber ay mahalaga para mabawasan ang kolesterol sa katawan. Ang mga prutas, gulay, bungang kamote etc. ay mainam na carbohydrates na pinagkukunan ng lakas. Tandaan na kapag ganito kainit ang panahon dapat sapat ang potassium natin sa katawan dahil sa nakapanghihina rin ang dulot ng init kung tayo ay kumikilos.


4. Magsagawa ng katamtamang aerobic exercise ng madalas sa isang linggo. Kailangan natin ng 30 minuto ng cardio exercise. Ang halimbawa ng mabagal hanggang sa bahagyang aerobic exercise ay ang brisk walking, stationary cycling, water aerobics at low-impact aerobic classes. Ito ang nagpapatibay sa puso, nagbe-burn ng calories, gumaganda ang mood at maganda ang presyon ng dugo at blood sugar levels.


5. Bawasan ang pagkain ng matatabang karne. Ang mga saturated fats ay buhat sa baboy at iba pang kauring hayop at hindi ito makabubuti sa puso. Ang pagbabawas sa pagkain ng karne ay tulad ng hindi pagkain ng tabang bahagi at pagtanggal sa balat ng manok.

6. Uminom ng tamang tubig araw-araw. Ang tubig ay nakatutulong para malinis ang urinary tract at naalis ang toxins sa katawan.


7. Magtanong sa doctor tungkol sa cardiovascular stress test. Ang stress test ay para maiwasan ang anumang atake sa puso.


8. Kung may alinlangan ka kung paano magbago ng lifestyle ay magtanong sa health care experts kahit sa online lamang.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page