top of page
Search

ni Nympha Miano-Ang- @Life and Style | July 14, 2021





Kung minsan ang pamimigat ng kalooban ay bunga na rin ng iba’t ibang mga kadahilanan, pero sabi nila ang pinakamatinding dahilan daw dito ay iyong mainsulto ka dahil sa panunudyo o panunukso. Maging ito man ay mula sa isang itinuturing mo pa namang mabuting kaibigan o sa mga barkada, kung minsan ang panunukso nila ay nakakalikha ng insekyuridad at nakakababa ng pagkatao kung kaya naman matagal bago ito mawala sa kalooban.


Habang hindi mo makontrol ang pagtatawa ng iba, o sinasabi ng iba magagawa mo namang makontrol ang sarili kung magbabago ka para hindi ka tuluyang mapikon sa kanila.


1. Kunwari ay wala kang naririnig. Dedmahin na lang ang pagtatawa ng iba para makayanan ang sitwasyon. Sila kasi ang mga taong gustong makakuha ng iyong reaksiyon sa unang hataw pa lang ng pang-iinsulto. Dahil kapag nanatili kang ‘di kumikibo at tahimik lang, siguro ay susuko na iyan at hindi na mauulit pang mang-insulto o manudyo.


2. Magpakitang tatag o tapang. Kahit na hindi ka masyadong kumpiyansa sa sarili, magpakatatag at kunwari mas matapang ka sa nararamdaman mo sa ngayon. Kapag sumagot ka nang matatag at mangatwiran sa mga taong nagtatawa sa iyo ay magpapakita sa kanya na mas matapang ka kaysa sa iniisip niya.


3. Itago mo na lang ang iyong tunay na damdamin hanggang sa pag-iisa. Plastikin mo nang ngiti kumbaga. Dahil kapag ipinakita mo ang iyong pagkapikon sa pang-iinsulto niya, mas lalo siyang matutuwa. Perpektong naiintindihan na napatahimik ka na lang, pero maghintay ka na lumapit siya sa iyo para manghingi ng sorry.


4. Pigilan ang sarili na patulan siya. Huwag kang bababa sa kanyang lebel dahil hindi malulutas ang problemang ito. Lalo lang siyang mahahamon.


5. Gaanan lamang ang komento. Kung ang nang-iinsulto ay pinagtawanan ang iyong bagong gupit na buhok at damit, puwede ka namang sumagot ng pasasalamat sa kanya at napansin niya rin ang iyong naging pagbabago. Hindi ang naturang sagot ang gusto niya, mainam na nakontrol mo ang iyong sarili na patulan siya sa kanyang naging komento.


6. Iwasan na ang naturang tao. Hindi ka naman kasi pagtatawanan at matutukso uli kung masasalubong mo uli at magkrus uli ang landas ninyo ng tao. Hindi na praktikal kung araw-araw ka na kasing nasasaktan sa pang-iinsulto. Kaya simpleng dumistansiya na lang at lumayo para hindi siya makita at hindi ka masyadong magdaramdam.


7. Pero, tandaan mo na hindi naman iyon tungkol lahat sa iyo. Ginagawa kasi ng ibang tao ang panunudyo dahil may problema sila sa damdamin, ito’y para makuntento ang kanilang kasiyahan at para mas iangat nila ang sariling karakter.Basta lagi mo lang paalalahanan ang sarili na ang mga pang-iinsulto ay mas madaling balewalain.

8. Kapag alam mong nariyan na uli ang mga nang-iinis, dapat lagi kang may good friend sa tabi para maipagtanggol ka.


9. Kung ang panunukso ay sumosobra at hindi mo na kayang tanggapin, oras na para magsumbong sa iba na may awtoridad na kumastigo sa kanila.


10. Pataasin mo na lamang ang tiwala sa sarili, hubugin ang talento at isipin na anuman ang sabihin nila sa iyo, dapat ka pa ring proud sa iyong sarili.

 
 

ni Nympha Miano-Ang - @Life and Style | July 01, 2021




Hey, girl! ano ba?! Hindi pa end of the world kapag lampas ka na sa edad 35 at single ka pa rin,


Huwag kang mag-aalala kung magbi-birthday ka naman tapos ay ganun pa rin wala ka pa ring jowa, dahil ang katwiran mo ay nakakulong ka sa bahay dahil pandemic, kaya lalo kang hindi makahanap ng the one mo. Heto ang tips ng mga eksperto para di ka maburyong sa edad mo.


1. JUST WANNA HAVE FUN. Burahin na ang dating routine, gumawa ng isang bagay na kakaiba. Puwedeng pag-aralan ang pagha-hardin dahil uso na ang pagiging plantito o plantita, pagluluto, financial management, photography, scuba-diving, belly dancing, pagkanta na bagay sa boses mo, mag-aral tumugtog ng piano at gitara, baguhin ang kulay ng buhok etc.


Ibang bagay nga naman ang iyong gawin, kung halos 38 oras kang nagtatrabaho sa isang Linggo. Hindi na kasi healthy ang pagkauwi ng bahay ay agad kang mauupo sa sofa, manonood ng TV, paano ka pa magiging attractive sa iba niyan?


2.Makipag-usap sa chat matagal nang hindi nakakausap o nakikitang kaanak o ibang kaibigan kahit napipilitan ka. Manamit ng maayos, ayusin ang sarili at palagiang ngumiti. Sa sandaling masaya ka sa piling nila, ipaalala mo sa kuwentuhan ang mga dati ninyong pinagsamahan at mga ginagawa, iyong masasaya kayo noong bata pa. Pakinggan din ang sasabihin ng iyong mga tiyahin at tiyuhin, lolo at lola. Magiging masaya kayo lahat kapag nagkakuwentuhan.


3.Magboluntaryo sa isang community pantry, charitable organization o non-profit institution. Maaring ito ay sa isang simbahan, bahay-ampunan, elderly home, home for differently abled, soup kitchen. Magsimula sa isang bagay na magagawa mo nang mabuti at maibahagi ang iyong talento. Hindi lang sa nakakatulong ka sa mga kapus-palad kundi malay mo dito mo makilala ang taong may ginintuang puso.


4. Ang iba ay nagagawa lang ang dating online at sa paraan na diyan sila kuntento. Huwag kang magmadali sa paghahanap ng ka-date, ang iba ay nage-enjoy lang sa online dating. Konting tiyaga lang, malay mo siya na ang iyong makapalad sa dakong huli.


5. Kung may tsansang magbiyahe at magtungo sa iba’t ibang lugar, basta't lagi lang mag-ingat at sundin ang health at safety protocol para hindi magka-COVID-19, kung kaya ng iyong bulsa ay mamasyal sa ibang bansa. Malay mo sa iyong paglalakbay ay doon mo makilala ang taong magpapatibok ng iyong puso.


6. Huwag masyadong magpapadala sa mga tudyo na, “Hoy, tumatanda ka na, mag-asawa ka na, girl!” Basta’t alam mo sa iyong sarili na pakakasal ka rin sa tamang panahon at may tamang tao na nakalaan para sa iyo. Kaya sa susunod, kapag tinanong ka ng uncle o auntie mo kung bakit hindi ka pa rin ikinakasal, sabihin sa kanila na hindi pa kasi dumarating sa iyo ang taong ipinagkaloob ng Diyos o kaya ay saka sila tanungin kung mayroon ba silang gustong irekomenda at ipakilala sa iyo. Basta’t lagi kang may nakahandang ngiti sa kanila.


7. Ikinasal ka na, at last! Kung nagawa mo na ang lahat ng hakbangin na nabanggit at wala ka pa ring matagpuang Mr.Right o Ms. Right, tanggapin mo na ang blessing ng pagiging single at ikasiya ang damdamin ng ganyang status. Tandaan na ang mga kasal na ay may katuwang na sa kasiyahan, kalungkutan at tone-toneladang responsibilidad. Kung tagumpay at nagkakaedad nang masaya at pagkatapos ay nakatagpo ka nang iyong magiging partner, ayos na, kasalan na.


8.Panghuli, anuman ang iyong estado sa buhay, single, married, hiwalay at anuman ang iyong edad, huwag kalimutan na ingatan ang iyong sarili para sa iyong kinabukasan, matulog nang maaga, kumain ng masustansiya, naibigay mo na ang iyong magagawa at paglilingkod sa komunidad, anuman ang talento na mayroon ka. Lumabas at yakapin ang mundo nang masaya. Magpasalamat ka dahil sa ikaw ay malakas at buhay pa!


 
 

ni Nympha Miano-Ang - @Life and Style | June 30, 2021




1. Umayos ka gaya ng ginagawa mo sa totoong buhay.

Sa totoong buhay, marami ang sumusunod sa rules at ayaw na makasakit sa damdamin ng ibang tao. Gayunman, para sa iba ay parang nawawala ang rules pagdating sa social media dahil sa kakulangan ng ideya at kaalaman. Pero ang mainam na manners sa internet ay tulad din sa isang tunay na buhay. Ang pagkukulang sa mga salitang nararapat gamitin ay hindi dapat na huminto mula sa pag-uugali ng pagiging level headed at nasa ayos.


2. Respetuhin ang oras ng ibang tao.

Ang tamang ugali sa social media ay dapat nagpapakita ng pagrespeto sa oras ng ibang tao. Huwag lagyan ng mga spam o virus links ang isang chat GC o ang inboxes messages ng iba. Kung magpapadala ng dose-dosenang kopya ng pare-parehong mensahe maging sa email sinasayang mo ang oras ng tao dahil babasahin niya isa-isa ito at buburahin. Bilang dagdag, huwag nang magpadala ng junk, spam o iba pang nonsense na alam mong ayaw makita ng isang tao. Kung ikaw naman ay pinagkakatitiwalaan ng tao na mabuksan ang kanyang email address, huwag mong abusuhin ang tiwala na iyon.

2. Maging mapagpatawad. Maging mapagpatawad sa ibang tao sa cyberspace. Hindi naman makokontrol ang mga taong adik sa internet. Kaya kung may nagkamali man, kailangan mong magpatawad at tapat na ituwid sila. Bilang dagdag, ituwid mo lang ang isang tao sa pribadong pagpapadala ng mensahe. Huwag mo nang i-post ang pagkakamali ng iba sa public forum. Dinadaan mo sa kahihiyan ang tao at kabastusan ito lalo na kung may kasama pang pagmumura at mayroon ka pang taguri sa naturang tao.


Ang isa pang ehemplo na kailangang maging mapagpatawad ay ang mga website errors o incorrect links. Kung minsan ang websites ay hindi umuubra sa paraan na kailangan. Hindi iyan ang dahilan para mag-send ng webmaster hate mail. Mahinahon at konstruktibong mag-email sa webmaster hinggil sa problema at magbigay ng impormasyon hangga’t kaya mo.


4. Gumamit ng tamang Ingles at tamang daloy ng mga salita.

Ayon sa "Etiquette and Manners for the Contemporary Woman" website, kapag magtitipa ng mensahe sa Internet, kinokonsiderang good manners ang paggamit ng tamang Ingles. Gumamit ng tamang sentence structure, grammar at spelling para mas madaling mabasa at maunawaan ang inyong impormasyon. Huwag ding magsusulat ng all capitals, na para bang sumisigaw ka o lahat ay lowercase letters, dahil mukha ka namang tamad sumulat o kaya naman ay mga mali-maling ispeling ng salita na hindi talaga maintindihan. I-proofread mo munang maige ang iyong mga mensahe bago ipadala upang ikaw ay agad maintindihan.


Gumamit ng tamang capitalization para maipakita na may oras ka at diskarte sa iyong pagsusulat.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page