- BULGAR
- Apr 17, 2021
ni Maestro Honorio Ong - @Kapalaran ayon sa Numero| April 17, 2021
Dear Maestro,
Gusto kong malaman kung kami na ba ang magkakatuluyan ng boyfriend ko? Kasi kamakailan lang ay naibigay ko na sa kanya ang aking pagkababae at simula noon, nag-aalala ako na bigla niya akong iwanan dahil nakuha niya na ang gusto niya.
Sa ngayon, padalas na nang padalas ang pagtatalik namin, kaya pray at wish ko na sana ay kami na. August 15, 1998 ang birthday ko at April 3, 1996 naman ang boyfriend ko.
Umaasa,
Mia ng Bagong Nayon, Baliwag, Bulacan
Dear Mia,
Kung ang ipinag-aalala mo ay baka hindi kayo magkatuluyan ng boyfriend mo, sa totoo lang, wala ka namang dapat problemahin o ipag-alala dahil ayon sa zodiac sign mong Leo na pinaghaharian ng elementong fire o apoy, tunay ngang compatible kayo ng boyfriend mo na may zodiac sign na Aries.
Sapagkat ang Aries, tulad din ng Leo ay pinaghaharain ng elementong fire o apoy at dahil nga pareho kayo ng elemento, sadya ngang tugma at compatible kayo sa isa’t isa.
Sa pag-aanalisa namang Numerology ay ganundin, sadya ring magkatugma at magka-compatible ang birth date mong 15 o 6 (ang 15 ay 1+5=6) sa birth date na 3 ng boyfriend mo, sapagkat kapwa kayo naiimpluwensiyahan ng planetang Venus at Jupiter at ang mga numerong 6 at 3 ay kapwa kabilang sa grupo ng mga numero na kung tawagin ay “divisible by 3 o numerong series of 3-6-9.”
Ibig sabihin, sadyang tugma at magka-compatible kayo ng boyfriend mo, na nangangahulugang kayo na ang magkakatuluyan at nakatakdang magsama sa pagbuo ng isang maligaya at panghabambuhay na pamilya, na nakatakdang mangyari at maganap sa susunod na taong 2022 sa edad mong 24 pataas.
