top of page
Search

ni Lolet Abania | March 9, 2022


ree

Itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si National Transmission Corporation (NTC) chief at PDP Laban secretary general Melvin Matibag bilang acting Cabinet secretary.


Nilagdaan ni Pangulong Duterte ang appointment papers ni Matibag nitong Martes.


Papalitan ni Matibag si Karlo Nograles na in-appoint naman bilang chairperson ng Civil Service Commission (CSC).


Ngayong Miyerkules ay nanumpa si Matibag kay Executive Secretary Salvador Medialdea na ginanap sa Malacañang Guest House.


Sa isang press statement, nangako ang PDP Laban official na mahusay niyang gagampanan ang kanyang tungkulin hanggang sa mga natitirang buwan ng Duterte administration.


“We have about three months to oversee the Cabinet Secretariat and we will make sure the important policy issues of President Duterte are acted upon and the Duterte legacy is properly established,” sabi ni Matibag.


Aniya, titiyakin din niya ang kooperasyong dapat ibigay ng Cabinet Secretariat para siguruhing maayos ang transisyon ng kapangyaring sa susunod na pangulo.

 
 

ni Jasmin Joy Evangelista | November 24, 2021


ree


Mayroong payo ang ilang awtoridad para hindi mabiktima ng text message mula sa job hiring o pautang na natatanggap ng mga mobile phone user kamakailan.


“Kapag nag-reply ka, intended target ka na. Pagka naka-receive ka ng ganyan, talagang dapat i-ignore lang," ani National Bureau of Investigation (NBI) anti-cybercrime chief Victor Lorenzo


"Pagka naka-receive ka na qualified ka sa trabaho na inaaplayan mo, hindi ka naman nag-aaplay ng trabaho, scam na ho 'yun. Or kapag may nag-text sa 'yo may napanalunan ka, hindi ka naman sumasali sa contest or any raffle, kaduda-duda po 'yun," dagdag niya.


Aniya pa, duda siya na nakuha ng scammers sa contact tracing forms ang numero ng mga nakatatanggap ng mga mensahe dahil walang pangalan ng receiver ang mga spam message.


Ayon kay Lorenzo, hirap ang mga scammer na kumuha ng personal na impormasyon sa taong nangalap ng datos.


Bukod dito, may data privacy act din para protektahan ang datos ng lahat.


May payo rin si PNP Anti-Cybercrime Group Director Police Brig. Gen. Robert Rodriguez at aniya, dapat maging maingat ang publiko at huwag agad magtitiwala sa natatanggap na spam messages.


"You should always be very careful sa online, sa mga text message, huwag agad magtiwala at huwag kaagad magbigay ng personal information lalo na 'yung bank accounts, mga OTP (one-time pin) numbers na binibigay ng banks sa atin, mga credit card po, kailangan huwag mag-online, kasi napakadelikado po," ani Rodriguez.


Ayon naman kay NPC Commissioner Raymund Liboro, posibleng sa organisadong global syndicate ito nangyari.


"Kung kayo ay nakatatanggap nito i-block niyo na. Huwag niyo nang tatangkilikin," ani Liboro.


Tiniyak naman ng Malacañang na ito ay iimbestigahan at inataasan ang NTC na gawin ang kanilang trabaho.

 
 

ni Lolet Abania | January 12, 2021



ree


Ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte, maging ng mga gabinete, sa National Telecommunications Commission (NTC) na magpatupad ng sanctions sa mga internet service providers (ISPs) dahil sa umano’y pagkabigo nito na mapigilan ang paglaganap ng child pornography sa bansa.


Ayon kay Cabinet Secretary Karlo Nograles, nabuo ang direktiba ng pamahalaan matapos na lumabas ang data patungkol sa kahina-hinalang transaction reports na may kaugnayan sa online sexual exploitation sa gitna ng COVID-19 pandemic, kung saan higit na dumoble ito kumpara noong 2019, na mula sa 19,000 ay naging 47,937 nitong 2020.


Sa ilalim ng Republic Act 9775, kinakailangang ipaalam ng ISPs sa Philippine National Police (PNP) o sa National Bureau of Investigation (NBI) sa loob ng pitong araw ang mga nakuhang pangyayari o lumabas na ulat ng anumang uri ng child pornography na naganap gamit ang kanilang server o facility.


Ayon din sa batas, lahat ng ISPs ay dapat na mag-install ng mga kailangang technology, program o software upang matiyak na magkakaroon ng access o transmittal sa kinauukulan ng anumang uri ng child pornography upang agad na maharang o ma-filter.


Parehong ang PNP at NBI ay nagsasagawa ng imbestigasyon tungkol sa nai-report na bentahan ng sensual photos at videos ng mga estudyante, kung saan nahihirapang sumabay sa ipinatutupad na distance learning at magkaroon ng mga requirements para rito sa gitna ng COVID-19 pandemic.


Matatandaang iniutos din ni Department of Justice (DOJ) Secretary Menardo Guevarra sa NBI na sampahan ng kaso ang sinumang sangkot sa gawaing labag sa batas na may koneksiyon sa pagbebenta ng malalaswang larawan at videos online.


Iminungkahi rin ni Pangulong Duterte at kanyang gabinete sa mga mambabatas na dapat magtakda sa mga ISPs at tourism establishments ng pananagutan na layong mabuwag ang child pornography sa bansa.


“Malinaw po na hindi hahayaan ng gobyerno na madagdagan pa ang biktima ng sexual exploitation sa gitna ng kinakaharap nating pandemya,” ani Nograles sa isang news conference.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page